Friendship Goal

36 2 0
                                        

Anicka pov'

"Dane! Wake up! You will be late in your class" sigaw nung tita lyn ko. Dane yung tawag niya sakin pero kadalasan eh anicka. Si manong Ed naman nick nick ang tawag sakin.

"Yes tita! Pababa na po ako" sabi ko. Kinuha ko na yung bag at mga gamit ko tapos dumeretso na sa kusina para kumain ng almusal.

"Dane bilisan mo na kumain baka malate ka pa first day pa naman" sabi ni tita lyn

"Tita 30 minutes pa po bago magbukas yung school namin. Nakakahiya kaya kapag ako yung kaunahan" sabi ko sabay subo nung pancakes sa bibig ko.

"Kahit na.... hahanapin mo pa kung saang classroom at sinong teacher mo" sabi ni tita lyn

"Opo, bibilisan ko na hhahahha" sabi ko tapos nagmadali na akong  kumain.

"Tita alis na po ako'" sabi ko kay tita lyn

"Ingat... Dane" sabi ni tita

"Opo" sabi ko. Lumabas na ako ng pinto at sumakay sa kotse ng tita lyn ko.

"Manong Ed sa school po tayo, sa teen academy highschool" sabi ko sabay lock nung pinto.

"Mukang excited ka ata ah nick nick" sabi ni manong ed

"Manong pwede dane nalang po itawag niyo sakin. Para kasing tunog peste yung nick nick eh hahahha" sabi ko sabay tawa naming dalwa.

"Ok dane" sabi ni manong ed hahahah.

Medyo malayo yung biyahe pero ok lang nakarating naman kami ng maayos sa school ko.

Pinagmasdan ko muna yung school. Super ganda!! Super laki feeling ko maliligaw ako.

"Ready ka na bang pumasok dane?" sabi ni manong ed

"Para nga pong ayoko na gusto ko ng umuwi sa laki ba naman po ng school na ito tapos mukhang matataray at mayayabang mga estudyante dito." Sabi ko

"Sa simula lang yan... Masasanay ka rin" sabi ni manong ed.

"Ah sige po papasok na ako." Sabi ko. Bumaba na ako sa kotse at pumasok na sa gate ng bago kong school. Nakakamiss rin yung dati kong school.

Lakad lang ako ng lakad. Lingon dito lingon doon. Saan ko ba dito makikita kung anong section ko?.

"Hey.... hi... .. can I ask a question?" Sabi ko dun sa mga babaeng dumaan sa harapan ko pero di nila ako pinansin. Sabi ko na eh matataray estudyante dito. First impression ko palang tama na hahaha. Mali ata ako ng napasukang school. Ganito ba talaga mga tao dito?.

Lakad ulit. Then may babae akong nakita na nasa may ilalim ng puno mukang mabait kaya sa kanya nalang ako nagtanong.

"Hey miss can I ask a question?" Tanong ko.

"Nagtatanong ka na nga nagpapaalam ka pa" sabi niya. Hay naku! Kung hindi mataray at mayabang pilosopo naman.

"Saan ko po ba pwedeng makita yung section at kung sinong teacher?" Tanong ko. Tapos may biglang nagsalita.

"Welcome new students!.... your section and the name of your teachers are written in the bulletinboard near the principal office. Enjoy your studying here at teen academy highschool. "

"That's it! Siya ata yung principal" sabi nung girl na kausap ko

"Thank you pero saan ba yung principal office dito?" Tanong ko

"New students ka ba dito?" Tanong niya. Ano toh? Pagmagtatanong ako tanong din isasagot niya?

"Oo eh" sabi ko

My Bestfriend SacrificeWhere stories live. Discover now