Chapter Two:Bad day!

45 1 0
                                    

Maaga akong gumusing Saturday kasi ngayun so walang pasok.Naligo na ako at nagbihis pagkatapos bumaba na ako para hanapin si inay *hanap*hanap*hanap*nung nakita ko na si nanay na nagdidilig nang halaman. "Mom gala lang ako!"kasabay nun tumakbo na ako may sinabi pa ang mahal kung ina pero di ko alam kung ano yun sensya naman excited lang.

Nag-aabang na ako nang taxi ,sampung minuto ang nakalipas wala parin ang anino nang taxi. seriously saan napunta ang taxi? kinain niyo ba? umamin na kayo!(nag joke ang author) so para di ako masyado mabored sa kahihintay nang taxi kumanta na lang ako."Nasaan kana ba taxi ko miss na miss na kita ano ang dapat kung gawin para magpakita kanaaaaaaa ahhhhh"pumipikit pikit pa ako na parang feel na feel ko yung song.

"hoy!ano nangyari sayo?"tanong nang isang boses na parang alalang alala .Dinilat ko ang mga mata nakita ko si Xian na nakatayo sa harapan ko, puno nang pag-alala ang kanyang mukha na parang may masamang nangyari sa akin."Bakit?"tanong ko sa kanya.

"sumisigaw ka kasi na parang may sumasapi sayo, kumakanta ka lang pala?kung feel mo magconcert dito sa kahabaan nang daan magpasabi ka para alam namin na kumakanta ka lang at hindi ka sinapian nang masamang espirito"mahabang lintaya nito na seryosong seryoso ang mukha.Hinampas ko siya nang bag at ang unggoy tinakbuhan ako .Narinig ko pa ang walang hangganan niyang pagtawa at ang bilin niya.

"huwag kanaaang kumanta maawa ka sa amiiiin"-Xian

"I HATE YOU XIAN!!!"Sigaw ko sa kanya. Di ko alam kong narinig niya ba yun panira talaga nang araw ang unggoy na Xian.

Sumakay na ako nang taxi na sa wakas dumating na,malakas kong sinira ang pinto na parang may personal na galit ako sa kawawang pinto tumingin naman si manong drayber na parang nagulat.

"galit ka iha?"tanong ni manong.

"hindi po ang saya nga eh"sarkastiko kong sabi

"halata nga"sarkastiko ding sabi ni manong.Tinignan ko nang masama si manong drayber tumahimik naman siya.Then after idontknow minute dumating na ako sa mall.

Kikitain ko si Pea dito may usapan kami nang bruha at dahil late ako siguro magpapalibre yun.Nagmamadali kung tinahak ang aming tagpuan na siyang saksi sa aming pagmamahalan (katawa kay nag joke si author)

At dahil sa aking pagmamadali( boooooggs*!!!)akoy nakabangga.

"watch your step!!!!"malakas na sigaw nung lalaki na halos magbigay sa akin nang heart attack.Tinulungan ko siyang pulutin ang mga pinamili niya na nagkalat sa kungsaan nanginginig pa ang mga kamay ko. At pagkatapos binigay kuna sa kanya.

"sorry"mahina kung sabi.

"dapat kasi tumitingin ka sa dinadaanan mo para di ka makadisgrasya!"sigaw parin nang lalaki.Nagtitinginan narin ang mga tao at hiyang hiya na ako dito at grabe naman tong lalaking to nagsorry na nga ako sumisigaw parin!

"Sorry nga diba!! ano bang gusto mong gawin ko lumuhod sa harapan mo?sigaw ko narin sa kanya.

"haha so ikaw pa ang nagagalit ikaw na nga ay may kasalanan?"mapang- uyam na sabi nung lalaki na gusto ko nang ipasalvage.

"bahala ka nga  diyan! ayaw ko nang makipag-usap sayo!!!"pagkatapos nun tumakbo na ako bahala  siya dun.Nagsorry na nga ako galit parin siya wala ba siyang puso para hindi magpatawad sa simpleng pagkakamali na nagawa ko?Gwapo pa naman yung lalaki na yun!

Pinuntahan ko nasi Pea,  gusto ko nang ikuwento sa kanya kung gaano kasama ang araw na ito!!!






Crush ko si EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon