"Because of you, my life has changed. Thank you for the love and joy you bring." Rinig kong tunong ng phone ko. Pero di ko syang magawang sagutin kahit nakasampung tunog na ata yon. Tinitignan ko si Coco habang kagat parin ang shirt nya para hindi mapasigaw sa sakit.

Mukhang nasaksak sya at kung di nga mapipigilan ang daloy ng dugo maari nya nga ikamatay. Malapit na kong matapos at mukhang ligo na ko sa pawis.

Nang natapos ko ito agad akong napaupo sa sahig at tulala tinignan ang mga kamay ko.

"Ta-tapos ko na." hingal kong sabi. Hindi ko makakalimutan ang araw na'to! Tinignan ko sya at mukhang nakatulog ata. Inayos ko sya ng higa at pinunasan na rin ang mga pawis nya. Kinuha ko rin yung malaki kong damit at sinuot sa Adonis nyang katawan na napansin kong may isang tattoo sa kanang dibdib na hugis ibon.

Pagkatapos kong gawin 'yon ay tinignan ko sya ng mabuti at napaisip. Sino kaya ang lalaking 'to at bakit may saksak sya at may baril?

Kinaumagahan, nakita ko syang tulog pa rin ito pero unlike kahapon hindi na sya maputla. I can't believe this! Nagamot ko sya! Pwede na kong maging nurse.

"Oy." Nagitla ako ng bigla syang nagsalita mukhang nakapikit lang sya.

"Ba-bakit?"

"Pahiram phone." Dahan dahan itong umupo sa sofa habang hawak ang sugat nito.

"Bakit?"

"Ibigay mo na lang dami mo pang satsat." Utos na naman nito. Grr! Di man lang nagpasalamat sakin! Wala na kong nagawa at padabog na binigay sa kanya ang phone ko.

Nakita ko na may denial sya. Habang nag dadial sya ay kagat kagat nito ang labi nya.

"Fck!" nagulat ako sa bigla nyang pag sigaw habang nakatayo ako sa harap nya ng di kalayuan.

"Ba-bakit?!"

"Ano 'tong suot ko!? Bakit pang bading!?" tanong nya sakin na kunot ang noo. Habang pinagmamasdan yung fit na color pink na tshirt ko.

"Wala na kasing tshirt na panlalaki at kasukat mo kaya pagtiisan mo na." straight kong bangit sa kanya.

"Fck! Nakakadiri talaga!"

"Buti nga di kita iniwan nakahubad dyan eh."

"Wag ka ng sumagot!" sumigaw ulit sya. Bakit ba kasi ang hilig nyang sumigaw! Ni mga magulang ko nga di ako magawang sigawan sya pa kaya!

Hindi na nga ako sumagot. Pagdating sa kanya tiklop ang buntot ko. Asar! Ikaw ba naman tutukan ng may baril eh!

"Oy Bryan. Ako 'to." Sabi nya sa kabilang linya habang nakatingin sa 'kin. Ako naman hindi makatingin. Nakakailang kasi.

"Oo nabulyaso ako pakisabi babalik din ako agad."

"Nasa condo ako ngayon- Oo, babae kasama ko."

Rinig kong sinasabi nya ng bigla itong napakunot ng noo. "Gago ka talaga Bryan wala akong magagalaw sa babaeng 'to masyadong flat- Oo geh alis na ko." Masyadong nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Ako ba yung sinabihan nya ng flat!?

***

"WHAT HAPPEN!?" agad kong salubong sa gym matapos kong makitang ang malaking pagbabago dito mula sa mg dinirect kong instructions. Hindi na kasi kulay vintage ang mga designs kung 'di blue na.

"Cassie, nagkaroon kasi ng problema sa props na gagamitin sana kahapon. Nabasa kasi kahapon dahil sa lakas ng ulan." Paliwanag sa'kin ni Trina.

"Bago kayo magdesisyon dapat tinawagan at tinanong nyo muna ako!" singhal ko sa kanya na halos lahat ng mga ibang staffs ay napapatingin na sa akin.

The Red AssassinWhere stories live. Discover now