Chapter 6: The Boyfriend and the Stepbrother

105K 2.2K 260
                                    

Chapter 6: The Boyfriend and the Stepbrother

 

 

Rina's P.O.V

 

 

          Dahan-dahang kong iminulat ang mata ko. Balak ko sanang tumayo kaya lang muli lang din akong nahiga dahil sa mabigat ang pakiramdam ng ulo ko.

          'Ano bang nangyari kagabi?' sa isip ko.

          Ang huling natatandaan ko, matapos umalis ni JD, pumunta ako sa may bar counter para umorder ng alak. Tapos nagpakalasing ako. Tapos...wala na! Wala na akong natatandaan!

          "Finally, you're awake."

          Napasunod ako ng tingin sa pinanggalingan ng boses na iyon. At sa paglingon ko sa may kanan ko, isang nakatapis lang ng tuwalya na lalaki ang lumabas sa isang kwarto doon na sa tingin ko ay ang banyo.

          "Manyak!!!"

          Out of impulse, pinagbabato ko ng mga unan ang halos hubad na lalaking iyon.

          'Paano sya nakapasok sa kwarto ko?!' sa isip ko habang patuloy pa din ang pagbato ng unan sa kanya.

          "What the?! Stop that!"

          "Stop?! Stop your face! Manyak! Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?!"

          Nakikipag-usap ako sa kanya habang patuloy yung pagbato ng unan sa kanya o kahit anong bagay na maabot ng kamay ko.

          Magaling umilag ang lalaki na hindi ko makita ang mukha dahil sa una, hindi ako nakatingin at pangalawa, may tuwalyang nakapatong sa ulo nito na tumatakip sa mukha nito.

          'Teka! Bakit sya hubad?! Did he...did he rape me?!'

 

 

          Lalong akong nakaramdam ng galit sa manyak na rapist na ito kaya nung wala na akong mahanap na pwedeng ibato sa kanya, kinuha ko ang lampshade sa may side table.

          "Hey! What are you planning to do with that?!" panic na sabi ng lalaki na nakikita ko na ang kalahati ng mukha dahil sa bahagyang nalalag ang towel nito sa may ulo.

          "Die! Rapist!"

          "WHAT?!"

          Ibabato ko na sana yung lampshade sa kanya nang biglang mabitin sa ere ang kamay ko dahil marahas nitong tinanggal yung towel na nakapatong sa ulo nito.

          "What the hell do you think you're doing huh?! Are you insane?!"

          "J-J..." halos hindi ko mabanngit yung boses nya sa gulat.

          'Anong ginagawa nya dito kwarto ko?!'

 

 

          "Dumbass!" galit na sigaw nito sabay hagis sa isang tabi nung towel nya...sa may ulo hindi yung nakatapis sa baba nya. "Next time, hindi ka na pwedeng uminom at magpakalasing dahil nababaliw ka na!"

          "What?! Ako?! Nalasing?!" Ano bang nangyari kagabi?!

 

          He gave me his also signature alien look. Ilang segundo din nya akong tiningnan sa mukha at saka ito napabuntong-hininga.

My Jealous Stepbrother (Book 2)Where stories live. Discover now