Dont leave me!

42 1 0
                                    

Kyles POV

Nung chi-neck ko ang vital signs ni Mei ok pa siya. Pero hindi ako mapakali nilagay ko si Mei sa kama niya sa taas at tamakbo ako pauwi sa bahay ni mama. 

Habang tumatakbo ako papunta sa kabilang street hindi ko na napigilang umiyak. Ang nasa isip ko lang noon ay si Mei lang. 

Nung dumating na ako sa bahay.

"Mama!" Sigaw kong ganun

Walang sumasagot sa front door namin! Baka umalis si Mama! Naisip kong ganun. Pero alam ko kung saan nag tatago ng spare key si Mama nasa ilalim lang ng paso sa mga halaman niya. Nung nakuha ko na ang susi agad akong pumasok sa bahay at hinalungkat ko ang mga susi. Alam kong may kotse sa garahe matagal tagal na rin nung huli ko siyang huling napatakbo. Nung nakita ko na ang susi punta agad ako sa garahe sakay sa sasakyan. 

Nung pinihit ko na ang susian.....

AYAW MAG START! "Bwisit!" Sigaw kong ganon. 

"Mei padating na ako!" Sunod kong sinabi.

Pinilit kong mag start yung kotse at salamat nag start na siya! Nilabas ko na ang kotse ni lock ko ulit ang bahay. 

Hinarurot ko na ang sasakyan papunta sa bahay namin ni Mei pagdating ko dun ay hindi parin gumagalaw si Mei binuhat ko siya agad at hiniga sa backseat ng sasakyan. 

Pagpunta namin sa ospital hindi malaman ng doctor kung ano ang nang yayari. Wala rin naman ako magawa dahil di ko rin naman alam ano ang nangyayari. 

Dahil ok naman daw ang condisyon ni Mei at parang natutulog lang daw siya ay inuwi ko na lang siya imbis na i-admit ko siya sa ospital.

Pag uwi namin ay binuhat ko si Mei sa kanyang higaan. 

"6 pm na pala" Sabi ko nung nakita ko ang orasan.

Kinumutan ko si Mei kasi malamig ang hangin nung oras na yun. Hinawakan ko ang kamay niya at.. sinabi ko ang

"Mei wag mo akong iwanan...."

My Dream Girl EXISTS [FOR REVISION]Where stories live. Discover now