[TRD] 05- Ace And Yasha Cooking Session

Start from the beginning
                                    

Sa expression ng mukha ni Aya parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Uminit bigla ang ulo ko, dahilan para batukan siya. Wala akong pakialam kung mas matanda siya sa'kin ng tatlong taon i am still her boss kung anong gusto kong gawin sa kanya gagawin ko. Maiyak iyak niyang hinawakan ang ulong binatukan ko. Inirapan ko siya then i hissed.

~~~

Tinignan ko ang mamahalin kong relo. What the shit! 8 pm na tapos ang tagal tagal niyang bumalik. Hindi ko naman sinabing bilhin niya ang buong supermarket dito sa Korea. Saan na ba napunta ang babaing 'yun? Sasapokin ko 'yun eh. Halos mapudpod na ang high heels ko sa kakapadyak sa floor. Umaabot na rin sa kisame ang kilay ko. Kung bahay ko lang itong kinatatayuan ko malamang wala ng bagay na buo ang makikita sa sobrang galit ko.

Kunting tiis pa Yasha dadating din si Aya... dadating din si Ace, maghintay ka.. kunti pa.. I'm starting to count. Kapag hindi pa kayo dumating ihanda niyo na ang paglilibingan niyo.

"One, two, three, four, f-"

Naputol ang pagbibilang ko ng may dalawang stupid na pumasok. 'Yung isa halatang pagod na pagod at hingal na hingal dala nitong malalaking paper bag ito yung mga pinamili niyag sangkap na gagamitin para sa magluluto at ang isa naman parang anime sa suot niyang maid custom tapos nilagyan pa ng short hair wig. Hindi maipinta ang buong mukha niya. Lukot na lulot at ang sama ng tingin sa akin na mas lalong nakakadagdag sa nakakatawang ambiance.

Damn him! He is so cute!

Napahawak ako sa bibig ko ang buong akala ko mapipigilan ko ang pagtawa ko pero nagkamali ako.

"HAHAHAHAHAHA!" I laugh out loud. "HAHAHAHAHAHAHA! Sorry... HAHAHAHAHA!"

Nagdadabog siyang naglakad papunta sa kinatatayuan ko. "SIGE PAGTAWANAN MO KO!" Ganting sigaw niya. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang paghalakhak. "NU'NG UNA, KUMATOK KA SA GATE NG APARTMENT KO AT GUSTO MONG BUMALIK AKO BILANG DRIVER MO, PANGALAWA HUMINGI KA NANG TULONG SA PAGLULUTO TAPOS PASUSUTOIN MO KO NG UNIFORM NG MAID! SABIHIN MO MAY MENTAL PROBLEMS KA BA? O TALAGANG TRIP MO LANG NA MAY PAGTAWANAN KANG IBANG TAO?!"

Napatigil ako sa pagtawa dahil nag-gloomy na ang mukha niya. Nagpeace sign ako sa kanya tapos binigyan ko ng taray look si Aya na halatang na-confused sa mga narinig mula kay Ace.

"That's not true! Ilagay mo na sa kitchen ang binili mo tapos umalis ka na. Pwede mo ng ipagpatuloy ang masarap mong pagkain." Masungit na sabi ko. Pagkalapag niya ng bag sa kitchen kumaripas agad siya nang takbo palabas.

I gaze on Ace again and, "HAHAHAHAHA! I CAN'T BELIEVE BAGAY SA'YO ANG MAID UNIFORM! HAHAHA!"

"KAPAG HINDI KA PA TUMIGIL SA KAKATAWA MO AALIS AKO! LET'S START!" He yelled beyond scary.

"Okay.. Let's start then." pagpapakalma ko sa sarili na sabi ko.

Aakmang huhubarin niya 'yung maid uniform mabilis kong pinigilan ang kamay niya. Umiling ako ng ulo. Kumurap kurap ng mata, nagpaout ng lips at nagpa-cute ng tudo. Hindi siya nakatingin sa mukha ko kundi sa kamay niya kung saan ako nakahawak. Agad ko itong tinanggal saka lumayo ng kunti.

Binigyan ko siya ng maamong tingin at magandang ngiti. Umiling iling uli ako, "Please, wag mong hubarin. Ang cute mo kasi eh. Siguro kung babae ka... maganda pa din ako sa'yo."

I saw him blushing then turn his back on me. Why on earth his blushing? Ngayon lang ba siya nahawakan ng isang artistang dyosa gaya ko? O ngayon lang may nagsabing cute siya at galing pa sa dyosa?

Pasimpling umirap ako. Napakunot noo ako nang pinagkakalat niya 'yung pinamili ni Aya sa taas ng table na parang may hinahanap. Asong kalye ba siya?

The Royal Diary [On-Going]Where stories live. Discover now