Ika-tatlumpu't siyam na Sayaw

34.4K 806 159
                                        

Kinagabihan ay hindi ko pinaunalakan ang hiling ni James na sumama ako sa kanila sa burol. Nagkakamahog ang buong tao sa hacienda na makapunta roon dahil tulad ng isang kumalat na apoy ay naglipat-lipat sa kanilang mga bibig ang balitang dadalo rin ang Monseiur Adonai, kasama sina Sir Ibrahim at Yllana, si Kai at Gabriella at Jude. Kasama rin ang magpipinsan.

"Bakit, Halil?" sabi ko nang buksan ang pintuan sa quarters. Sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin.

"Hindi ka ba talaga sasama?" sabi ni Halil.


Nilingon ko ang walang taong quarters dahil pati si Nanay ay lumayas din. Nakikita ko ang malaking paghanga na lulan ng kaniyang matandang mga mata tungo sa kaniyang paboritong Adonai.

"Hindi, Halil. Ikaw? Huwag mong sabihing hindi ka rin pupunta." iling ko rito.

"Oo, Rina. Hindi na rin ako pupunta kung hindi ka rin lang pupunta. Ano pang silbi ko roon?"


"Halil naman... Kung sina Ava at Amaris ay talagang pinilit ko na sumamasa katuwaan sa burol, sana ay ikaw din. Ano rin lang ba ang silbi mo rito?" walang preno kong sambit.

Nangunot ang noo ni Halil saka nagdiretso ang kilay. Umawang ang aking bibig nang rumehistro ang sinabi sa utak. Hindi iyon ang ibig kong sabihin!


"H-Hindi ko sinasadyan. Lumabas lang kusa!" sabi kong naiirita sa sarili.

"Ayos lang, Rina." ngiti nitong walang tamis. Kinagat ko ang labi.

"Sige na nga, halika na..." Napanguso na ako saka binuksan ng malaki ang pinto.

Sumibol ang kintab sa mga kulay putik na mga mata ni Halil. Umangat ang dulo ng kaniyang labi at dali-daling pumasok sa loob. Napapanguso na lang talaga ako.


May dala si Halil na suman at bibingkang gatas. Pumayag ako na kumain kami habang nanunuod ng malabong telebisyon. At habang ginagawa iyon, tumugma ang bali-balitang katuwaan sa burol. Puros ilaw doon at tila ba nagiimbita ang kumakalabog na musikang nanggagaling doon.


"Halil...magpunta ka na roon. Sige na..." panunuyo ko.

"Hindi. Sinabi ng hindi. Makulit." Pinisil nito ang aking pisngi.


Tinabig ko ang kaniyang kamay at umiling. Dinadaldal ako ni Halil habang kumakain kaya hindi ko tuluyang maisip kung ano ba talaga ang pakay ni Jude patungkol sa kaniyang sinabi. Tiwala?

"Balon iyang iniisip mo, Rina. Pwede nang paghulugan ng piso." ngisi ni Halil.

Iniatras ko ang mukha dahil nakaamba ang kutsarang may kakanin na nakapatong. Umikot ang aking mga mata. Habang nag-uurong ay hindi rin ako makapag-isip ng matino.

Ngunit, hindi ibig sabihin na munting ilaw lamang ay masisilaw ako. Masakit pa rin. Hindi nawawala ang hapdi. Isang marikulo ang nangyayari rito sa hacienda dahil hindi ko nakikitang magkasama sina Kai at Gabriella sa tuwing binabagtas ko ang hacienda para sa trabaho.


Bandang alas dose na ng makauwi si Nanay. Doon pa lang nakauwi si Halil. Kinaumagahan sa trabaho ay kwento ng kwento sila Amaris at Ava.

"Si Sir Gadriel ay karasuka kagabi. Muntik gumulong pababa!" hagalpak ni Ava.


Tumango ako. Inilang dangkal ko ang pagitan ng mga palay gamit ang mga daliri. Patuloy ang kwento nito.

"Mukhang mabait...si Sir James..." tulalang sabi ni Amaris na noon lang nagsalita.

Natigil ang numero sa aking utak upang sulyapan si Amaris. Sinunod ko ang linya ng kaniyang tinitingala. Si James at Kyen ay nasa orchard malapit sa bangin. Gabay ni James ang balikat ni Kyen upang huwag manginig sa paghawak ng metal na palaso.


The BallerinaWhere stories live. Discover now