Tinignan ko ng mataray si Korah bago umalis sa harap nya habang sinundan ko na si Yvette na palabas na ng gym. Nakarating kaming dalwa sa garden ng campus. Konti lang tao ngayon dito dahil may mga klase kaya iilan lang studyante ang nandito.

Nakatalikod ito sa akin ngayon at nakatingala. Nangingintab sa araw ang mahabang nyang buhok na umaabot hangang beywang.

"Yvette ano na naman bang nasinghot mo? Hinahanap kita kanina papasama kasi ako sayo-"

"Napanaginipan kita kagabi." Napahinto ako sa sinabi nya. At kumunot ang dalwa kong kilay. Lagi nyang sinasabi sakin na may kakayahan daw syang makakita ng vision sa future gamit ang panaginip.

Umupo ako sa tabi at pumalumbaba. "Geh ano naman yang weird mong panaginip?" Inaantok kong sinabi. Humarap sya sa akin bigla na kinagulat ko. Oink pa ng oink yung baboy nya.

"Patahimikin mo nga yang baboy mo kung di gagawin ko yang pork chop!" Sa sinabi kong yon nagulat ako ng bigla itong tumahimik. Mukhang nakakaintindi ng tagalog yung baboy ah!

"Cassandra." Seryoso ang malalamig nyang mata tumingin sakin. Cassandra nga pala tawag nya sakin. Sya lang ang tanging natawag nun sakin kahit ayoko yung pangalan na yun. Ang baduy kasi! Well, it's my real name though.

"Cassandra may nakita ako sa panaginip ko."

Lumapit ako sa kanya with my almost exciting face. "Don't tell me magiging official model na ko ng Loreal?!"

"Cassandra nakita ko na may darating na delubyo sayo." malungkot nyang sinabi sa akin. "May darating na isang delubyo sa buhay mo." Nakapikit ito habang sinasabi nya at sa kinagulat ko biglang humangin ng malakas. May pagkamangkukulam ba itong si Yvette?

Kahit di ako kunbinsido sa sinabi nya tinanong ko pa rin. "Ano bang delubyo yan?"

"Basta wag kang sasakay ng elevator."

Napakunot na lang ako ng noo. Elevator? Ano naman gagawin sakin ng elevator?

"Halika na Elizabeth. Hanapin na natin ang pamilya mo." Tumayo na sya at naglakad na palayo habang hinahaplos yung ulo ng baboy. What the? Binigyan nya pa ng pangalan yung baboy?!

Looks like ako lang pupunta sa building ng Loreal. Yun kasi ang pinakamalaking model agency na target ko pasukan at aa katunayan may audition ngayon.

Balak ko sana magpasama sa kanya kaya lang mukha busy sya sa bago nyang alaga. Bago ako tumahak sa Loreal tinapos ko muna yung mga design para di na makapengol yun babaji na yon.

Pagkadating ko sa Loreal building sumakay ako sa elevator 17th floor pa kasi yon. Hindi naman kasi ako naniniwala sa sinabi ni Yvette. Weird kasi yon.

Maraming sumasakay kada floor at wala naman nangyayareng hindi maganda hangang sa nagsibabaan na yung mga sakay sa 15th floor. At ako na lang mag isa hangang sa nakarating ako sa 17th floor at nakalabas na wala pa rin.See? Dala lang ng kaweirduhan yan si Yvette

Pumasok na ko sa auditorium. Maraming applicant. Pero dahil ayoko ng pinaghihintay ako kinausap ko yung secretary at sinabi kung sino ako.

"I'm Cassie Santiago." Sabi ko dito ng nakachin up. Mukhang naiinis sakin yung secretary. Paano kasi mukhang kasing ganda lang nya ng kuko ko sa paa. "Anak ni Arnold at Nian Santiago. Next heir to their business." Pinapaypay ko yung sarili ko habang kinakausap sya. Alam ko naman nakatingin na sa'kin yung mga ibang nag o-audition dahil head turner ako. Alam nyo na malakas ang dating ko miski aso mapapalingon sa ganda ko.

"Aww anak daw sya nung sikat na negosyante."

"Ganda nya ang kutis ng balat at nakakaintimidating din yung height nya pang model talaga."

The Red AssassinWhere stories live. Discover now