9. Libreng Pakain

Start from the beginning
                                    

Sa sobrang dami ng mga ginagawa ni Mason bilang Vice President, hindi na niya namalayan ang tila mabilis na pagtakbo ng panahon. Sa kasamaang-palad, hindi na rin niya masyadong nasusubaybayan ang kapatid tulad ng dati. Ipinaubaya nalang niya kay Chan-Chan ang pagbabantay kay Charlie na sinang-ayunan naman nito.

At kung abala na siya noong third year, halos hindi na rin siya nakakakain sa pagdagsa ng responsibilidad niya nang tumakbo at manalo siya sa pagka-Presidente ng sumunod na taon. Kahit tahimik lamang daw kasi siya, marami naman siyang naitulong sa mahusay na pamamalakad ng student council noong nakaraang taon. Kaya naman nakuha rin niya ang loob ng mga high school students.

 

Sabi naman ni Charlie, mas dumami raw kasi ang admirers ni Mason kaya siya nanalong Presidente – isang  bagay na hindi na lamang niya pinansin.

Nasa headquarters siya ng student council nang biglang kumatok at pumasok ang kapatid kasunod si Nile na may bitbit na ilang plastik ng Jollibee.

“Kuya Mase, may bisita ka,” tawag ni Chan-Chan na siya namang Vice President habang nagtatakang sinundan ng tingin ang mga dala ng mga bisita.

“Kain-kain din ‘pag may time.” Maluwag ang ngiti ni Charlie nang ilapag nila ni Nile ang malalaking plastik ng kilalang fast food chain.

 

Kumunot naman ang noo ni Mason. “Ano yan?”

“Pagkain?” sarkastikong sagot naman ni Nile. “Kumain ka muna kaya. Sige ka, mawawalan ka ng fans dahil nangangayayat ka na,” natatawang mungkahi nito.

“Hindi kami nagpa-deliver,” nagtatakang sambit naman ni Mason at tinignan ang iba pang officers na nakatunghay na sa mga pagkaing dinala dahil humahalimuyak na ang mabangong amoy ng chicken at spaghetti mula dito. Sakto namang nag-ring ang bell na hudyat ng lunch time.

 

“Wuhahaha, galing kay Louie ‘yan! Nagpakain siya sa buong batch namin. Sabi ko bigyan din kayo lalo na ikaw kasi di ka na yata kumakain.” Kahit nakangisi pa rin ang kapatid, dinig ni Mason ang pag-aalala sa boses nito. Bumaling naman si Charlie sa mga papaalis na officers. “Oy! Sa’n kayo pupunta? Para inyo nga ‘to! ‘Pag di kayo kumuha, ako ang kakain ng lahat neto!” pagbabanta pa nito.

Tinanguan naman ni Mason ang mga kasamahan bago sila nagsikuha ng mga pagkain nila. Doon na rin kumain sila Charlie at Nile.

“Hoy, Chan, tignan natin kung may Peach Mango Pie pa sa baba. Tara,” pagyakag ni Charlie sa matalik na kaibigan at halos kaladkarin pa ito palabas ng silid nang matapos kumain. Halatang tuwang-tuwa sa libreng pagkain ang kapatid. Masyado kasi itong matakaw lalo na kapag libre.

Aalis na sana ang kapatid kasama si Chan-Chan at Nile nang pigilan niya ang mga ito. “Sandali, sasama na ako sa’yo. Magpapa-thank you lang.”

Habang naglalakad sila pababa sa palapag kung saan naroroon ang mga silid ng mga third year, naitanong ni Mason kung ano ang okasyon at nagpakain bigla si Louie.

From A DistanceWhere stories live. Discover now