CHAPTER ONE
(A/N: guys, this is my first story na nagawa ko.. pag pasensyahan nyo muna kung hindi gaanong maganda ah? hihi thank u! :) )
"Today I don't feel like doing anything, I just wanna lay on my Bed"
"ANG INGAAAAAAAAY! "
"Don't feel like picking up my phone,so leave a message at the tone. Coz Today I don't feel like doing anything."
(Galing din ng alarm clock ko noh? hahaha) "WAAAAAH! natutulog pa po ang Tao!"
"Steph! Gising na! Steph! ngayon yung laro nyo! bumangon kana!" habang yinuyug-yog ako, kulit din tong si Mommy eh noh? Bumangon ako "Ma naman eh, ang aga-aga pa." pag rereklamo ko.
"Ano kaba Steph? Competition nyo ngayon sa Badminton! Bumangon kana para kumain sa baba ang maligo na." hala! ay oo nga pala! game namin ngayon!
"WAAAAAAAAH!" sigaw ko. "Oh Steph,bakit ka naman biglang sumigaw? Sakit sa tenga!" habang tinakpan ang kaliwang tenga niya. "Ah hihi, nakalimutan ko na laro pala namin ngayon. Anong oras na po ba?" tanong ko, ganito talaga ako eh, bigla-biglang sumigaw pag na shock.
"6:30am na, dali na sa ibaba para kumain na, nag iintay na ang Daddy mo." Dali-dali akong bumangon at tumalon sa akin higaan, parang excited yata ako sa game namin ah? Naman, nandun si Crush slash Inspiration ko nohh!
Pagkatapos kong maligo at magbihis bumaba ako para kumain, sabay kina Mom at Dad. "Anak, goodluck sa laro niyo mamaya pasensya na di ako maka punta kase may trabaho si Daddy eh tsaka si Mommy mag babantay sa bahay. Galingan mo lang para samin ah?" sabi ni Dad "Oo naman Dad,ako pa!" nandun kasi si Inspiration ko eh!
"Wag kang umuwi dito pag di ka manalo!" biro sakin ni mommy "Ma naman eh,wag nyo po akong pa layasin." naki sabay narin ako sakanya hahaha, sabay subo ng kanin. "Di joke lang anak, talagang galingan mo ah? pakita mo yung galing mo na nanggaling sa Nanay mo! FIGHTING! "
*PAK* "Aray! bakit sinapak mo ko?" pag reklamo niya ni Dad "Eh di ka naman marunong mag Badminton!" explain ni Dad sabay inom ng kape nya.
"Mom! Dad! Ano ba kayo! syempre galing sa inyong dalawa ang galing ko noh!" eto talagang parents ko, parang bata! "Anak,kainin mo tong saging para mas lumakas ka at mabilis tumakbo at madapa!"
*PAK* "Hoy hoy hoy, ginusto mo bang madapa yung anak natin at mapahiya?" sinapak ni Mommy si Dad hahaha pero mahina lang.
"Joke lang naman,ikaw talaga!" at hinawakan niya ang ulo niya parang nangati. "Basta anak ah? kainin mo to oh!" inabutan ako ni Dad ng Saging "Ah, bibili nalang ako ng gatorade (baka matae ako nyan)" bulong ko. "Ano ka mo ?" sabi ni Dad. Hala baka narinig niya! hahaha lagot ako.
"Ah wala po, sige kainin ko nalang ko yung saging at bibili nalang ako ng Gatorade mamaya" para wala nang sermon akong harapin. Kinuha ko na yung saging at linamon ito. "Shige na powsh, Dad at Mommysh alish na powsh ako." halos di na maintindihan yung sinabi ko kasi linamon ko yung saging.
"HA?" sabay nilang sabi. Hindi nalang ako sumagot ang nag wave nalang sakanila. Habang naglalakad nakikinig ako ng music sa Ipod ko.
Ay oo nga pala hindi ko pa napakilala yung sarili ko. Eh ehm (clears throat). Ako nga pala si Stephanie Yap isang Grade Six student na nag-aaral sa isang public school. Di naman kami mahirap hindi rin kami mayaman sakto lang.
(A/N: Stephanie Yap sa right :) ----> )
Maykaya naman pamilya namin. Isa akong Badminton Player sa school namin. Kaya nga sabi ko kanina laro namin ngayon "Little Milo Olympics".
Nung narating na ako sa Gym kung saan kami maglaro, binaba ko na yung gamit ko at nakikipaglaro sa mga ka-team ko para makapag warm-up narin ako. "Uy Steph, galingan mo mamaya ah?" sabi ng kagrupo ko. Ako kasi ang Team Captain sa Girls team eh.
"Oo naman noh, nandun si Inspiration baka manuod siya sa laro ko! ^.^ " sagot ko sa kanya. "Hmpf landi mo! manuod din siya sa laro ko noh!" waww? nakikipagtalo pa siya!
"Sinabing manuod siya sa la- - -" hindi ko natapos yung sinabi ko nang biglang nag salita yung Game Official.
"Okay Players please get out of the courts now we're gonna start the game, BLAH BLAH BLAH" Oo ayan na, magsisimula na ang laro. Pero before kami tatawagin kumanta kami ng Lupang Hinirang.
At nung pagkatapos na naming kumanta tinawag na ang mga manlalaro papunta sa kanilang assigned courts kinabahan tuloy ako.
JAKE'S Point of View
"Pare! ganda nun oh!" sabay turo niya sa girl na naglalaro sa court parang nag-aaway sa kanyang ka-team. "Agang-aga pre lumandi ka na!" sabi ko sa kanya, pero maganda naman talaga yung babae. Ay ano ba Jake? may Thea ka. "Ano kaya pangalan niya?" sabi ni Jason ng mahina at naging seryoso yung mukha niya.
"Okay Player's please get out of the courts now we're gonna start the game." sabi nung nasa stage, baka Game Official. Magsimula na ang laro gusto ko malaman kung anong pangalan nung babaeng yun.
Kumanta muna kami ni Lupang Hinirang tapos tinawag na yung manlalaro. "Hoy! Sinong hinahanap mo diyan? Para kang Giraffe diyan humaba yung leeg." ginulat ako ni Jason. "Ay kabayo! Jason naman eh, panira ka talaga ng moment!"
"Di ako kabayo, sa gwapo kong to?" sabay nag smirk siya."Oo nga pala, anong moment sinasabi mo dyan? Sige ka, malalagot ka talaga kay Thea nyan!"
"Hoy Jake! Sino ba kasi yung hinahanap mo?" habang wina-wave niya yung kamay niya sa mukha ko. Kulit naman nito sarap sapakin. "Ingay mo! manahimik ka na nga." sigaw ko, napatingin yung tao samin. "Osige kaw na!"
Ay oo nga pala ako si Jake Roxas, isang First Year student galing sa Private School. Pumunta ako dito kasi boring sa bahay eh, wala naman kaming date ni Thea. Girlfriend ko siya. Gusto ko din pumunta dito kasi hilig din akong mag Badminton.
YOU ARE READING
The Stranger and I
Teen FictionPROLOGUE Naranasan mo na bang magmahal ng taong hindi mo pa gaanong nakilala? Hindi mo pa siya nakikita pero SOBRANG inlove kana sa kanya? Kahit nasaktan ka na niya ng Sobrang-sobra, hindi ka pa rin nag give-up sa kanya kasi ganun mo siya kamahal...
