wala naman gaano ginawa sa 2 subject ko ngayong araw medyo napaaga uwian ko ng 30 minutes so meaning 10 am palang diretso na ako palabas ng makasalubong ko si Leo na nakasakay siya  sa motor niya..

nasa labas na ako ng gate pero huminto siya sa harap ko muna ..

"Kara nagmamadali kaba? i can give you a ride." at hinagis niya sakin yung helmet niyang isa. at buti naman nasalo ko kahit papano..

"Okay lang leo magjejeep naman ako. at hindi naman ako nagmamadali eh."

"No, hatid na kita wala naman ako gagawin eh. kaya sakay na kung ayaw mong magtampo ako sayo.." sabay lagay niya ng helmet niya sa ulo niya.. bat ang cool niya ngayon.. eehh !!

"Ahh okay." wala na akong nagawa isinuot ko na din yung helmet at sumakay sa likod niya.

hindi naman siya mabilis magpatakbo sapat lang..

"kumapit ka baka malaglag ka dyan" sabi ni Leo..

at kumapit ako pero sa laylayan ng damit niya lang ako nakahawak..

"Gusto mo ata mapunit damit ko ahh haha"  ang cute niya tumawa napangiti ako sa tawa niya..

bigla niya naman binilisan at napahawak ako ng mahigpit sakanya ng di-oras.. nakakahiya tuloy..

"Ganyan kara kumapit ka. ako bahala sayo.. san nga pala tayo pupunta?"

ahh oo nga pala di ko pa nasabi..

"sa cake shop malapit lang.."  napakacomfortable ko sakanya ( ^__^ )

"Oo alam ko yun.."

sana siya nalang si troy.. siguro maswerte magiging girlfriend netong si Leo baka nga mag girlfriend na siya..

gwapo siya, mabaet, gentleman, artistahin.. mayaman pa.. halos lahat nasa kanya na..

"andito na tayo, naenjoy mo na yumakap sa likod ko ah. haha"

namula ata ako. hindi ko napansin parang yakap na pala ang hawak ko sa likod niya nakakahiya..

"he-he.. grabe ha.."

pumasok na kami sa loob ng cake shop.. 

"Goodmorning sir  Le--"  tinaas ni leo yung kamay niya na parang sinasabing stop.. bakit naman kaya..

at may inabot siyang papel sa babaeng nagsalita kanina.. anu kaya yun..

"ah bibili ka ng cake diba?" nakakapagtaka naman alam niya..

"Bakit mo alam?" tanong ko. nginitian naman niya ako..

"Nasa cake shop kasi tayo eh.." ngumiti nanaman siya nakakatunaw naman yung ngiti niya grabe..

"ahehehehe Oo nga sabi ko nga.." 

tanga ko naman oo nga naman nasa cake shop kami hehe..

"ma'am kayo po yung kahapon di po ba? nakareserve po yung inyo kukunin niyo po ba."

balak ko palitan nalang yun ng mas medyo mura ang mahal kasi..

"ahhh-----"

"Ma'am my 75 % discount po kayo maam 222.50 pesos nalang po kaya kunin niyo na po maam"

O__O woooooaaaaaaaahhh !! I'm so Luckyyyyyyyyyyyy... kukunin ko na talaga.

"talaga po? sige po kukunin ko na po.."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Story: Chocolate cakeWhere stories live. Discover now