Hindi agad ako nakakilos. Kingina. Bakit may panda sa bookstore?

May pinakita siyang sketch pad sakin na may nakasulat na 'Hi!'

Nung makarecover ako sa pagkashock, tinalikuran ko siya at hinila si Yanna.

"Tara na" sabi ko.

"Hey, wait! Hindi pa ko nakakapili ng book!"

Napahinto ako sa paghila kay Yanna ng harangan kami ng panget na panda at pinakita na naman yung sketch pad niya na may nakasulat na 'Papicture naman!'

"Hindi ako artista" sabi ko at lalagpasan na sana siya pero pinigilan ako ni Yanna.

"So cute! Wag muna tayong umalis, pagbigyan natin siya!"

"Ayoko nga! Ikaw na lang!"

"Sige na please! Isa lang tapos go na tayo! Puhlease?"

"Ayoko"

"Sige na naman.  Ibibigay ko sayo yung complete set ng Lunar Chronicles. Di ba gusto mo yun?"

Suhol! Gusto kong tumanggi pero hindi ko kayang iresist ang isang to. Leshe.

"Ge"

"Yey! Tabi ka na sa kanya"

"No way!"

"Yes way! Lunar chronicles!"

So, wala akong nagawa kundi tumabi sa panget na pandang mascot.

Bigla naman niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko at hinarap sa kanya.

Hinarap niya sakin yung sketch pad niya na may nakasulat na 'Pumikit ka'

Sinamaan ko siya ng tingin. Ayoko nga! Bakit ko siya susunduin? Sino ba siya sa akala niya?

"Pikit na Pam!" sigaw ni Yanna.

Sinamaan ko din siya ng tingin pero ginawa ko na lang para matapos na. Ayoko na dito.

"Okay. 1.. 2.." bilang ni Yanna.

Nakapikit lang ako at nararamdaman kong lumalapit siya.

Pag sinabi na ni Yanna ang 3 didilat na ko.

Pero bago ko pa man marinig ang 3. May naramdaman na akong dumampi sa labi ko dahilan ng biglaang pagdilat ng mga mata ko at maitulak ko ang panget na mascot na panda!

"Ikaw! Hinalikan mo ko?!"

Inayos ng panget na mascot na panda ang ulo niya dahil bahagya itong umangat at nakikita ko ang labi niya. Kinuha yung sketch pad niya at marker saka nagsulat.

'Thank You!'

Ayan ang nakasulat saka tumalikod at mabilis na naglakad palayo sakin.
Tangina! Tangina talaga!

"Oh em gee! Pam!" tili ni Yanna sabay patakbong lumapit sakin at niyugyog ako.

"Tangina!"

"Oh em gee! May first kiss ka na!"

"Tangina talaga!"

"And take note! I am the witness! Kitang kita ko kung pano dumampi yung lips niya sayo! Gosh!"

"Sino ba yon? San siya nagpunta?! Ugh! Bubugbugin ko siya!" sigaw ko  wala akong pakielaman kung marami ng taong nakatingin sakin!

Galit na galit na ako at alam ni Yanna yun kaya naman hinila niya ko palabas ng bookstore.

"Let's go home" yaya ni Yanna.

"Hindi! Hanapin natin yung panget na pandang mascot! Tangina. Babaliin ko ang mga buto niya!"

Hindi ako papayag na hindi siya makita ngayon! Tangina lang. Ang dami daming pwedeng nakawin bakit halik pa! Sana yung libro na lang sa bookstore! Tangina talaga!

"No Pam! I doubt na makikita pa natin siya! For sure hinubad na niya yung costume niya. Kaya let's go home na."

Bumuntong hinanga ako at kinalma ang sarili. Kiss lang yun. Pero tangina. First kiss ko yun at hindi ako makapaniwalang isang panget na panda pa ang first kiss ko! Punyemas!

"Wag mo na kong hatid. Doon muna ko sa inyo" tinignan ko ng masama si Yanna.

"Anong binabalak mo?"

"Wala. Baka ikaw ang may binabalak pa kaya sasamahan muna kita"

"Tss"

Kilalang kilala niya ko. Alam niyang kapag wala na siya, babalik ako sa mall para hanapin ang lintik na panget na pandang mascot!

Umuwi kami sa bahay. Naabutan namin si LWB na prenteng nakaupo sa malaking sofa namin at nakadekwatro pa.

Hindi ko siya pinansin at dinaanan ko lang siya.

"Pamela.." 

Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad.

"I heard you like books, napadaan ako sa bookstore anf i brought you some. Hope you like it"

Nilingon ko siya ng makarinig ako ng bookstore.

Nakangisi siya. Yung nakakainis at mahangin na ngisi.

"I dropped by just to give you these. I have to go. See you around" sabi niya saka ako tinalikuran at umalis.

Good To YouWhere stories live. Discover now