Chapter 18:

1.5K 37 1
                                    

Paalis na noon si Berto ang ama ni Carol ng tumawag sa kanya ang kaibigan niyang abugado upang sabihin lamang na nasasangkot sa kasong pagnanakaw ang inaanak nitong si Carol.

Kumpadre hindi niya yan magagawa,maniwala ka sa akin behave ang inaanak mo sabi pa ni Berto sa ninong ng kaisa isa niyang anak.

mabuti pa Kumpadre puntahan kita diyan dahil nandito ako ngayon sa daan papunta ng bahay dahul nag hihintay na si mrs. sabi ng abugado kay Berto.

pagkalipas ng sampung minuto ay dumating ang abugado at agad na inabot sa kaibigan ang test result ng CCTV na nakita sa may kuwarto ng files.

paano nangyari ito kumpadre? tanging nasambit ni Berto sa kaibigan.

yan ang tanong ko Kumpadre mas mabuti pa siguro kausapin mo nang maayos ang bata ng maayos natin ito,mabait ang may ari nang kumpanyang pinagnakawan niya kilalang pamilya sabi ng huli kay Berto na tumango lamang.

habang sa daan ay hindi makahinga ang matanda habang hawak hawak nito ang invelope na naglalaman ng mga kinuha ng kanyang anak na nakalimutan niyang kunin sa desk ng secretary nito dahil noon pa ito itinawag ng kanyang anak.

isang kilalang abugado si Berto at may sarili na siyang Firm sa awa ng diyos hindi rin niya natanong ang anak kung ano ang meron sa loob nito.

pagdating sa kanilang bahay ay hindi niya alam kung ano ang uunahin ang tawagan ang may ari ng dukumnto at humingi ng paumanhin o kausapin ang anak.

Ano ba ang nagyayari ha Berto? tanong ni Magda sa asawa na namumutla.

tawagin mo ang anak mo Magda dahil may pag uusapan kami,utos nito sabay upo sa kanyang office chair.

agad naman tinawag ni Magda ang anak ngunit nasa hagdan pa lang sila ay nandoon na ng asawa naghihintay sa kanila.

Isang sampal ang ibinigay sa anak niya ng ipamukha niya dito na inosente siya.

dad! ano ang kasalanan ko? pa inosenteng tanong ni Carol sa ama.

itinatanong pa ba yan Carol,? hindi kita pinalaki upang magnakaw ng pagmamay ari ng iba.bakit nagugutom kaba sa pamamahay na ito? bakit kailangan mo pang nakawin ang ducumento nila.hindi ka pweding magtagal ng bansa Carol ang gusto ko ikaw mismo ang magbalik ng mga ninakaw mo sa harapan mismo ng nag mamayari ng Documento na ito,at ginawa mo pang Hidng place ang Kumpanya ko ah! hindi mo ba alam na kalahating shares ng Kumpanya ko ay pag aari ng Kumpanya na yan si Greg,,,,,,si Greg ang may ari ng Kumpanya na yan Carol kilala mo ba siya ha! singhal pa ni Berto sa anak.

ang Buseness Tycon ng Bansa ang nagmamay ari ng mga Resort sa Panggasinan at meron din silang sangay sa ibat ibang bansa namumutlang wika ni Magda na nakatingen sa anak.

ibalik mo ito Carol kung ayaw mong itakwil kita,sabay hampas ng mga papeles sa mukha ng anak.

anak sundin mo si Daddy dahil mapapahamak ka at isa pa legal ang mga papeles na yan,bakit mo kasi yan ginawa ha? naguguluhang wika ni Magda sa anak.

walang sabi sabing pinulot niya ang mga ito at ibinalik sa napunit na Brown invelope.dahil mom kay Daryll,dahil ayaw na niya sa akin,dahil sa nagtagpo muli ang landas ng kanyang anak at ang ina ng kanyang anak umiiyak na wika ni Carol.

walang kinalaman sa problema mo ang may ari ng documento na yan hija,sabi naman ni Magda

mom si Greg ay ate niya si Carmen na dalawa silang namamahala sa mga naiwan ng magulang nila at mom siya din ang babae o ina ng anak ni Daryll.sabay hagolgol ni Carol sa kandungan ng ina.

anak pamilya yun,nakakatuwang tingnan kung magkabalikan na sila,kung mabuo ang pamilya nila diba anak,tulad natin,tulad mo kahit ikaw ang nasa katayuan ng anak nila ay mas gugustuhin mo pang mabuo ang pamilya nila sabay yakap ni Magda sa anak na tudo parin kung umiyak.

sa kabilang dako abala ang mga ito sa pag aayos ng tent nila.

bakit pa kasi hindi na lang tayo doon sa loob nakaktakot kaya dito sabi ni Carmen sa mga ito.

Mommy mas maganda kaya dito,dahil wala nang bayad ang aircon at isa pa mommy nandito naman si Daddy at kuya Dennis,sabi naman ni Yhuan.

siya panalo kana,wala naman makakatalo sa'yp ah! sabi ni Carmen sa anak.

marami ding pamilya ang nag tent sa tabitabi nila minsan naman ay nakikipag usap sa kanila.

isang malaking Tent ang itinayo nila na nahahati sa dalawa,na may dalawag pintuan.

wow ang ganda Daddy sabi naman ni Yhuan na nauna nang pumasok sa loob.kasunod si Andro.

oy...oy.... wala pa yan gamit sa loob ah! saway ni Carmen sa mga ito na sumunod na sa kanila. pati siya ay humanga sa ganda ng loob ng Tent ng tinayo nila.

hindi pa ba tayo kakain,sabi ni Dennis sa mga ito.

bakit nagugutom ka na ba? tanong ni Daryll sa kapatid.

sino ba ng hindi gugutomin eh! puro Biscuit lang ang kinain natin ah! sabi ni Dennis.

siya siya tao na kumain muna tayo sa may restauran sabi ni Daryll sa mga ito.

Fhe nakuha muna ba ang Resulta? tanong ni Carla sa kaibigan.

Oo pero kabilin bilinan ni Ma'am ay siya ang magbubukas at isa pa hindi pa siya tumatawag eh! sabi namn ni Fhe

oy,,,,girl,,,,nasa honeymoon kaya yun sabi naman ni Carla na may pag ka arte pa.

alam ko kaya huwag a huwag ka munang tumawag sa kanya na may resulta na ha! gusto ko silang magkabalikan ng ina ng anak niya na noh! baka tumandang single mom ang best ko sabi ni Fhe sa baklang si Carlo.

Oo na at hindi lang ikaw ang nagbabalak sa mga pangyayari na yan no! at isa pa natanggap mo na ba ang Wedding Anniversary Invitation? tanong ni Carla kay Fhe

ah Oo kanina inabot sa akin ng Guard sagot ni Fhe kay Carla.

ano kaya ang maisusuot ko? sabay tingen sa taas ni Carla

huwag munang isipin na mag suot ng casual dahil hindi babagay sa'yo.sabi ni Fhe sa kaibigan.

ano kaba best,imagination naman yun ah! sabi ni Carla kay Fhe.

pero alam mo mabalik tayo sa Information na pinag uusapan natin alam mo yung nunal na sinasabi nila parang nakita kuna pero hindi ko matandaan eh! sabi ni Fhe sa kaibigan.

basta hintayin na lang natin ang pagdating niya.sabi ni Carla na tinalikuran na ang kasama dahil sinagot ang tawag sa landline.

Samantala abala naman sa pagkain ang pamilya at si Daryll naman ay tinatanggalan niya ng balat ang hipon at inilalagay sa palto ni Carmen.

ano kaba Daryll kaya ko naman mag balat.saway ni Carmen sa lalaki

para sayo lahat ay gagawin ko,sabi ni Daryll sa kay Carmen at kumindat sa mga anak na ngumingeti.

CARMEN: DITO SA PUSO KO (BOOK2: ALIPIN NG PAG-IBIG) BY: RHOEWhere stories live. Discover now