"Gaaaaaame!! Shot shot!"
Hindi ako pinansin ni Sierra at patuloy pang nag aya ng shot. Lasing na talaga ang loko, ni hindi na makaupo ng maayos. Kaya binuhat ko na siya ng sapilitan at pinasok na ito sa loob. Dinerecho ko na agad siya sa kwarto.
*Eksena sa labas*
"Hala siya oh. Kumikinang kinang na mata mo ah" sabi ni Janis kay Loree
"Hindeee. Kasi ano eh" lalong lumaki ngiti ni Loree
"Parang kanina lang litong lito ka sa buhay mo"
"Wala lang. Masaya lang ako. Ang sweet niya no?"
"Oo nga eh. Parang gusto ko tuloy ng kuya. Walang sabe sabe bigla siyang umalis sa yakap mo para alalayan si Sierra"
"H-Ha? Hindi naman kame magkaakap ah"
"Oo, kasi ikaw yung nakaakap. Malandutay ka. Kala mo hindi ko kayo nakikita? Bwahaha!"
"Leche! Wag ka epal. Dun ka na nga kay Nash!"
Pinatulog ko na si Sierra at bumaba na ako. Para siyang lantang gulaw na nakabukaka pang nakahiga nung nilapag ko. Bumaba na ako at nag hilamos, kumuha narin ako ng onting chocolate pang himagas para tapusin na itong gabi.
Naabutan kong naghaharutan sila Loree at Janis pag labas ko, tumabi na muna ako kay nila Nash. Inuubos nalang namin ang natitirang mga bote at magliligpit narin. Nauna ng niligpit ni Koni ang videoke at paunti unti narin naming tinatabi ang aming mga kalat.
"Koni, matulog ka na" utos ni Nash
"Malaki na ako, alalahanin mo sarili mo!"
"Bwahahaha! Panis!" tawanan sila ang mga tropa
"Aba loko to ah! Nasa rebellious age ka na ah!"
Napangisi nalang si Nash habang nagtatawanan ang mga tropa, nakapagligpit na ang lahat at nakapag CR narin ang mga babae.
Isang mahabang kalye lang ang mga barrio dito, hindi sila nagkakalayo sa isa't isa. Parang LRT-1 ba, na bawat stasyon ay tinatawag dito na Porok na bumibilang hanggang 1 to 7. Tiga Porok 2 sila Nash at Janis, Porok 3 at 4 naman sila Owen, Boni, at Loree. Nasa pang 4 pa si Loree, para kaming naglakad nito mula Vito Cruz station hanggang Quirino station.
Nauna ng lumiko sila Nash sa may kabilang kanto lang, hinatid si Janis pauwi. Habang magkakasabay kami nila Owen at Boni na paderecho pa. Sakto lang amats nila, nagtatawanan parin sila. Samantalang ako eh binubuhay nalang ng dugo kong nagliliyab sa piling ni Loree na nakagapos ang mga braso sa braso ko.
Di nagtagal, nauna ng lumiko sila Owen at Boni sa Porok 3. Aalukin pa sana kami ni Boni na samahan hanggang Porok 4, pero pinigilan ito ni Owen at siya na ang nagpaalam samin habang naka thumbs up. Sumaludo ako kay Owen, alam na alam niya ang pagiging wingman.
Nakakaramdam na ko ng hilo, buti nalang magkadikit lang halos ang Porok 3 at 4. Mejo madilim dilim pa ang paligid, onti palang ang poste ng ilaw dito sa barrio. Halos mag 3AM palang kaya wala pa masyadong tao sa paligid. Buti nalang talaga lalake ako, kung di nanigas na ako sa lamig dito. Ang init ng daloy ng dugo ko sa kapit ni Loree.
"Alam mo, naingget ako kanina" sabi ni Loree
"Saan naman?"
"Pag may nanyari din ba sakin, hindi ka magdadalawang isip na sagipin ako?"
Napangisi ako at bahagya kong tinapik ang paa niya, napadulas siya at agad agad ko siyang sinalo. Para kaming sumayaw ng ballroom sa itsura namin, at magkadikit na halos ang mga muka namin
YOU ARE READING
Red String Theory
RomanceThis story follows Tear Egan and the band's backstage shenanigans turned soul searching. Through joy and misery, loyalty and betrayal, fate and destiny, whether or not its the right time and place. The epitome of our existence, woven and clad eterna...
Chapter 5
Start from the beginning
