MCB - Chapter 1

2.6K 45 1
                                    

Chapter ONE :

[6:00PM - Shibuya Academy] - Araw ng Biyernes..

Sir Hashibara: Ok Class! That's all for  today.

(Pagsasara ng kanilang Professor sa kanilang Math discussion)

Akira: Woooh! Yesss! Sabado na rin bukas!

Kyu: Oo nga eh. Saan ang gimik natin bukas?

Lee: Sa computer shop!  

Akira: Di ako makakasama bukas e. (sabad nya)

Lee: Bakit naman? 

Kyu:  Himala kung hindi ka sasama! (natatawang pahayag nito)

Akira: Bukas pupunta ako sa bahay ng lola ko e.

Kyu: Dun sa Kyoto??

Akira: Oo.

Lee: Naman oh!

"ATTENTION!!", sigaw ng isa sa kanilang class officer na si Chidure.

Chidure: Wag munang uuwi ang Group 5! Dahil Tayo ang naka- assign na maglinis ng classroom ngayon! MAliwanag ?!!

Kyu:    Ayan na naman.. (mahinang sabi)

Chidure: At kung sino man ang uuwi na hindi naglilinis! Wag na wag na kayong magpapakita sakin sa Lunes dahil titirisin ko kayo ng pino-pino! (tukoy nito sa mga kamember na lalaki)

Mei: Oy, narinig niyo yan ha?!

(Nagtinginan sina Lee,Kyu at Akira)

Kyu:   Haay.. (sabay kuha ng walis) Ano ba ang silbi ng mga janitor sa paaralang ito? (reklamo nya)

Chidure:    Bakit Kyu?! MAY PROBLEMA?!!! (taas-kilay na sabi)

Kyu:   A-ah wala po ma'am! (sabay salute kay chidure)

[Lumipas ang ilang minuto]

Akira:Tayo na!.. (bulong nya kay Kyu)

Kyu:     Di pa tayo tapos e. Panu tayo makakalabas? (bulong rin nya dito)

Lee: Di na yan makakahalata.

(Habang tinitignan nila si Chidure na abala sa pagwawalis)

Akira: Kunin mo na yung bag mo. bilis!

Mikki: Hoy! Saan kayo pupunta?

Lee: Sshh! Wag kang maingay!

Mikki: Akira... (nagbabalang tingin nya dito)

Akira: Hayaan mo na kaming makalabas. Tutal marami naman kayo..

Mikki: Akira, Ilang be---

Lee: Ano ka ba naman Mikki (putol nito sa iba pa nyang sasabihin) Di ka ba naaawa kay Akira? Masakit ang ulo nyan. Kala ko ba mahal mo si Akira?

Akira: Lee! (saway ni Akira)

(Saglit na napa-isip si Mikki habang tinitignan ang tatlo na parang maamong tupa na nakatingin sa kanya.)

Mikki: ..Oo na! Pero last na 'to! Sa susunod ,di ko na kayo pagtatakpan pa..

Lee: Ok!

Kyu:  Ano, aalis na tayo? (dala-dala na nito ang bag nito)

Akira: Oo. Salamat Mikki. Ang bait-bait mo talaga! I love you !

Mikki: Umalis na nga kayo! Mahuli pa kayo ni Chidure..

(At agad na umalis ang tatlo)

Lyka: Hinayaan mo na naman ang mga yun??

(Buntong-hininga lamang ang naging sagot nya sa tanong ni Lyka)

MY CUTE BOYFRIEND (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon