Kokoro Connect

185 4 0
                                    

Dedicated kay Ate Purpleyhan. hello Ate :))

**

Hmm... This is the Kokoro Connect Anime itself. Naisipan ko lang isulat dito sa watty. Naadik kasi ako eh. haha. So yun... alam na!

Enjoy reading :) I'll update this pag may time. XD

Feel free to comment yer reactions guys. XD

---1---

"Goodmorning,Taichi!," nagulat si Taichi nang may tumapik sa kanya sa may likuran nya. Pagtingin niya... si Iori lang pala. "Hahaha. Inaantok ka pa noh? Halata eh!"

"Hmmm...ikaw? Agang-aga ang hyper hyper mo ah!," sabi nya. Masyado kasing energetic 'tong si Iori eh.

"Syempre, hindi kasi ako nagpupuyat sa panonood ng wrestling hindi tulad ng iba dyan," note the sarcasm.

"Ay, Inaba! Good morning!," sasagot pa sana si Taichi kaso nabaling ang atensyon nya kay Inaba. Lumingon naman si Inaba at nagtataka ang ekspresyon ng makita silang dalawa.

" Ah...eh, magkasabay kayong pumapasok sa school?"

"Ah, hindi. Nakita ko lang siya kanina so yun...",sagot ni Taichi. Eh? Pati ba naman yung mga ganong bagay? Haynaku, weird talaga ng mga babae, sa isip-isip ni Taichi.

"Goodmorning, Aoki. Goodmorning, Yui!," bati nila sa dalawa na kasalukuyan ng andun sa may gate.

"Goodmorning!"

"Ano ba yan, October na ang init parin ng panahon noh?," si Nagase (Iori).

"Oo nga eh! Hindi mo talaga mapepredict ang pagbabago ng panahon, tama ba?," napatingin kay Taichi si Inaba.

"Ah...O-oo," sagot naman nito.

**

Dito sa Yamaboshi Highschool, lahat ng mga estudyante ay required na sumali sa kung anumang clubs at makiisa sa mga activities neto.

Pero kung titignan, iba-iba naman talaga ang interes ng mga tao. Gaya ni Taichi. Gustung-gusto nito ang wrestling higit sa lahat kaya nga binalak pa nitong isulat sa form niya eh "Professional Wrestling Research Society", na sa totoo lang eh isang malaking imbento nya lang kasi wala namang ganong club dito.

Si Yui Kiriyama naman, dahil sa hilig nyan sa mga kung anu-anong cute na bagay, gusto nyang sumali sa Fancy Club, pero ang masaklap eh matagal naman ng wala yung organisasyong yun.

Si Yoshifumi Aoki, nanininiwalang may mga unknown species daw kuno pag gabi na umaaligid sa bayan nila. Eto daw ang gusto nyang salihan.

Si Iori Nagase naman, dahil sa madaming gustong salihan eh di sya makapili.

Si Himeko Inaba, sa PC Club sana sasali kaso natalo siya sa nomination for President. Kaya ang ending, kelangan nya maghanap ng ibang club na masasalihan.

Kung nagtataka kayo kung bakit ko nabanggit yang mga taong yan, sila kasi yung mga first year na walang masalihang club kaya eto, silang lima ang siyang magkakasama ngayon sa binuo nilang organisasyon, ang "Cultural Research Club" o CRC.

"Oh, Inaba! Ikaw lang mag-isa?," pagbukas kasi ni Taichi ng pinto netong CRC room eh siya lang ang nadatnan nya.

"Obvious ba?," patuloy lang siya sa pagtatype sa laptop niya.

Ibinaba naman nya ang gamit nya at umupo sa may upuan sa harap niya. "Nga pala,may idea ka na ba para sa sunod mong article sa CRC news naten, Taichi?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 28, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kokoro ConnectWhere stories live. Discover now