"Rain, babe, hindi pwedeng makisali si Hunter sa sapakan thing na 'yon," sabi ni Cyan. "Kapag ginawa niya 'yon, mas lalo lang niyang ginawang gago ang sarili niya," dagdag pa nito.

Hindi kumibo si Zyline. Cyan was right. Ano nga naman ang karapatan ni Hunter magalit kay Kerko? Eh halos pareho lang naman sila ng sitwasyon. Ayaw ng kapatid niya kay Hunter. Ayaw ni Thunder at Hunter kay Kerko para kay Mika. But Mika's luckier. Mahal siya ni Kerko. Alam ni Zyline na mahal ni Kerko si Mika.

Eh siya ba? Ano ba siya para kay Hunter?

Nakita niya si Hunter na nakaupo sa isang lamesa sa may gilid at kausap nito si Daniel na naroon din pala. She also saw Mika's friend there. 'Yung mga nakita niya noong minsang lumabas silang dalawa ni Hunter.

After a while, kinalimutan na muna nila ang nangyari at nagpatuloy sila sa pag-cecelebrate ng anniversary nila PJ at Stephanie.

Gaya ng nakagawian nila, nag-aasaran ang mga ito at tawanan. Aliw na aliw naman si Zyline habang nakikita ang mga batang masayang naglalaro sa itinalagang pwesto nila habang binabantayan ng mga yaya.

"You okay?" naramdaman ni Zyline ang kamay ni Hunter sa may bandang likod niya. Nilingon niya ito at nginitian. "Yeah, I'm fine," sagot niya. "Ang cute nila, no?" sabi ni Zyline na tinutukoy ang mga bata. Theon was busy with his toy cars. Si Lean at Caryl naman ay may mga hawak na manika.

"The twins will be cuter," he smirked. Napangiti nalang si Zyline. Of course, they will be. Aba, De Guzman at Dela Cruz ba naman ang pagsamahin, ewan nalang niya kung hindi magandang lahi ang kalabasan 'non.

Napansin ni Zyline ang closeness ni Theon at Hunter. Nakikita niya kung paano nito alagaan si Theon kaya alam niya na magiging mabuting ama din naman si Hunter sa magiging anak nila. Siguro nga, gago si Hunter pero iba sigurong usapan na kung may batang involve. Lumalabas ang soft side ng binata.

Hindi naman na nagpagabi si Hunter at Zyline doon. Nararamdaman din kasi niya na hindi kumportable si Hunter. It wasn't his group of friends kaya naman siya na ang nagyayang umalis silang dalawa.

"Where do you want to go?" Hunter asked Zyline.

"I'm hungry. Kain nalang muna tayo," sabi niya dito.

"I'll just cook," sabi naman ni Hunter. "Sa bahay nalang tayo," sabi nito bago kinabig ang manibela pabalik para umuwi sa bahay ng mga ito.

Pagdating naman nila doon, sinalubong agad sila ni Manang Lourdes. "Zyline, buti naman at napagawi ka dito," sabi nito sakanya na inalalayan pa siyang pumasok.

Ngumiti siya. Palagay ang loob niya sa matanda, eh. "Si Hunter po kasi, diti daw gustong kumain," sabi niya.

"Nay, nagluto na ba sila?" tanong ni Hunter sa matanda.

"Nakapagluto na dahil mamaya, darating na ang kapatid mo," sagot nito.

Umiling si Hunter. "I don't think that brat will go home tonight. Unless papaganahin niya na ang utak niya," sabi niya. Daniel told him what happened.

Gusto niya din kasing saktan si Kerko. Tangina, hindi naman birong makita ang kapatid niyang baliw na baliw dahil sa isang lalaki. Pero puta, what Daniel said to him earlier was true. Ano nga bang karapatan niyang magalit? Siya nga nakabuntis pa. They should be at least thankful at hindi buntis ang kapatid niya. Kung nagkataon, mabubura sa mapa 'yung Kerko na 'yon.

"Hunter, natuto na si Mika. Magtiwala nalang kayo sakanya," sabi ni Nanay Lourdes sakanya. Nagkibit balikat na lamang siya bago nagtungo sa kusina matapos magpaalam kay Zyline.

Hunter's Temptation Where stories live. Discover now