A/N: I just badly need to get this out of my system!
Pagbigyan nyo na ko! XD One-shot lang naman 'to. :)
Leave some votes and comments! xoxo
________________________________________________________
"Sairyl.. We're happy naman this way diba?" Tanong ba yun o ayun ang gusto nyang paniwalaan ko.
Pinilit kong ngumiti. "Oo naman."
Naupo ako sa gilid ng kama at nagsimula ng magbihis. Gayun din si Gun, kahit pereho pa kaming nanlalagkit proof of our tireless and countless passion for the last 3 hours.
Dalawang taon na kaming ganito. Tagal na rin, no? Hindi ko sya boyfriend, hindi nya ko girlfriend. I guess we're just friends. Naging kaklase ko si Gun nuon sa isang subject kaya ko sya nakilala. Noong una ko pa lang syang nakita, nagkacrush na ko sa kanya. Sino bang hindi? Si Gun yung tipikal na gwapo. Moreno, singkit ang mata, may dimples. Malakas talaga yung dating nya.
"Ako na baby!" Sinuot ni Gun sa mga paa ko yung doll shoes ko.
"Naks. Ang sweet naman!" Kinurot ko yung ilong nya habang nakaluhod sya sakin.
Bakit nga ba hindi pa maging kami? Kasi hindi nya ko tinatanong. Baka kasi hindi sapat yung qualifications ko para maging girlfriend nya. Nakikita ko yung ibang mga babaeng nakakasama ni Gun, walang laban ang cute ko sa ganda nila. Siguro pang ganito lang ako. Pero kahit ganun, masaya ko. Kasi naging parte ako ng buhay nya kahit sa ganitong paraan lang.
"Grabe nakakapagod. Tarang kumain."
"Ang adik mo kasi."
Ang saya-saya ko talaga kapag inaaya nya kong kumain o mamasyal. Yung may ibang bagay kaming ginagawa bukod sa sex. Kung sa kanya wala lang yun, sa akin kayamanan yun. Hindi ko alam kung mahal ko nga ba sya pero I like the way I am when I'm with him.
--
One day, Gun asked me to meet him up. The thing is, parang may iba sa kanya.. His tone was different. It's not sweet and naughty like it used to be, seryoso sya.
Pumasok na ako sa loob ng restaurant. Nginitian ko yung guard at manager, regular customer na kasi kami dito ni Gun.
Naupo ako sa tapat nya. "Hey. Kanina ka pa?"
"Di naman. Sakto lang."
"Bakit ka nga pala nakipagkita? Tanghaling-tapat pa huh."
"Engaged na nga pala ako." Natigilan ako. Hindi yun ang sagot na inaasahan kong makuha sa kanya.
"Wow."
That is the only thing I could utter. Speechless ako eh. Pakiramdam ko para akong sinapak.
