Chapter 1

56.4K 621 28
                                    

This story is for your personal enjoyment only. This may not be reproduced in means of paper or web. This is a work of fiction. Names, characters, places, brands, media, and incidents are either the product of the author's imagination or are used fictitiously. The author acknowledges the trademark status and trademark owners of various products referenced in this work of fiction, which have been used without permission.

His Bedmate is righfully owned by MissWitty

--------
Chapter 1

"MARIAN, ano sasama ka ba sa'min mamaya?" tanong sakin ni Pearl.

Nag-isip ako sandali. May kailangan nga ba akong gawin mamaya? "Uhm, saan ba pupunta?" Tanong ko habang nag-aayos ng buhok sa harapan ng malaking salamin dito sa campus C.R.

Katatapos lang ng kanilang klase at heto na nga nag-iisip na ang mga kaibigan ko kung saan maaring magpalipas ng oras mamayang gabi. Friday naman so okay lang ang mag-relax kahit papaano.

"Sa Bottom's Up lang naman. Bar night out tayo. Friday naman eh." ang aking isang kabigan na si Claire ang sumagot sa tanong ko.

"Ah sige, BEERNES nga pala ngayon. Drink 'til we drop ba?" Tanong ko na bahagyang natatawa. Binuksan ko ang compact powder at bahagyang nag-retouch.

"Oo. At boy's hunting na rin. Wala rin naman tayong jowa kaya maghanap na rin tayo!" Wika ni Michelle habang nakasandal sa pintuan nitong C.R.

Napabuntong-hininga ako. Tama ang kaniyang kaibigan na sa gaganda nilang ito, wala naman ni isa sa kanila ang may boyfriend. Oh, well. Hindi man ako sang-ayon sa sinabi nito na maghanap sila mamaya ngunit hindi ko na ito kinontra. Wala naman siyang planong maghanap pa dahil nabihag na ng isang lalaki ang aking puso at atensiyon ngunit sa kasamaang palad ay hindi naman ako nito pinapansin.

Kailan kaya mapapansin ni Kurt na narito lang ako? Kung sino-sino pa ang tinitingnan nito samantalang matagal ko na siyang hinihintay sa isang tabi. Kaya nga yata hindi ko na rin napapansin ang ibang mga lalaking umaaligid sa akin dahil tanging si Kurt lang ang gusto ng aking puso. Hay, buhay. Kung hindi lang rin naman siya ang magiging una kong nobyo, mamamatay na lang akong NBSB at virgin.

Pagpatak ng 9:00 P.M. ay muli na kaming nagkita-kitang magkakaibigan sa aming paboritong hang-out place kapag biyernes ng gabi, ang Bottom's Up bar. Tulad ng mga nakaraang linggo, jam-packed na naman dito sa bar at karamihan ay schoolmates nila na nagnanais ring makapag-night out bago ang weekend.

"Beer na lang tayo. Isang tower." Wika ko nang makahanap kami ng bakanteng lamesa. Mabuti na lang at may naabutan pa silang bakante kung hindi, papatak na lang kami sa isang coffee shop.

"Okay. Order na lang tayo kapag kulang." Sang-ayon ni Michelle. Tama ito, may kalakasan kaming uminom dahil trained na rin yata ang katawan namin. Sa bawat biyernes ay kadalasan nasa bar sila at umiinom. Isa pa, kapwa matataas naman ang aming mga alcohol tolerance.

Nilibot ko ang tingin sa buong bar. Ang dami talagang tao mistulang mas marami ngayon kumpara sa mga nakaraang Fridays na nagdaan.

Oh wait! Tama ba ang nakikita ko? Si Kurt 'yun ah? Goodness! Andito ang mahal ko! Napangiti ako ng malapad ng makumpira na si Kurt nga ang natanawan ko kahit pa may kadiliman ang paligid. Basta talaga itong lalaking ito, lumilinaw ang mga mata ko at tila may night vision pa.

"Girls! Narito si Kurt my loves!" Kinikilig at may kataasan ng boses na ipinaalam ko sa mga kasama ang magandang balita. Hindi lingid sa mga kaibigan ko kung gaano ako ka patay na patay sa isang Kurt Ian Bermudez.

His BEDMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon