Part 1

27K 416 16
                                    



1997

"HI, IVY! Ang aga natin ngayon, ah?" bati sa kanya si Rachel na officemate niya sa CyberPacific. "O baka naman dito ka na sa opisina nakatira? Tatlong taon pa bago ang new millennium. Baka naman hindi ka na umabot sa year 2000 kung ngayon pa lang overworked ka na."

Iniarko niya ang kilay. "Ako, overworked? Never. May sistema yata ang trabaho ko, 'no?"

"Sus! Lumakas na naman ang hangin," naiiling na sabi nito. "Ibig ko lang namang sabihin, parang overloaded ang trabaho mo these days."

"Normal lang for me. Alam mo namang ngayon pa lang, nagpe-prepare na ang mga malalaking kumpanya na baguhin ang business system nila. Kung magsalita ka diyan, parang hindi ka busy. Hindi ba, ikaw ang may-hawak ng Southeast Development Bank?"

"Madali lang iyon kumpara sa kumpanyang hawak mo. Nineties lang nang itayo ang bangkong iyon. And as early as 1991, naisip na nila ang maaaring maging problema ng papalit na millennium. Hindi masyadong malaki ang adjustments na gagawin sa program nila. For one thing, hindi nila problema ang millennium bug. Iyong program nila, ever since, four digits na ang gamit nila sa year date. Sa Meralco ba, malaki?"

"In the first place, naisip mo na ba kung gaano kalaking kumpanya ang Meralco? Marami namang staff na ibinigay sa akin. Ang target namin doon, before the end of this year, Y2K compliant na ang buong system at siyempre pati na rin mga empleyado." Naupo na siya sa desk niya at hinarap agad ang computer.

"I still can't believe it," wika ni Rachel. "When I went to college, ang sama-sama ng loob ko kasi si Daddy ang nagsulat ng course ko. Computer Science. I wanted to be a nurse! Pero ngayon, wala na akong reklamo. Ganito na ang takbo ng mundo ngayon. High-tech na tayo!"

"At mataas ang suweldo," nasisiyahang sabi niya.

Dalawa lang sila ni Rachel sa maraming system specialists ng CyberPacific. Sa Pilipinas, isa sa pioneer at pinakamalaking software development company ang CyberPacific. Nasa kumpanya ding iyon ang mga computer wizards. At ngayong papalapit na ang bagong milenyo, nag-create din iyon ng panic sa mundo. Kahit ang mga bata ay naging aware sa tinatawag na millennium bug.

Pero relaxed lang sila sa CyberPacific. And they were taking advantage of the Y2K turmoil. Sila ang nakakontrata sa malalaking kumpanya para baguhin ang recent operating system bilang paghahanda sa darating na milenyo.

At siya, si Ivy Patria ay nakasali sa grupo ng system specialists na sa Meralco ang assignment. Dalawang team din sila. Mayroon sa technical support pero siya ay ini-assign sa training and seminar para sa mga empleyado ng kumpanya.

Ayaw niya noong una. She thought she was better at technical side. Pakiramdam niya, hindi rin siya naiba sa isang teacher kapag nag-conduct siya ng training at seminar. At wala roon ang hilig niya. Mas gusto niyang tahimik siyang nagtatrabaho sa harap ng computer.

She was nerd and impossible.

Well, iyon ang unang impression sa kanya ng mga kasamahan sa CyberPacific. Walang dudang matalino siya. Kapag nagsalita siya ng tungkol sa political issues, she sounded like the President's press secretary. She knew and understood what is happening in the world.

But she was also unreachable. Hindi lahat ng tao ay kinakausap niya. Namimili siya ng kausap. At aminado siyang arogante din.

Pero masisisi ba siya? Palaki siya ng lola. At iminulat siya na magkaroon ng tiwala sa sarili. Na hindi kakulangan na maaga siyang naulila. That despite her parents' absence, she deserved the best things in the world. Pinalaki siya ng lola na may gintong kutsara sa bibig.

Ivy's LeagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon