Chapter 2

2 0 0
                                    

Updated: November 20, 2014

**********

"Kuya naman kasi. Di ko siya pwedeng iwan dito. Buntis kaya best friend ko." - Chynna

nagising ako sa ingay na ginagawa ni Chynna. Kausap nanaman ata niya sa cellphone niya ang Kuya niya.

Imumulat ko na sana ang mata ko nang may bigla akong narinig na boses na para bang musika sa pandinig ko.

"umuwi kana Chynna. Mom's really worried. You did not eat your lunch and its already 10 in the evening. You have not eaten anything til now." Napakaganda talaga pakinggan ng boses niya.

Lalo pa ngayon na halatang worried siya sa kapatid niya.

Kailan kaya siya magiging worried saakin? Minsan tuloy iniisip ko na sana ako nalang si Chynna para mahalin naman ako ni Chynno. Yun nga lang sisterly love lang mabibigay niya. Ayaw ko nun. I want more than that.

"I dont care, kuya. Just tell them Im with my bestfriend in the hospital." Pagmamatigas naman ni Chynna.

"Fvck Chynna! Pag ikaw nagkasakit dahil sa pagbabantay mo dyan sa walang kwenta mong kaibigan, mapapatay ko yan kahit babae pa yan." Nang marinig ko yun,  kumirot ang dibdib ko. Hindi ko mapigilan na huwag lumuha. Tinatry kong pigilan pero tae, may sariling utak ang luha ko. Pumatak siya kahit nakapikit ako.

Tama naman siya, wala nga akong kwenta.

"OA mo kuya. At pwede ba? Hindi siya walang kwenta. at bakit ba ang bitter mo kay Mione---" Naputol naman bigla ang pagsasalita ni Chynna ng sumigaw ang kuya niya..

"Shut Up!"

*So we're taking our long way home. And I dont wanna be wasting my time alone. I wanna get lost and dri--*

(Long way Home by: 5sos* Try listening to it while reading the chapter )

Nagriring yung phone ko. Agad kong pinunasan ang luha ko at minulat ang mga mata.

Sana pala di nalang ako nagising. Sana di ko nalang minulat yung mga mata ko.

Nakikita ko kasi ngayon si Chynno. Yung mga mata niya nakakatakot. Huli kong nakitang ganyan ang mata niya ay nung may umaga matapos may mangyari saming dalawa.

Yung umagang kinasuklaman niya buong pagkatao ko.

Agad nalipat ang tingin ko sa dali daling si Chynna na iniaabot saakin yung cellphone ko na nasa gilid pala ng hospital bed na kinahihigaan ko.

Nakita kong tumatawag si Ate Claire. Kaya sinagot ko.

"Hello A.ate?" Tinulungan naman ako ni Chynna na makaupo ng onti.

"Mionette!!! anong nangyari sayo? Teka. Papunta na ako dyan! Buti nalang tinawagan ako ni Chynna kanina kung hindi di ko malalaman na nahospital ka pala. Blake!!! Bilisan mo nga! Naghihingalo na kapatid ko! Pag yun namatay, ikaw ang ililibing ko!! Oh sorry Mio! Si Blake kasi ambagal. Ano gusto mo? Bibili ako ng pagkain. Pizza ba? Sige. Papunta na kami. Ano ba Blake!! Babagal bagal ehh si Mio---"

Binaba na ni Ate yung phone. Ganun talaga siya. Hindi ako nakakasagot kasi madaldal siya. Si Blake, boyfriend niya yun. Ang sweet nila kahit lagi siya sinisigawan ni ate. Ang gwapo pa. Crush ko nga yun ehh kaso kay ate na siya. Natauhan ako ng nagsalita si Chynna. Magkausap din pala sila ng kuya niya doon sa may pintuan.

"Ang bitter mo Ku---" --Chynna

"If you wont come with me. Just say so. But dont blame me if something bad happens to you" - Chynno.

Feeling ko nababadtrip na si.Chynno. Ang tigas naman kasi ng ulo ni Chynna ayaw sumunod.

"Chyna.. Okay lang ako. U...uwi ka na muna.. Thank you pala. Papunta na din naman di..to sina Ate Claire at Blake.. I'll be fine." - I told her. My voice have been cracking but Im trying my best to hold it in.

"P-pero---" pagtututol pa ni Chynna.

May mga pumasok naman na nurse, dalawang babae at isang lalaking nurse.

May ibinigay namang calling card si Chynno doon sa lalaking nurse.

"Just inform me if something happens to that woman. Lets go Chynna!" at Hinatak niya na ang kapatid niya.

"b..besprend. babalik ako ah! Aray! Kuya naman! Atat ka masyado!" sigaw naman ni Chynna dahil hinatak siya ng pagkalakas lakas ng kapatid niya.

Chineck lang ng mga nurse yung pulso ko at may tinurok sakin na kung ano ano. wala akong pakialam. Masyado akong kinakabahan kasi feeling ko alam na ni ate ang kalagayan ko.. Paano ko kaya sasabihin sakanya na si Chynno ang ama ng dinadala ko?

------------

*Next Time.

Hooking Other's ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon