Mika would be her maid of honor. Wala naman siyang ibang makukuha kasi at bilang kapatid ito ng groom, ito na ang kinuha niya. Kaibigan din naman niya si Mika. Ang best man naman ni Hunter ay ang pinsan nito na si Daniel. Hindi naman na nabigla si Zyline doon. Wala naman kasi siyang alam na ibang malapit kay Hunter maliban kay Daniel.

Wala naman siyang naririnig na kahit ano kay Blue tungkol sa nangyayari sa buhay niya. Nagkikita pa din sila ni Blue. Dinadalhan siya nito ng pagkain at kung ano-anong vitamins kapag dumadalaw ito at ang pamilya niyo sakanya, pero iwas pa din ito sa topic tungkol sa kasal niya at ni Hunter. He's still mad, maybe. Kaya nga umaasa si Zyline na kapag lumabas na si Keij at Kol, aayos na ang utak ni Blue at babalik na sa dating pakikitungo sakanya.

"Ano ba 'yang ginagawa mo?" tanong ng dalaga sa binata nang hindi na siya tuluyang pansinin ni Hunter.

"Wala," sabi nito pero hindi pa din binibitiwan ang sketchpad niya.

"Ma'am Zyline, may bisita po kayo," lumapit ang isang kasambahay nila Zyline sa dalaga. Kumunot naman ang noo niya dahil wala naman siyang alam na bibisita sakanya.

Biglang pumasok sa loob ng bahay si Bobbie. He was smiling at her.

"Bobbie?!" Zyline was really surprised to see her friend. Agad siyang tumayo at lumapit sa binata. Nawala naman ang ngiti ni Bobbie nang makita ang kalagayan ni Zyline.

Ganoon na ba siya katagal na nawala? He was gone for almost 4 months. Inayos niya ang negosyo nila at nag-ipon ng lakas ng loob para magtapat kay Zyline. Hindi naman niya lubos akalain na pagbalik niya, buntis na ang dalaga.

"Namiss kita," sabi ni Zyline bago siya niyakap ng mahigpit. Pilit na ngumiti si Bobbie sakanya. "Ako din..." sabi nito.

"What happened?" tanong ni Bobbie kay Zyline.

Nagkibit-balikat si Zyline. "I'm getting married!" sabi nito sakanya. Tinignan niya ang kamay ng dalaga. Walang singsing na nakalagay dito.

"Wala pang ring but, I'm getting married na talaga," sabi pa niya dito. "Come on," hinawakan ni Zyline ang kamay niya at hinila papunta sa may sofa.

"Hun," untag ni Zyline kay Hunter na halos magpantay na ang kilay habang nagdo-drawing pa din. "Hunter!" tawag niyang muli sa binata.

"Oh?" nag-angat ito ng tingin.

"You met Bobbie na, diba?" sabi ni Zyline. "Bobbie, si Hunter, my groom-to-be..." nakangiting sabi ni Zyline.

Hindi naman nagreact si Hunter. Tumango-tango lang si Bobbie.

"Anyway, namiss talaga kita!" sabi ni Zyline bago niyakap ulit si Bobbie. "Madaya ka. Bigla ka nalang kasing umaalis, eh..." nakasimangot na ani ng dalaga bago umupo sa tabi ni Hunter para paupuin si Bobbie sa tabi niya.

"Hun, 'dun ka nga sa kabila para maunat ko 'yung paa ko," sabi ni Zyline sa binata. Tumaas naman ang isang kilay ni Hunter. Bakit siya ang aalis? Pwede namang 'yung isa nalang.

"Dali na, Hunter!" itinulak pa siya ni Zyline paalis sa may sofa kaya naman napilitan si Hunter na lumipat sa pang-isahang upuan. Nakasimangot siya habang nakatingin sa dalawa.

Hindi niya alam kung nahawaan na ba ng kapatid niya si Zyline o ano, eh. It was so fucking obvious. Hindi bakla si Bobbie. Bakit ba hindi nakikita ni Zyline 'yon?

Naghatid na ng meryenda ang kasambahay nila Zyline sakanila at patuloy pa din sa pagkukwento si Zyline kay Bobbie habang si Bobbie naman, all ears sa pakikinig kay Zyline.

"You know what, when I found that I was pregnant, grabe! Ang saya-saya pala. 'Yung kapag alam mong may buhay sa loob mo..." hinawakan pa nito ang kamay ni Bobbie. "Sana talaga andun ka para mas masaya..." sabi pa ni Zyline.

Hunter's Temptation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon