[Abby's POV]
And this day ends. Hahaha, makauwi na nga.
"Hey Abby, sabay na tayo" sabi ni Janna sa akin
"Ah, hehehe. Sige una ka na. May dadaanan pa kasi ako eh"
"Ganun ba *pout* oh, sige una na ako. Bye" saka siya umalis.
Ako naman palabas na ako sa campus namin ng...
"Hoy Morales!" sigaw ng isang mokong. Hahaha, kilala ko na kung sino siya kaya nilingon ko siya
"Ano na naman ang kailangan mo ANDERSON!" sigaw ko rin sa kanya
"Halika dito, may iuutos ako sayo"
Aba kung makapag-utos, ano ako? Katulong niya?
"Hoy, hindi mo ako KATULONG!!!" sigaw ko sa kanya
"Halika na kasi dito. Daming satsat"
"Ikaw ang may kailangan kaya ikaw ang lumapit" sabi ko habang nakapamewang ako
Hindi na siya nagsalita pero naglakad siya papalapit sa akin. Malapit na siya, malapit na, malapit na..
Okay, masyado na siyang malapit kaya umurong ako,
Lapit, Urong
Lapit, Urong
Lapit, Urong
Ng maramdaman kong nakasandal na ako sa kaya tinignan ko siya and mga 2 inches lang ang layo niya sa akin. I can feel his breath.
"Doon ka nga!!" sabi ko sa kanya
"Di ba sabi mo lumapit ako sayo"
"W-wala naman akong sinabing ganito kalapit ha!" sigaw ko sa kanya saka ko siya tinulak palayo
"Hahaha. Whatever" saka siya ng smirk
"Ano bang kailangan mo! Sabihin mo na kung ano man yun kasi may trabaho pa ako. I'm busy you know!" saka ko siya inirapan
"Suplada" bulong niya
"Ano sabi mo?"
"W-wala. Ang sabi ko ang pangit mo"
"Hoy lalaki! Kung pumunta ka dito para manginsulto. Hahaha, sorry, but I don't have enough time to play with you!" sigaw ko sa kanya
Lalapitan sana niya ako ng.....
"Hey bro, nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap. And, Hi Abby" sabay smile sa akin.
Oo, ako na ang kinilig. Si Vince kasi kung maka smile eh. ^__________^
"Ah, hehehe. H-hello Vince"
"May sasabihin ka ba?" tanong ni Kieth kay Vince
"Wala naman. Hinahanap ka kasi ng tropa eh"
"Ganun ba. Sige, susunod na lang ako" sabi niya saka niya ako tinignan. Syempre tinignan ko naman siya
O__O
"Bakit namumula ka? M-may sakit ka ba?" tanong niya sa akin
"A-ah, w-wala ito" sabay tingin kay Vince na naka smile sa akin. Ghad, matutunaw na yata ako dito. Si Kieth naman tinignan niya si Vince saka tinignan niya ako saka tingin ulit kay Vince sabay tingin ulit sa akin
