Last Friday Night

11 1 0
                                        

October 30(FRIDAY 1PM)

May bonding kami ngayon ng mga classmates ko nung grade 6.. So bale ngayon kase 2nd year college na ako. 3pm daw yung usapan at dahil excited na ako maaga akong naligo kasi gusto ko On time kami..

(2:30pm)
Tinext ko yung kaibigan ko kung nasan na sya sabi nya nasa byahe palang daw sya papuntang taguig..

"grabe 3pm na wala parin sya, hindi ko tuloy alam kung sino ang babae saming dalwa, napakabagal" sabi ko sa mama ko

"hayaan mo na nak, mamaya mag a away na naman kayo nyan e, wag mong susungitam yun baka isipin nag a asta kang girlfriend nya"

"sus, lagi naman kaming nag a away nun kundi sya ang nagsimula minsan ako, saka yun iisipin na nag a astang gf nya ako? Imposible .. Bka warfreak na babae pa"

"ay naku, ewan ko sa inyo" natatawa tawa nalang ako but deep inside .. Kinikilig ako pero dahil magaling akong magtago ng feelings syempre hindi nila mahahalata yun.. Crush ko sya .. Magkaklase kami mula grade 3 to 6 tapos nung hs nawalan kami ng communication bumalik lang yun nung 4th yr. Hs ako kasi hinanap ko talaga sya sa facebook hahahaha. Ang gwapo nya

"mama may bisita si ate?"
Pagtatanong ng nakababata kong kapatid sa mama namin

"oo, yung mamanugangin ko"

huwaaaat? hanudaw? mamanugangin? hindi nalang ako kumibo dahil nagwawala ang lamang lupa ko sa sobrang kilig

*tok *tok *tok

"Adaaa?"

omg andyan na syaaaa kyaaah. wooosh teka lang kalma muna

inhale

exhale

woooh

"Teka lang nandyan na"

binuksan ko ang pinto t unti unti itong nagslow motion. oha? ikaw ba naman kase ang makakita ng prinsepe noh sinong di kikiligin?

"Tara na" sabi ko sa kanya habang nagmamadali

"Teka lang! di mo man lang ba ako pag papahingahin at papainumin ng tubig? ang init init kaya tapos napagod pa ako tsk muntik ng mabawasaan ang kapogian ko"

napapoker face nalang ako dahil sa inasta nya kahit kelan talaga napakahangin ng lalaking to

"Oo nga noh? hiyang hiya naman ako sayo sige pasok ka na baka mangitim ka pa kapag nasinagan ng araw yang kutis mong malagatas at porselana baka ako pa ang masisi" sarkastiko kong sagot sa kanya

Last Friday NightOnde histórias criam vida. Descubra agora