Kabanata 12

8 0 0
                                    


Kabanata 12




Lia decided to wore a white dress and her pastel Valentino flats, she decided to make a messy bun and light make-up, halata namang nagpapaganda sya.




'kahit talaga baliktarin ang mundo ang ganda ko pa rin, shit amen!' natawa si Lia sa naisip nya at tumingin muli sa salamin, kinuha nya na ang blazer at lumabas, nakita nya na masayang kumakain sila Karl sa dining "aalis ka na?" tanong ni Crystal




"kailangan na eh! Sige byeee!" lumabas na si Lia at nakita nya ang isang Jared Dela Fuente, naka-puting long sleeves polo, black jeans and top-siders, with matching shades and brushed-up hair "fold it hanggang siko, mainit na nga naka-long sleeves pa" sabi ni Lia at sumakay na sasakyan.




Pinaandar ni Jared ang sasakyan pero hindi pa pinaalis, dahil nahihirapan siya ipantay ang sleeves, 'tangina naman, si mama gumagawa nito sakin eh'




Napansin naman ni Lia na nahihirapan ang kasama "do you need help?" pag-aalok ni Lia, tumango naman si Jared, natawa ang dalaga habang inaayos nya ito, "ayan pantay na, tara na, baka matraffic tayo"




"did you eat some breakfast?" tanong ni Jared "nope, drive-thru nalang, coffee and waffles for me, SB"




"like a boss?" Lia smirked "I am your boss" Jared shrugged his shoulders and nag-drive thru na nga sa Starbucks, nagsabi na ng orders si Jared and Lia was secretly taking a photo of Jared in her phone




Hindi nya alam ay nagkukunwari lamang si Jared na hindi siya kinukuhanan ng litrato, nung nakuha na nila yung mga orders ay nagmaneho na ulit si Jared, and she helped Lia by bringing her food until they reached the office.




Inilapag ni Jared ang pagkain ni Lia sa table "oh god, thanks" Lia smiled at him "do you mind if you'll join me?" tanong ni Lia sa kanya na binubuksan na ang paperbag, umupo nalang din siya sa couch na katapat nito at kumain silang dalawa.




Amanda entered her office "Lia, the board meeting will happen in the next 15 minutes" Lia nodded, and she gave her laptop to Amanda para ma-set na nito sa projector sa conference room.




"bat nagkaron ng board meeting?" Jared asked "I'll be opening an airline" napataas ng kilay si Jared "yayamanin" Lia giggled, Lia's family already agreed with it because they were impressed at Lia's proposal and confidence kaya pinagkatiwalaan na nila.




"and kailan ang launch ng iyong airline?" tanong ni Jared "proposal palang sa board, pero kapag nagustuhan yon at na-approve in less than 6 months, mai-lo-launch na, isasabay ko sa anniversary ng company"




"naks big time na!" tumawa si Lia "eh bat ka ba kasi nag-shift ng business course?" tanong ulit ni Jared, para-paraan lang 'yan para makasama pa si Lia.




"I got interested, at saka nai-i-stress ako sa architecture, tapos nga nabalitaan ko na umayaw si Chase sa business course, kaya nagkaron na ako ng dahilan para i-pursue yun"




Napansin ni Lia na nakatitig si Jared sa kanya, Lia raised her eyebrows at sumubo ng waffle "persuading? Yun yung tagalog ng unang kasal" pagbibiro ni Jared, natawa naman si Lia.




"kingina mo, male-late na ko, pakitapon nalang 'yan Jarhead, thanks" isinuot ni Lia ang blazer bago lumabas, napailing nalang si Jared, at iniligpit ang mga pinagkainan nila. Napansin nya na ang drawer ni Lia, medyo na-curious siya, binuksan nya ito at nakita nito ang mga polaroid films na magkakasama silang magkakaibigan at mga litrato nilang dalawa na magkasama.




Isinara ni Jared ang drawer at nakangiting lumabas ng opisina ni Lia at dumiretso na sa kanyang trabaho.




Sa kabilang dako naman, masayang-masaya si Lia dahil naaprubahan ang kanyang proposal, agad-agad nyang tinawagan ang nakakatandang kapatid ni Arwin na si Arcel, ang kasosyo niya sa negosyo dahil isa itong pilot.




Sandali lang ay dumating na si Arcel at nagpunta na sila ni Lia sa base, nagkasundo na sila at nagkaintindihan, "thank you Arcel ah" napatawa si Arcel "ako ang dapat magpasalamat dahil kung wala ka hindi mangyayari yung gusto ko na magkaron ng sariling airlines"




"sus na! Sige Arcel, una na ko" tumango si Arcel "probably in 4 months Lia, mai-launch pero kung gusto mo sa anniversary ng SGOC i-launch ayos lang sakin" Lia nodded and nagpasalamat na ulit.




Lia texted everyone na magkita-kita sa isang Italian restaurant for lunch.




Masayang pumasok si Lia sa restaurant pero nabawi agad iyon ng makita nya na kasama ni Jared si Elle sa kanilang table.




'shit' she cussed under her breath and smiled at everyone, hindi pwedeng masira ang araw nya, "so what's with the celebration? A welcome for me?" Elle cracked a joke, but they just smile.




"aside from that, Sky Airlines will be launch" nanlaki naman ang mga mata nilang lahat, "omg! When?" Denny asked, of course they are really happy for Lia, sino ba namang hindi? "probably anniversary ng SGOC, so let's order?" umupo si Lia sa tabi ni Arwin




"I am so proud of you" sabi ni Arwin at humalik sa noo nya "thanks" habang naghihintay ng order ay biglang dumadating si Amanda na humahangos




"Lia, nasusunog yung factory natin ng tela"




*****



Kausap ni Lia ang mga pulis at NBI, gusto nya imbestigahan ang biglaang insidenteng naganap. "ma'am may mga naiisip ho ba kayo na galit ho ba sainyo?" tanong ng isang tao na taga-NBI




"wala eh" tumango yung mga nasa opisina nya "ganito nalang po ma'am, pag po nakuha natin ang cctv file na sana ay hindi nasunog, babalitaan namin kayo, dahil malaki ho ang posibilidad na sinadya ang sunog" marahang tumango si Lia, "sige po ma'am babalik nalang ho kami kapag may update na patungkol sa kaso"




Umalis na ang mga ito, si Lia naman ay umalis na din papunta sa pabrika para kumustahin ang mga tauhan nya.




Nang bumaba sya ng sasakyan ay agad na nagsilapitan ang mga tauhan nya at ang mga pamilya nito, may iba pa kasing hindi nasasagip sa pabrika dahil hanggang ngayon ay pinapatay pa rin ang sunog.




"ganito ho, sasagutin ko ho ang mga kakailanganin sa ospital, lalo na ho yung mga nasugatan at mga napuruhan, sa mga hindi naman ho nasaktan, magpa-check up pa rin ho kayo, at sa mga pamilya ho ng mga tauhan ko na hindi pa rin nahahanap, wag ho kayong mag-alala, gagawin ho namin ang lahat para mahanap sila, ligtas man po o hindi, tutulungan ko ho kayo"




Nagpa-merienda si Lia sa mga tao, may mga batang naghihintay din, marahil ay nasa loob ang kanilang magulang.




"ate, buhay pa po si tatay diba?" may umiiyak na bata ang lumapit kay Lia. Yumuko si Lia para makapantay nya ang bata "hindi ko alam eh, alam mo ang dapat gawin? Magpray ka dun" tinuro nya ang langit "malakas tayo kay Lord, magtiwala ka lang sa kanya okay?" tumango ang bata "kumain ka na ba?" inipit ni Lia ang buhok ng batang babae sa tenga nito




"opo, sige po ate, salamat po" tumakbo na ang bata paalis at tumayo na si Lia, nagpaalam na siya sa lahat para harapin ang board.




Pagdating nya sa conference room ay nagkakagulo na ang mga taong nandun "sige na Amanda, ako na dito" sabi ni Lia.




Umupo si Lia sa upuan at pinanuod na magkagulo ang mga board members "are you all done? Ma'am? Sir?" napatigil ang lahat at tumingin kay Lia. "saan ka ba nanggaling? We were all waiting for you!" singhal ng isa sa mga ito




"I came from the factory to check the situation, and I promise to help everyone" Lia said "what?! Eh mga timawa ang mga 'yon! Hindi ka nila titigilan hanggat hindi sila nakukuntento!"




"calm down Mr. Sanchez, hospital bills ang sasagutin ko sa kanila, hindi pwedeng pabayaan ko ang mga tao ko sa ganong sitwasyon" Lia said, "pero malaki ang mawawala sayo pag ginawa mo 'yon! Ang pagkasunog pa lang ng pabrikang 'yon ay 5% na ang nawala sa kumpanya!"




"exactly Mrs. Peralta, 5%! how about the remaining 95%? right? May mapagkukuhanan pa tayo para makabangon ulit, para matulungan sila! Bakit ba ayaw nyong tulungan ang mga tauhan natin? Kung wala sila hindi gagana at tatakbo ang mga negosyo natin, kaya nyo ba ang pinaggagawa nila? Kayo kaya ang pumalit sa kanila sa trabaho nila at ang pamilya niyo ang nasa sitwasyon ng pamilya nila na hindi makasigurong ligtas yung kamag-anak nila sa sunog? Kayo kaya ang mangailangan ng tulong at kayo kaya ang pagkaitan ng tulong? You should put yourself in their situation also!" natahimik ang lahat sa sinabi ni Lia




"she's right, this kid has a point" nagsi-oo na ang lahat, "so I guess we can all leave this to Lia?" Lia nodded, nagpaalam na ang lahat, naiwan si Lia sa board room, "tangina naman, masaya na eh, tapos magkakaron ng gantong insidente? Shit" inalis ni Lia ang pagkakatali ng buhok at ginulo ang buhok nya dahil sa inis.




Sumandal si Lia sa swivel chair at hindi nya namalayang nakatulog na sya sa opisina.




"Amanda si Lia?" tanong ni Arwin, "nasa board room pa po ata" tumango si Arwin at agad na dumiretso doon, nakita nya na pinatong ni Jared ang blazer ni Lia, sa natutulog na si Lia. Humalik sa noo nito si Jared, at umupo sa tabi ni Lia.




Alam naman nya eh, tanggap naman nya noon pa, kaso ganon daw talaga sa pag-ibig, nagpapakatanga ka.




Umalis nalang si Arwin at hinayaan ang dalawa.




'mahal pa naman nila ang isa't isa eh pero hindi pa ito ang tamang panahon para sa kanila dahil magulo pa' sabi ni Arwin sa sarili







Up-side DownWhere stories live. Discover now