Habang kumakain , naramdaman ko naman na may lumalapit sakin kaya nauna ko na itong lingunin " Oi! Kinain mo. Natuwa tuloy ako" sabi ni Gerald habang pinat ang ulo ko. Napasimangot ako at tinaasan siya ng isang kilay



" Wala akong choice noh! Kaya kinain ko na" pagkatapos kong kumain ay tinago ko nalang wrapper sa bag ko dahil wala kaming trashcan



Napasunod naman ako ng tingin sa kanya nung umupo siya sa harapan ko at nakatitig lang sakin " Psh. Oi! May crush ka ba talaga sa Mike na yun? Pwede bang ako nalang? Kasi may pag-asa ka pa" sabi pa niya sabay kindat. Parang ako pa lalake at manligaw man sa kanya kasi may pa-chance pa. Tss. I just rolled my eyes " Whatever"



" Bakit ba ayaw mo sakin? Bukod sa alam kong gwapo ako, eh ano pa?" Tinaasan ko lang siya ng kilay. Wow, ang hangin, gwapo daw. Mukha nga siyang unggoy para sakin eh , di joke



" Yan, mahangin ka . Tapos kala mo kung sino at yang mga biro mo sakin, tss. Paasa" hininaan ko yung last na sinabi ko at umiwas ng tingin. Totoo naman kasi eh



Pagtingin ko sa kanya ay nakakunot ito ng noo pero may ngiti din sa kanya " Anong sinabi mo sa huli?" Feeling ko naman naginit ang mukha ko kaya umiwas ako ng tingin " Sabi ko ang panget mo"



" Hindi yan ang narinig ko eh" sabi nito habang nakangisi. Tss, sana hindi niya narinig. Buset na lalake



" Good morning class" lahat napapasok at nagpunta sa kanilang upuan. Napatingin ako sa kanya saglit dahil nandun siya saking harapan habang nakangisi na naman " Hindi ako paasa. Sadyang manhid ka"



Ramdam ko na nagsalita siya ng mahina tapos umalis na. Narinig ko naman iyong kahit mahina lang ito. Anong manhid? Paasa lang kaya siya, nandadamay pa



Napaayos nalang ako ng upo at nakinig nalang kay prof na nagdidiscuss. Psh



***



Nagdaan ang mga klase namin at oi parin ang tawag niya sakin. Ewan ko kung bakit, tss. Kapag tinatawag niya akong ganun napairap nalang ako. Ang kukit kasi eh at may paturo pa kaya naman napatingin talaga ang mga tao sakin. Nakakainis siya at may kasama pang banat niya na nagpapapahiwatig na gusto niya ako pero hindi ako nanininiwala kasi hindi naman talaga siya katiwa-tiwala



Ngayon naghahanda na ako para umalis, inayos ko na ang bag ko at handa nang umalis. Lumabas na ako ng classroom habang nag-iisio kung siya nalang kaya crush ko kasi baka crush niya rin ako diba? Ang hirap kaya mag-expect



" Oi!" Napalingon ako sa tumawag sakin at yung Gerald na yun ay tumakbo pa palapit sakin. Habang tumatakbo siya hindi ko maiwasan maisip na crush ko siya atsaka kinikilig ako sa mga sinasabi niya pero mahirap talaga magexpect. Sana crush niya rin ako. Ayan na naman ang oi niya. Bat ba niya ako tinatawag na oi instead of jean diba?



Ngayon ang lakas na ng tibok ng puso ko. Pano kapag umamin ako? Wag nalang " Oh? Bat napatawag ka?"



" Oi! Hindi ka ba talaga naniniwala sa mga sinasabi ko? Totoo lahat ng yun oi! Wag ka nga manhid. Mahal na mahal kita oi noon pa kaya please naman.. maniwala ka oi" nagulat ako sa sinabi niya at hindi makapagsalita. Nanatili akong nakatayi at gulat habang dinig ja dinig ang tibok ng puso ko



" Oi! Sumagot ka naman" niyuyugyog niya ako pero ako nanatiling nga-nga at hindi makapaniwala. Talaga? Ohemjeee kinikilig na ako!



" Oi, hindi ka man sumagot okay lang atleast sinabi ko na. Okay lang din kung ayaw mo sakin o iba crush mo kasi tatanggapin ko. Maghihintay ako" napayuko siya ngayon kaya nalungkot ako. Pero pesteng bibig ko, ayaw magsalita " Basta oi, mahal kita. Mag-ingat ka dahil papakasalan pa kita" sabi nito habang hinalikan ang noo ko. Ang sqeet diba kaya napapikit ako at kinilig



Ngayon tumalikod na siya at bumalik sa classroom pero bago pa siya makapasok ay tinawag ko na " Oi! Mahal din kita ha! Papayagan kita manligaw basta humingi ka ng permiso sa magulang ko ha. Oi! Babye!" Tumalikod na ako habang kinikilig tapos naghintay ako kung anong reply niya. Yiee, dream come true na this! Akala ko oi-zoned lang ako



" Oi! Mas mahal kita at oo gahawin ko yan. Bye!" Kahit hindi ko nakita mukha niya alam kong masaya siya at masaya rin ako. And that's how we end our story, my story. Kayo na bahala sa kung anong susunod basta mahal namin ang isat isa

-End-


A/N: Dedicated kay ate na dinagdag ang stories ko sa kanyang reading list. yey! Vote and leave a commemt. I hope you like it. Mwah! Hehehe



















Oneshot: Oi-zonedWhere stories live. Discover now