Chapter 11: Sorry

Start from the beginning
                                    

          Nakapagdesisyon na ako. Si Xander ang pinili ko. At kapalit noon, kailangan ko ng iwasan si JD at ano mang bagay na magpapaalala sa kanya.

          Oo, imposible iyong sinasabi ko dahil una, sa iisang bahay lang kami nakatira at ngayon nga bumalik na sya ng Westside kaya imposible talagang maiwasan ko sya.

          Pero gaya nga ng sabi nila, "If there's a will, there's a way." I may have a rough way but I know I have a strong will.

          "I'm sorry..."

          Wala sa oras na bigla akong napaharap sa kanya. Teka, tama ba dinig ko? Sya ba yung nagsalita?

          When I look at his eyes, I see sincerity.

          Teka! Si JD, nagsorry?! Wee? Di nga?! Para saan naman?!

          Tapos noon, bigla na lang syang tumayo sa harapan ko sabay labas ng classroom. Di na nga nya pinansin yung tawag nung Prof namin eh!

          "Mga kabataan ngayon di na marunong rumespeto!" paghihimutok naman ng Prof namin.

          "Ako Ma'am magbibigay sa inyo ng respeto!" tuwang-tuwa at energetic na may pataas-taas pa ng kamay na sabi ni Renji sabay lapit sa Prof. "Respeto." sabi saka saka natatawang lumabas na din ng room namin.

          Iniisip-isip ko ang rason kung bakit magsosorry si JD. Then memory from the other night hits me.

          'Is he saying sorry for what he did the other night?'

 

 

JD's P.O.V

 

 

          "I'm sorry..."

 

 

          Inis kong pinagsisipa yung mga damo doon sa open field.

          Bakit ko ba sinabi yun in the first place?! Kasalanan naman nya kung bakit ko sya nasaktan nung nakaraang gabi di ba?! It's her fault for making me mad!

          Pero, hindi ko alam kung anong masamang espirito yung sumapi sa akin at nasabi ko yun sa kanya.

          "F*ck!" inis na sabi ko saka naglalakad-lakad.

          Well, noong una, balak ko na talagang magsorry sa kanya. I know it's my fault—okay I admit, it's really my fault—and when it's my fault, I say sorry. Kaya lang, tuwing gagawin ko yun, kasama nya yung animal na Xander na yun! Nakakainis! Sarap nilang pag-untuging dalawa! Kaya ayun! Laging hindi natutuloy yung pagsosorry ko.

          Tapos ito pa! Kanina, I was hoping to kiss and make up with her—literal yung kiss part—nang bigla na lang nya akong tawagin sa pangalang Jasper! Anak ng! Nakakairita talaga ang babae na 'yun! Bwisit sya! Magsama sila ng lalaki nya!

          "Woah! Look who's back from the tomb!"

          Inis kong nilingon yung pinanggalingan ng nagsalita ng trying hard mag-English na iyon.

          "Who you?" asar na sabi ko. Sino bang mga ugly sh*ts na 'to?

          "G*go! Hindi mo na kami naalala?" galit na sabi nung nasa gitna saka lumapit sa akin at kiniwelyuhan ako. "Kami lang naman yung bumasag sa mukha mo noon."

My Jealous Stepbrother (Book 2)Where stories live. Discover now