Isa lang Akong BESTFRIEND [OneShot]

595 18 24
                                    

          Magkaibigan na kami ni Junjun since 2nd year high school pa lang, actually di ko naman talaga siya close nun madalas lang kaming magaka tabi sa sitting arrangement magka sunod kase kami ng surname. Siguro dahil dun di na namin na malayan na na aattache na kami sa isa't-isa  hanggang sa maramdaman na lang namin na mag bestfriend na kami. Wala namang nag suggest na maging ganun kami eh, parang na feel lang namin. Ang wierd no? Okay lang. Wierd din naman kami eh! =)))))))))))

          3rd year high school nung may kakaibang na kaming nararamdaman. Iba na. Gusto namin lagi kaming masaya, nag kikita, nag sasama, nag kukulitan halos lahat na nga ng mga bagay gusto namin gawin ng magkasama. Sabay kami tuwing recess, sa lunch, pati sa pag ka cutting, lahat na ata ginawa namin ng magkasama. Magkasama kami sa trip, sa tawanan, sa kulitan, kahit nga pag pinapagalitan kami sa school mag kasama pa din. Hindi na nga kami mapag hiwalay eh, kahit na bibili lang ng kung ano sa baba ng building ng room namin magkasama pa din. Nasanay na kami sa ganun.

          Parehas kaming single nung 3rd year high school kami. Kung hindi nga lang kami mag bestfriend baka pinagkamalang kami na. Madalas akong may boyfriend nun bihira lang akong maging single nung mga panahong yun. Ewan ko. Wala eh! Kala nga ng mga schoolmates namin kami na sa sobrang sweet namin. Sa facebook lagi kaming magka chat nag wo wall to wall kami, yung ginagawa ng mag syota sa social networking sites na yun.Gumawa pa nga kami ng sarili naming group namin. Opppsssss! Di pala kami! Gumawa siya ng group namin, nagka problema kase yung chat namin di niya ko nakikitang online. Although nakaka send siya ng messages di niya naman na kikita kung online ako kaya ganun gumawa siya ng group namin. Group yun pero kaming dalawa lang. WIERRDDDDDDDDDDDDD! Nagkaka iloveyou-han nga kami eh, pero hindi kami. Ang labo nga eh! MU? Siguro? Mahirap. Walang kasiguraduhan.

          Kung ano kami sa social networking sites ganun din kami sa personal. Halos kilala na nga namin yung bawat isa. Isang beses nga lumabas ako ng room namin wala kase kaming teacher nung mga time na yun. Sabi ni JunJun........

"Jeng! San ka pupunta?"

Ah wala sa baba lang may bibilhin lang.

"Bat di mo ko niyaya?"

Wala nga lang!

"We? Ano nga kase?"

Ang kulit! Wala nga! May regla kase ko. Magpapalit ako. Sama ka?!"

"HAHAHAHAHAHA! KAYA PALA! WAAAAA REGLAHIN! :p"

Pang aasar niya sakin. So pag akyat ko sa room di niya na ko tinigilan sa pang aasar. Badtrip eh no? Pero ganun lang talaga siya! :))

          Lagi niya nga akong nililibre ng mcfloat eh, alam niya kase na paborito ko yun. Tinuturuan niya din pala akong mag dota. Master ko yun, magaling siya, malakas, siya na lahat. Pag dating sa dota maangas yun pati mayabang may ibubuga naman kase. Sumuko ako sa dota ayaw kase sakin eh di din ako intiresado. Gusto kong matuto pero tinatamad ako.

          Uyyyyyyy! May boyfriend ako. Dalawa nga lang! :3 Sinabi ko kay Junjun yun. Lahat naman alam niya basta about sakin. Mas may time pa nga ko sa bestfriend ko kesa sa mga boyfriends ko. Minsan nga nung sabay kami ni Junjun mag lunch nakita namin si Drew sa malayo. Papaakyat na kami ng room nun tas bigla akong nilapitan ni Drew, sabi ko sabay lang kaming kumain. Alam naman niya na umpisa pa lang bestfriend ko na si Junjun. Sa facebook naman mas sweet pa kaming dalawa ng bestfriend ko kesa kay Benji yung isa ko pang bf. Close naman kami ni Benji naging classmate ko kase siya nung 1st year high school kami. Kaso parang alam lang namin na kami lang walang ayun lang walang something sweet.

          One time nagka chat kami ni Jujjun, madami kaming napag usapan, Hanggang dumating sa point na may sinabi siyang pabiro, "Pwede bang pumangatlo?" pero di ko sinery6oso yun. Alam kong biro lang yun.

Isa lang Akong BESTFRIEND [OneShot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon