Chapter sixteen.

2.7K 65 2
                                    

Wag nyong kalimutan yung vote!! ;) hihi

Enjoy!!

***
Kung ano ang isinosyal niya ng gabi ng party ay kabaligtaran ito ng mag simula na nilang gawin ang penikula.

Nasanay na siyang laging naka t-shirt at pantalon. Mas komportable kasi siya sa mga ganoong outfit lalo na't ang unang araw ay sa mabato at mapunong lugar.

Nakasundo na naman niya ang mga kasamahan sa trabaho. At pagdaraan ang mga araw ay mas naging malapit pa sila ni Joseph.

Halos araw araw siya nitong hinahatid sundo. Kung minsan pa nga ay napagkakamalan silang mag on ng mga kasamahan nila.

Nasanay narin siyang  malamig ang pagtrato sa kanya ni James. Na para bang kung hindi rin lamang siya magaling magtrabaho ay tatanggalin na siya nito.

Hindi lamang nito lantarang ipinakikita sa mga kasamahan pero kapag sila'y dalawa lamang, naipadadama sa kanya ni James ang disgusto sa kanya dahil sa pakikipag mabutihan niya kay Joseph.

Akala yata ni James ay talagang ugali lamang niya ang pakikipaglandian sa mga lalaki.

Hindi na lamang niya pinapansin si James. Tinatrato niya ito ng iba. Kung magtatangka man itong maging personal ay inilalagay sa pagitan nila ang isang harang na nagsasabing business relation lamang ang relasyon nila.

Minsan naman ay hindi niya maiwasang magselos kapag nagiging sweet ito at si Precy.

Kay Precy lamang siya nahihirapang mag make up. Dahil napaka arte nito at pabago bago ng mood ang babae.

Hindi naman niya makotra dahil alam niyang malakas ito at pinapaboran ni James para nagtrabaho ito.

Minsan nga ay muntik na niya itong masabunutan.

"Kulang ang mascara ko ," nakasimangot na sabi nito ng make apan niya.

"Pero hindi babagay sa eksena kung kakapalan natin," mahinahong sabi niya.

"Ang dapat nga ay lumalabas kang hagard na hagard." dugtong niya. Si Precy lamang ang mareklamo sa mga inaayusan niya.

"Basta, dagdagan mo." utos nito.

"Anong pinagtatalunan nyo?" tanong ni James ng makalapit. Kasama nito ang writter na si Janine.

"Itong make up artist mo, marunong pa sakin." parang pagsusumbong nitong sabi.

"Gusto niyang dagdagan ko pa ang mascara niya. Nag aalala naman ako na pumangit ang kukunang eksena. Dapat ay lumabas siyang haggard sa kukunang scene." paliwanag niya.

"Kung sinabi niyang dagdagan mo, dagdagan mo!" matigas na sabi ni James sa kanya.

Nakipagtitigan siya rito. Galit na galit siyang nakikialam ito sa trabaho niya at kinampihan pa si Precy.

Pero siya rin ang unang nagbaba ng tingin at hinarap Si precy. "Your the boss." malamig niyang sabi.

Ang ginawa niya ay sinadya niyang kapalan kaysa sa natural ang mascara ni Precy.

Parang nahulaan naman ni James ang ginawa niya at hindi niya mabasa sa anyo nito kung amuzed o naiinis sa kanya.

"Oh, hindi bat mas okey?" sabi ni precy ng bistahan ang muka sa salamin.

"If you say so,"sabi ni James na pinanatiling pormal ang anyo gayong tingin ni Nadine ay parang matatawa.

"i think there's too much mascara on your face," sabi ni janine. "And that's not needed in this coming scene."

Natigilan si Precy, parang napasimangot. O , buti nga. Nasa isip ni Nadine. Eh, di nakatagpo ka ng hindi nasisindak sayo.

Tumingin siya kay janine at nakaintindihan sila. Sinadyang sabihin iyon ng writter para sa kanya.

Nagpakita siya ng ngiti ng pasasalamat.

"Let's go Janine," yaya ni James dito. "Tingnan mo kung tama na ang set natin para sa susunod na eksena."

Lumayo na ang dalawa.

"Ano pang itinatanga mo riyan?" asik sa kanya ni Precy.

"Ha?"nabiglang tanong niya.

"Alisin mo na to'ng mascara ko."sabi nito.

Pigil niya ang pagtawang sinunod niya ang gusto ni PrecY. Kasi'y singkitin ka kays gusto mo laging may mascara, sabi ng isip niya. Idiniin niya nang higit sa nararapat ang pagkuskos ng bulak na may astrigent sa mukha ng starlet.

***

"Anong nangyari sa inyo ni James sa nakaraan at pinipilit ninyong magalit sa isat- isa kahit halatang halatang nagmamahalan pa rin kayo?" tanong ni janine nang minsang magkasabay silang kumain sa isang lamesa malapit sa puno.

Sa di kalayuan, may kinukunang eksena sina James at Precy.

"Kami ni James... Nagmamahalan?.." maang na tanong niya saka binuntunan iyon ng tawa.

"Ano namang sumuot sa isip mo para isipin iyon?" tanong niya sa writter na naging kaibigan na niya sa nakaraang araw.

"Believe me, i know what my eyes are seeing," hindi nakikitawang sagot ni janine. "Nakikita ko kung paano ka niya sinuaundan ng tingin kapag hindi ka nakatingin. At nakikita ko rin kung paano ka nagseselos sa tuwing magkakalapit sila ni Precy."

"Writter ka nga." naiiling niyang sabi. " Marami kang naiimagined."

"Ma'm pinatatawag po kayo ni Mr. Reid," sabi ng boy kay janine. "May ikukunsulta yata sa inyo."

"Sige na at baka uminit na naman ang ulo nun." pagtataboy niya sa writter.

"Sayo lamang mainit ang ulo nun... Sa akin ay mabait iyon.. May kasabihan ngang.. You always scowl at the one you love." sabi nito.

"Janine... Ang weird mo talaga."natatawang sabi niya. Pero napagisip isip naman niya ang sinabi nito.

Totoo kayang nakikita nito ang pagmamahal sa mga kilos ni James?. Sa kanya ay hindi nagkamali ang writter na mahal parin niya si James kahit na apat na taon na ang nakalipas.

At mayroon pa nga itong alaala sa kanya. Si Alexis.

***
Pasensya na sa maikling update! Just vote , comment be a fan.

Thankie !!! ;)

#momhieqoh08

ONE NIGHT STAND WITH THE STAR !!Where stories live. Discover now