Sana ( a short story )

Magsimula sa umpisa
                                    

" genie, akyat nalang talaga tapos uwi na tayo.. "

walang nagawa si genie kundi sumunod, umakyat kami at pumasok kami sa kwarto kung saan laging bukas ang ilaw, hndi na namin yun binuksan dahil baka mahalata na nandoon kami.

ganon din.. normal pa din, maliban sa isang black book na nakita ko sa ilalim ng kama. hinila ko ito, binuksan ko, at nagulat ako sa nakita ko, picture at information yun tungkol sa mga babaeng nawawala at sa last page nakita ko si jillian, yung schoolmate namin na kawawala lang. 

nakita ko na lumapit si genie sa bintana na parang inaabangan nya kung sakaling dadating ang may ari ng bahay.

" aaahhh !! " sigaw ni anya, napalingon kami ni genie " gosh ! tignan mo " nanginginig na inabot sakin ni anya ang isang pink na wallet, binuksan ko yun at nakita ko ang picture at library ID ni jillian. nagulat talaga kami., parang hindi na kami makalad sa sobrang takot. pero mas lalo kaming nagulat nang may naririnig kaming yabag ng paa sa hagdanan. sinilip namin ang gate sa may bintana, bukas na ito pero iniwan naming nakasara kanina yun. ang ibig sabihin lang, andyan na ang may ari, ang may ari ng bahay na pinaghihinalaan naming kumukuha ng mga babae. dinala ko ang librong nakuha ko, as evidence sana.. nagmamadali at tahimik kaming sumilip sa labas ng kwarto, wala dun ang lalaki kaya agad kaming dumeretso sa hagdanan at nagmamadaling bumaba. nagtatatakbo kami papuntang pinto pero laking gulat namin nang makita namin sya sa may kusina, napalingon sya samin, nakita na nya kami. kinabahan ako kaya agad kong binuksan ang pintuan. nagtatatakbo kaming tatlo papunta sa may gate, hndi ko na pinapansin kung ano pa ang natatapakan ko, isa lang ang sinisiguro ko, hawak ko ang libro, wala nang iba.

nakita ko na nasa may likod lang namin sya, humahabol din, madilim ang mukha. natatakot ako.. hindi ko alam, nangangatog ako, ewan ko.. 

bukas na ang gate kaya agad kaming nakalabas, hindi na sya nakasunod sa amin. may mga tao na kasi sa labas nun. pinagtitinginan nila kami dahil pawis na pawis kami at lumuluha, hndi ko din napansin na naiyak ako. 

sana walang mangyaring masama sa amin..

sana....

==================

kinabukasan hindi ako nakapasok, ganon din sila genie at anya.. sa sobrang takot.. 

naalala ko ang libro.. kinuha ko yun sa bag ko.. tama nga ang nakita ko, ito nga ang mga babae na nawawala few months ago.. nagtaka ako kung asan na kaya sila. bigla ko ding naalala na sa twing dadaan kami sa bahay na yun, lagi nalang syang may dalang plastic bag na itim, iniisip ko kung ano ang laman non.. dapat kong malaman. dapat kong makita.

biglang ngtxt sa akin si genie, magkikita daw sila ni anya sa may plaza. andun na daw sya at hinihintay na lang si anya, wag na daw ako sumunod dahil yun ang sabi ni anya, galit daw ito dahil sa nangyari, dahil daw sa pag aaya ko na pumasok sa bwisit na bahay na yon.

pagalit kong nilapag ang cellphone ko. naiinis ako, sya pa tong may ganang magalit !

" ly !! oi ly !!! " sigaw ni mama

bumaba ako at nakita ko doon si anya. takot sya, halata naman eh.

naalala ko, hndi ba magkikita sila ni genie ngaun sa plaza.

" ly ! " umiyak na to " ly si genie ! dapat natin sya puntahan ngaun sa plaza.. kaso natatakot ako.. "

pinatahimik ko sya dahil mahahalata ni mama na may nangyayari, inakyat ko sya sa kwarto.

pag akyat namin lalo pang lumakas ang iyak nya.

" ano ba anya ! para kang tanga ! manahimik ka nga ! ano ba yun ? tsaka anung sinasabi mong puntahan si genie, eh diba magkikita kayo ? " sigaw ko

" aun na nga ly eh.. naiwan ko yung cellphone ko kahapon dun sa bahay nung lalaki, hindi ako yung nagtxt ly ! hindi ako ! pumunta ako kila genie kanina para sabihin na naiwan ko nga dun, pero sinabi sakin ng mama nya na umalis sya, na dapat daw magkikita kami.. "

"shit !" yun na lang ang nasabi ko, kinuwento ko lahat lahat kay genie ang tungkol sa libro. naalala din nya na nagpicturan kami sa bahay nun kahapon, kinuha ko ang digi-cam ko.. tinignan ang mga picture.. iisang weird na picture lang ang ikinatakot ko. ang picture ni anya sa may hagdanan, may isang picture frame dun na nakunan, zi-noom ko, laking gulat ko nang makita na picture namin yung tatlo, stolen shot namen na kuha habang pauwi kami. kinilabutan ako, ibig sabihin kami na ang susunod kung sakali ?

sana naman hindi...

sana...

===========

inabot na kami ng gabi kakahanap kay genie sa may plaza.. wala na sya, hindi na namin sya makita.

nakita namin ang lalaki sa may nakakatakot na bahay, ganon pa din dala ang itim na plastic bag, nagtago kami at sinundan sya, ang haba ng nilakad namin, napunta kami sa gilingan ng mga basura. anong ginagawa nya dito, ?

inilapag nya sandali ang plastic bag, sa may tabi ng tinatguan namin at saglit na umalis palayo samin. hindi kami umalis sa pwesto namin, mas safe kasi dito, mas ligtas, mas hindi kami makikita, narinig namin ang pagtumba ng plastic bag na dala nya, natamaan pa si anya, lumingon kami, laking gulat namin na si genie ang laman nun, duguan at wala  nang buhay, napatayo at napasigaw kami sa sobrang takot at gulat. napalingon ako sa likuran ko at nandoon ang lalaki, hinila nya si anya, tumakbo ako, hindi ko na magawang tulungan sya kahit lingonin sya hindi ko kaya, naririnig ko na lang ang sigaw nya, ang tili nya at ang unti-unting pagkawala ng ingay na naririnig ko. 

binilisan ko ang takbo na parang wala nang bukas, sya, hinahabol nya ako, wala akong ginawa kung hindi tumakbo, pero hindi ko alam kung nasan ako, walang kalsada, puro damo nalang, naliligaw na ko, ewan ko.. at bigla na lang akong nadapa at.......

================

hanggang ngayon hindi ko pa din alam ang dahilan kung bakit sya pumapatay, kung bakit 18 years old na babae lang ang pinapatay nya, kung bakit kaming tatlo ang balak nyang isunnod.. hindi ko alam.

hindi ko din alam kung nasaan na ko, masyadong maliwanag dito, ang tanging nakikita lang ng mga mata ko ay sila genie at anya.. nakangiti sa akin, na para bang masaya sila na nandoon ako. nasaan ako ? hindi ko alam

sana pala hindi nalang kami pumasok sa putek na bahay na yun, sana pala hindi na ako namilit na pumasok dun.

sana pala noh.. ano sa tingin mo ??

SANA...

Sana ( a short story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon