UNA

98 3 2
                                        

Eto na naman ako sa harap ng profile nya. Araw-araw ko tong tinitignan baka kasi nagpalit na siya ulit ng status. Baka nagkabalikan na ulit sila o may iba na naman siyang girlfriend. For how many years, this has become my hobby. A hard habit to break, I must say. I'm not stalking huh. This is what you called, Investigating.

Karl Vianne Dee 

Studying at San Beda College 

Lives in Makati 

Born on August 17

Whoo! Single pa rin siya and yeah, he is still studying. Dapat nga mas nauna pa yang grumaduate sa akin. Nagloko kasi. Last month pa siyang single, actually. I saw it in FB and I remember it so well while I was checking on the newsfeed, his status caught my attention.

Karl Vianne Dee went from being in a relationship to single.

My heart was filled with joy that moment. I could feel that my lips were forming into a smile. Ako lang siguro ang natuwa na nag-break sila. Medyo matagal ko ring iniisip na di sila magtatagal ng one year and nangyari nga.

I checked on the comments below it. Maraming concerned netizens. Like them, I was also wondering what was the reason behind their break-up. But he deleted his status, immediately. Wala tuloy akong idea what the hell went wrong with the two of them. Pero at least single na siya ulit.

Nag-post pala siya ng kanta kagabi. Lego House by Ed Sheeran. I've never heard of this song so I immediately googled the lyrics and listened to it.

Catchy yung tunog saka mukhang para sa ex nya yung kanta. Badtrip! Mahal pa rin nya si Christine. Ano bang nagustuhan ni Vianne sa kanya, eh halos ex-girlfriend yun ng bayan sa school nila before. Bakit hindi na lang ako? I have to admit maganda naman talaga siya. Maliit na babae lang, maputi at may brace. She was the muse in her school and I'm just a typical nerd in our campus. Yeah, I'm still a nerd. Ano nga bang panama ko sa kanya? WALA!!

At dahil nainis ako sa kanta nya, nag-post din ako. Tadhana by Up Dharma Down. Para kunyari may pinag-aalayan din ako ng kanta. Baka kasi, he's also checking on my profile at ginagawa nya yung ginagawa ko. Hah! Akala nya! Para kunyari may crush akong iba.

Feeling ko kasi noong grade six kami may gusto siya sa akin. Feel ko lang naman. Nagkekwentuhan kasi kami noon ng mga urban legends sa room. Half day yung class namin. After nyang magkwento, umalis siyang bigla. Tapos may kababalaghang nangyari. Bigla kasing sumara yung door ng malakas kaya nagsigawan kami at lumabas ng room. Bumaba kami ng building at nakita namin siya.

"Vianne, sayang wala ka kanina..."

"May nangyari sa taas...."

"Saan ka ba galing? Sumara yung pinto..."

Sabay-sabay nilang kwento pero tinitignan lang sila ni Vianne. Noong ako na yung nagsalita, he looked at me, straight to the eye and nakikinig siya ng mabuti sa sinasabi ko. 

"Vianne, alam mo bang sumara yung pintuan ng malakas sa taas kanina kaya nagtakbuhan kami pababa." I said.

"Buti na lang pala nakaalis na ako dun." he said it smiling. Kaya ayan tuloy, hanggang ngayon pakiramdam ko may hidden desire din siya sa akin.

I didn't tell anyone na may crush ako sa kanya. Up until now walang nakakaalam. Kahit yung mga college friends ko, even though hindi naman nila kilala si Vianne hindi ko sinabi sa kanila. Ganun kasi ako kapag may crush ako, di ko talaga sinasabi kung sino. I'll pick one person around para kunyari siya yung crush ko. Mga kaibigan ko kasi ang hilig manukso pag dumadaan yung mga crush namin. Ayoko pa namang nalalaman ng crush ko na may gusto ako sa kanila. For sure naman, they'll never like me back because I'm a legit nerd. And to save me from embarassment na rin. I'd rather shut my mouth.

Yung iba kasi pag nalaman na may gusto ka sa kanila, it's either lalayuan ka nila or aasarin. Lumalaki pa yung ulo nila. Feeling artista ang level. Huwag na lang. Nakakaturn-off yung mga ganun.

Good looking naman siya. Matangos ang ilong, maputi, bilugan ang mata, medyo makapal ang kilay at buhok. Hindi masyadong matangkad at payat. One of the hearthrobs sa school namin.

Ayoko talaga sa mga lalaking crush ng bayan kasi marami kang kaagaw and besides sila usually yung mga tipong hanggang pangarap lang talaga. But it only proves that you can never really choose whom you'll fall in love with. Mahal ko na ba siya? I guess so kasi he never left my heart and up until now, he always make my heart skip a beat everytime I'm seeing him around.

Ayos online siya! Ibig sabihin makikita nya yung post kong kanta. Baka sakaling affected din siya tulad ko kapag nagpopost siya ng mga kanta or status. Kasi nga talaga feeling ko may gusto din siya sa akin. Ayaw nya lang sabihin.

After a few minutes, I check again the chatbox. Fudge! Wala na siya kaagad? Ano ba yun? Kaya lang naman ako nag-oonline dahil sa kanya. Kahit di ako nagmemessage sa kanya, makita ko lang online siya oks na ako. Alam ko kasing makikita nya yung mga post ko sa FB. Masaya na ako sa ganun.

Ang hirap naman ng ganito. Wala ka kasing mahingian ng advice kasi nga no one knows your feeling except God. Nakakaiyak naman.

Now Playing: Pangarap lang kita by Parokya ni Edgar.

Kunde Wae Andwae Ni? (Slow Update)Where stories live. Discover now