Mula sa prominenteng pamilya si Gun. Uso sa kanila ang arranged marriage para makapag merge ng assets. Pinakita nya sakin yung picture nung babae, maganda at sophisticated. They looked so good together.
Matagal ko na namang inihanda ang sarili ko sa mga ganitong bagay. Pero bakit ngayong nandito na.. Ang sakit. Sobrang sakit talaga. Kahit pala walang love na involved sa relationship namin, may feelings pa rin akong nasasaktan.
Alam ko wala akong karapatang pigilan sya. Sapat na sigurong naging masaya kami sa piling ng isa't isa. Tanggapin na lang. Yuon naman sadya ang isinaksak ko sa kukote ko umpisa pa lang.
--
Anim na buwan na rin ang nakalipas matapos ang conversation naming yun. Naging busy na rin ako sa trabaho bilang isang hotel receptionist. Putol na lahat ang connections namin. Hindi naman kailangan na i-delete ko sya sa social networking sites o magpalit ako ng number.. Iyon bang di na lang namin kinausap ang isa't isa.
The closure was fine. The feeling is mutual. It's the best for both of us.
It was exactly 7pm when I got out of work. Binuksan ko yung payong ko. "Ang lakas ng ulan.."
Namamalikmata ba ako? Pero parang may nahagip yung mga mata ko...
Nang luminaw ang paningin ko nasa harapan ko na sya. Ang lalaking kinabaliwan ko sa loob ng ilang taon.
"Gun.."
Basang-basa sya ng ulan. Hindi na ko nakapagsalita pa ng yakapin nya ko ng mahigpit. Yung pag-amoy nya sa buhok ko.. Yung haplos nya sa katawan ko.. Sumusuko ng kusa yung sarili ko sa kanya..
"Alam mo Sairyl yung pakiramdam ko nung nawala ka sa buhay ko? Para akong buhay na patay. May puso nga ako pero hindi na tumitibok. Nawalan na ko ng direksyon. Sairyl, sayo ko lang naipakita kung sino't ano talaga ko. Hindi mo alam kung gaano ko kasaya na may isang taong tumanggap sakin ng buong-buo.. And, that was you."
Unti-unting naiipon sa mata ko ang luha. Hindi ko matiyak yung dahilan.. Marahil sa sobrang tuwa na mahal pala ako ng taong kahit kailan hindi ko inakalang magagawa akong mahalin. O dahil sa labis na inis kasi kahit ang hirap-hirap sinunod ko pa din yung rule namin. Tangina lang. Pinatigas nya na ko tapos gusto nyang lumambot yung puso ko para sa kanya?
Inalis nya ang pagkakayakap sakin. Hinawi nito ang buhok ko. Tiningnan nya ko ng mata sa mata. "Sairyl, ikaw lang yung gusto kong makasama habambuhay. Mahal na mahal kita."
Hinawakan at hinalikan nya yung mga kamay ko. "Sairyl.. Baby.. Mahal mo rin ba ko?"
Iniwas ko sa kanya yung tingin ko.
"Sai.. Sabihin mong mahal mo ko.. Aalis tayo dito. Lalayo tayo sa kanila." Hinigpitan nya ang hawak sakin. "Magtanan na tayo."
Inawat ko yung kamay ni Gun at lumayo ako sa kanya. "Gun, tama na. Wag na nating ipilit pa. Hanggang dito na lang siguro talaga."
All this time.. Takot na takot akong mahulog. But in the end.. Si Gun pala yung na-attached.
Kahit basa na kami pareho dinampot ko pa rin yung payong ko at sa bawat hakbang ko papalayo sa kanya parang pabigat ng pabigat yung mga paa ko. Pero pipilitin kong maglakad ng mabilis para hindi nya na ko maabutan.
Hindi ko sya gustong saktan. Pero anong magagawa ko? Nilamon na ko ng ideyang huwag na huwag akong kakapit at aasa sa uri ng relasyong meron kami.
Siguro after all these years na pagpigil ko sa sarili kong mahalin sya.. May isa akong bagay na natutunan. Ayun ay ang sundin ang sinasabi ng utak ko kaysa sa tinitibok ng puso ko.
No Strings Attached
Start from the beginning
