"Tanga mo kasi eh. Sayang ka dun pre, gustong gusto ka pa naman non"

"Aba syempre, sino bang hindi maiinlove sa gandang lalake ko"

"Tara pasok na tayo, naglolokohan nalang tayo dito eh"

"Ulol! Pero tol, pag bumalik na ulit kayo sa maynila, hanapin natin si Jeane"

"Ano to susunod ka saken sa maynila?"

"Tanga syempre may facebook naman. Kahit papano may alam akong detalye. Hindi naman natin makakalimutan si Jeane, kahit sila Loree naghahanap hanap parin kay Jeane"

"Kasalanan mo kasi lahat to eh, punyeta kang bakla ka eh umurong ba naman itlog mo"

"Peste ka naman eh kaya nga hinahanap si Jeane at luluhod ako mismo sa harapan niya sa maynila para humingi ng patawad"

"Gago eh pano si Janis?"

"Bakit may sinabi ba akong papalitan ko si Janis? Yannnn. Ugali mo kasi parang nagpapalit ng brief kung mag syota"

"Paka judgemental mo no? Syempre magseselos yon si Janis. Eh pano kung mahal ka parin pala ni Jeane? Nako tol"

"Nyeta ka naman tol. Tara na nga sa loob, naaamoy ko na yung luto ni tita"

First love never dies talaga ang mga peg dito sa probinsya. Akalain mong may binabalak pa pala to si Nash. Saklap non, habang buhay mong dadalhin na may tao kang pinaiyak kahit gusto mo din naman yung tao. Sana maintindihan to ni Janis pag dumating ang araw.

Gising na halos lahat ng tao, pumuwesto na sila sa kusina at nagiintay ng luto. May isang palakang hindi pa gising, kumuha ako ng tubig at inakyat ko ito sa kwarto. Naabutan ko si Koni na kinakausap si Sierra na ni hindi halos makakilos sa higaan niya. Parang gusto ko ibuhos sa kanya tong tubig, para siyang lintang hindi matanggal sa kama.

"Ehhhhh. Mamaya naaaa" sabi ni Sierra na parang patay

"Koni, una ka na sa baba. Ako na bahala dito, wag na wag mong tutularan tong pinsan mo ha?"

"Sige kuya!"

Pangisi ngising umalis si Koni, habang onting onti nalang eh hahampasin ko na tong lintang to. Pinapaupo ko siya, lalo lang kasing sasakit ulo niya pag hiniga niya pa ito. Napilitan na akong buhatin siya at iangat pa upo sa kama. Para siyang walang malay na bumagsak sa braso ko

"Kuyaaaaa buhaaat"

"Aba punyeta ka may gana ka pang mag kuya. Talaga bang kailangan mo na ng tulong at napapagalang ka na?"

"Tubeeeeeg"

Abusadong ulol. May tiga hawak pa ng baso habang umiinom, para siyang infant na kala mo natututo palang maglakad. Umakap siya sakin at talagang gusto magpabuhat. Parang kala mo sinasubmission niya ako sa itsura namin.

"Punyeta ka Sierra ang laki laki mo na ah. Tinatamad kalang kumilos eh"

"Sige naaaa. Kuya naman ehhh"

"Leche"

Kinarga ko na siya at bumaba na kami para mag almusal, gutom narin ako wala pakong tulog. Natatawa silang lahat sa itsura namin, eto namang si Sierra patay patayan pa ang gusto. Nakahanda na lahat at magkakasama kaming magsasalo salo.

"Kuya kuha mo ko"

"Hoy anu kala mo saken homeboy mo? Nasa harap mo lang lahat oh"

"Kuyaaaaa sige naaaa"

"Wag ka nga. Wala ka naman ng amats"

"Mama ohhhh"

"Ter, sige na. Minsan nalang maging ganyan kapatid mo sayo" utos ni mama

Napilitan na akong lagyan ng pagkaen ang plato ni Sierra, napakachoosy pa nito ayaw nalang kainen yung nilagay ko gusto ibalik ko pa. Natutuwa naman tong mga pamilya ko, nung bata pa kasi kami mistulang ako ang tagapagligtas lagi ni Sierra. Prinsesang prinsesa namin siya sa bahay. Pag may kailangan siya, anjan ako. Pag may kaaway siya, andun ako. Magkasama kami laging maglaro nung bata pa kami.

"Kuyaaaa subuan mo ko"

"Hoy balimbing ka ha. Kuya kuya ka pa jan, tinatamad kalang kumilos"

"Ma ohhh, salbahe talaga"

Natatawa tawa nalang sila at niloloko kaming dalawa. Talagang pinagpipilitan ni Sierra na subuan ko siya at nagdadabog dabog pa ito sa tabi ko. Hindi tuloy ako makakain ng maayos, kada susubo ako hinihila niya kamay ko.

"Talagang gumugusto ka ha. Koni, videohan mo nga to"

"Che! Madamot ka talaga. Sama sama mo, sumasakit nga ulo ko pag kumikilos ako. Minsan lang magpatulong eh"

"Maliit na problema, edi putulin natin ulo mo para hindi na masakit"

"Che!! Go to hell! Don't talk to me"

Sabay inirapan ako at biglang gumanda ang lagay ni Sierra. Punyeta to sabi na umaacting lang. Nakakaen naman siya ng maayos, pa irap irap pa masakit daw ang ulo kuno amp. Typical na umagahan namin, kung anu man eh, masayahin lang talaga kaming magkakapamilya. Nasa dugo ata namin ang pagiging mapangtrip sa buhay.

Di nagtagal, nakapagligpit na kami at nakapagayos narin. Lumipas ang tanghali at nagbabalak na kaming bumalik sa bahay namin. Sila Nash naman ang pupunta sa bahay namin para sa darating na fiesta, mukang susunod din ang buong tropa. Pero sinabihan ko sila na magpaiwan nalang at sabay sabay na kaming pupunta, susunduin ko pa si Loree sa bahay nila.

Nagpaalam na muna kami sa isa't isa. Naiiyak iyak kunwari tong sila Koni at Sierra, gusto kasi ni Koni sa bahay nalang nila kami mag stay. Pero may mga lalakarin kasi si papa tungkol sa lupa namin dito, kaya kailangan andun kami.

Gusto na sana nila papa na dumerecho na pauwe, pero nangungulet si Sierra na magmall daw muna kami habang nasa bayan na. Sakto narin, paubos narin kasi stock ko ng foodtrip sa bahay. Nag grocery narin kami nila mama, habang si papa naman urat na urat gusto ng umuwe at tumambay nalang muna sa may coffee shop.

Pag tapos namin mamili, nangungulet si Sierra na samahan ko daw siya mamili. Nakakairita pero wala akong magawa, baka daw kasi maligaw si Sierra kaya pinasama na ako ni mama. Para akong homeboy ni Sierra na pasunod sunod kung san siya pumunta, ginawa pa akong fashion adviser niya kada kukuha siya ng damit. Anu alam ko sa pananamit ng babae, pero kung anu man, basta revealing na damit maganda sa mata ng lahat ng lalake. Approve.

Sa gitna ng pag sshopping spree ni Sierra, may boses na nagtaasan lahat ng balahibo ko sa may music store. Ang lamig ng boses, yung tipong aantukin ka pag nakarelax ka. May mga tao rin na naghihintuan sa may music store, hinila ko bigla si Sierra at pinuntahan namin yung kumakanta.

Palapit palang kami, mas lalo akong nangilabot sa mga natatanaw ng mata ko. Kumabog bigla ng malakas ang dibdib ko, hindi ako makapaniwala. Alam kong siya lang yon. Ang itim na itim niyang kumikinang na mahabang buhok, ang balat niyang mala mestiza, ang tindig niyang kakaiba. At ang petite niya pala, ngaun ko lang nakita buong itsura. Akala ko nung una perpekto siya, ngaun talagang napatunayan ko ng she's the one. Ang lahat ng gusto ko sa babae, hinulma na sa pagkatao niya.

"Wow. Pang ASAP ang boses. Muka rin siyang artista. Sayang naman talent niya, napupunta lang sa videoke dito" sabi ni Sierra

"Odessa.."

Red String TheoryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora