3

161 1 0
                                    

Chapter 3

Inalalayan ng mga guard sa condo ni Maya si Richard upang maka upo ito sa wheel chair. Si Maya na ang nagtulak ng wheel chair papunta sa unit niya. Noon naka pasok na silang dalawa sa unit nito.

"Nice place....very feminine... "

"Thank you, coffee?

"Yes, please....."

Pinagtimpla ni Maya ng coffee si Richard. "mag relax ka muna diyan, mag-aayos lang ako ng gamit ko."

"No problem, take your time"

After ilan minutes tapos na si Maya at ready na ito umalis. "Halika na, alis na tayo."

"Masarap ka pala mag timpla ng kape. Baka hanap hanapin ko ang timpla ng kape mo pag magaling na ako."

"Hamo ituturo ko sa yo kung paano ako mag timpla ng kape." sinasabi niya ito habang itinutulak ang wheel chair palabas ng unit niya.

Kotse ni Richard ang dala nila. Sa school na lang kasi sila nagpahatid kanina at kinuha ang kotse ni Richard.

Sa backseat pinaupo ni Maya si Richard para maging komportable ito. Di nagtagal nakarating na sila sa condo ni Richard sa may Rockwell sa Makati.

"Dito ka muna, aayusin ko lang ang papaliguan mo, para mapreskuhan ka na rin. Ano pala ang gusto mo dinner?"

"Bahala ka, feel free, ituring mong bahay mo na rin ito. Kung gusto mo puede mo din ako paliguan." naka ngising sabi nito sa kanya....

"Duh?" sabay taas ng kilay dito. Umalis na ito at nagtungo sa banyo. Binuksan nito ang shower at tinimpla ang tubig. Habang ginagawa, panay naman ang bulong ni Maya, bwisit na lalaki iyon, nakuha pang mang-asar. Akala naman niya papayag ako paliguan siya. Duh! Ano siya sinusuwerte no....no...no.... Kung di niya kaya maligo mag isa, huag siya maligo. Amp!

Lumabas na ito ng silid ni Richard kung saan andun ang banyo niyo. "Richard. Ok na iyon pagliligu..... natigilan si Maya sa pagsasalita noon nakita niya nakatulog na pala si Richard sa wheel chair nito.

Nilapitan niya ito para gisingin. Ngunit ganon na lang ang pagka gimbal niya ang init ng katawan nito. Dali-dali siya nag punta sa medicien cabinet nito at kinuha ang thermometer doon, upang tignan ang temperature nito. Noon tumunog ang thermometer, hinintay niya matapos ang tunog saka kinuha sa kilikili nito at ganun na lang ang pagkamagha niya.....

" 38.5 degress..." basa niya sa thermometer na ginamit niya kay Richard. Dali-dali niya tinawagan ang Doctor nito para ipa-alam ang kasalukuyan kalagayan ni Richard....

Napayapa lang si Maya noon sinabi ng Doctor na natural lang daw na lagnatin si Richard dahil sa epekto ng pilay niya. Na hindi niya iyon dapat ipag-alala. Painumin na lang daw niya ito ng paracetamol at pagpahingahin ng mabuti. Nagpasalamat si Maya sa Doctor.

Nag tungo muna siya sa kusina at nagluto ng sopas para mainitan ang sikmura ni Richard bago niya ito bigyan ng gamot.

Noon maluto niya ang sopas. Dali-dali niya ginising si Richard. "Richard, wake up...kailangan mo kumain kahit sopas lang bago ka uminom ng gamot. May lagnat ka. Richard, gising na..." sinampal sampal niya ng mahina ang mukha ni Richard para magising ito.

Naalimungatan si Richard, "Higupin mo muna ito sopas, para maka inom ka ng gamot mo. Then magpalit ka na ng damit mo".

"Can you help me, I feel so weak". Sabi ni Richard kay Maya, pinag masdan muna ni Maya si Richard kung nagsasabi ng totoo o umaarte lang. Pero noon nakita niya para ito nauupos na kandila at siya ang nagpakain dito.

Sinubuan niya ito ng sopas. Pero nakaka ilan subo palang siya ay umayaw na ito.

"Ayaw mo na? Kokonti pa lang ang nakakain mo eh. Sige pa mga limang subo na lang please? " sabi ni Maya.

Coach...I Love YouWhere stories live. Discover now