"Hindi mo ko tinext kagabi."

Oh shoot. Nakalimutan ko, "Sorry. Nagkaproblema kasi."

"Ayos lang. Sa susunod itetext mo ko para hindi ako nag-aalala." Walang emosyon niyang sagot. I heaved a sigh saka tumingin na lamang sa bintana.

Mabilis naming binaybay ang kalsada hanggang sa marating ang parking lot ng school, "Sabay ba tayong bababa?"

He shrugged, "It's fine with me but it might cause us trouble."

"Doesn't matter."

Ngumisi siya saka ginulo ang buhok ko. Inayos ko na ang gamit ko saka binuksan ang pinto. Hinintay kong lumabas si Tard.

"Nasan ang mga kateammates mo?" I asked nang lumabas na siya, dala dala ang sports bag niya at isang bola. Pinaikot niya ito sa hintuturo niya, "Nandun na siguro sa court. Nag-papractice."

"Ahh."

I can feel people staring at us. But I don't really care. What's wrong if Tard's my friend? Wala naman. They're just thinking that it is a bad thing since Tard is Loki's mortal rival.

We reached the back entrance for the players. Hindi na ako pumasok dahil hindi naman kailangan. Tard stopped and looked at me, "Hahatid ba kita sa bleachers?"

"Wag na."

"Okay. See you." Tumalikod na siya pero pumunta ako sa harap niya saka malawak na ngumiti, "Good luck, Tardy-boo." I said before touching his forehead by my right fist.

Mahina siyang tumawa saka hinawakan ang kamao ko, "Is this some sort of a lucky charm?"

I shrugged smiling, "Kinda."

Ngumiti siya bago idinampi ang labi niya sa knuckles ko. I blushed vehemently kaya natawa siya. Ginulo niya ang buhok ko saka naglakad na palayo.

Malalim akong huminga bago tumalikod para pumunta sa dapat kong pwesto, kaso may nakaharang na lalaki sa harap ko. Humakbang ako pakaliwa at humakbang naman siya pakanan. Humakbang ako pakanan at humakbang naman siya pakaliwa. He's doing this on purpose.

I glared up at him, "Problema mo?"

He glared back at me. What the heck, "Bakit mo kasama yung kumag na iyon?"

"What do you care?" Inis kong tanong at inis na naglakad pero naharang nanaman niya ako, "Kalaban ko siya."

"And?"

"A student from our school should not be seen with any of my rivals, Montesque. You know that." He pin-pointed.

"It doesn't matter." I said nonchalant.

"It matters." Inis niyang sagot. Seriously? Ano bang problema niya?

"It doesn't. So please cut the crap. Wala akong pake kung makita man ako ng mga taong kasama si Tard. Hindi ako nahihiyang kasama siya at mas lalong hindi ako natatakot sa maaari niyong gawin sa akin dahil lang kasama ko siya." Tinalikuran ko siya but hell, he just won't let me go. Hinawakan niya ako sa braso at inis na iniharap sa kanya.

I saw the frustration in his face. Ugh, really? I don't understand him. Sinamaan niya ako ng tingin at ganun din naman ang ginawa ko.

"Boyfriend mo na ba siya, ha?" His jaw clenced as he asked that. Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya, "Ano bang pakialam mo?" I gritted.

He stared at me a second before pushing me away, "Fuck this."

That's the last thing he said as he started walking pass me.

Being a cheerleader is quite hard. Ang hirap mag-hawak ng pom poms at magtatatalon dito para lang pasiglahin ang mga players ng school namin kahit na halatang 'for the first time in forever' ay matatalo kami.

The Bad Girl's Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon