COMATOSE HEART (oneshot)

116 2 5
                                    

xxxCOMATOSE HEARTxxx

(ONESHOT)

Maraming tao sa mundo ang nagugutom, at maswerte ako dahil hindi ako isa sa mga taong yun.

Maraming tao ang walang bahay na masisilungan, at maswerte ako dahil hindi ako isa sa mga taong yun.

Maraming bata ang walang mga magulang at kung meron man inaabuso naman sila ng mga ito, maswerte ako at hindi ako isa sa mga batang yun.

Maraming mahihirap na estudyante ang hindi nakakapag-aral kahit na may angking talino pa sila, at maswerte ako dahil hindi ako isa sa mga kawawang estudyante na yun.

Maraming tao ang hindi ipinanganak ng may normal na anyo, at napaka-swerte ko para ipanganak ng may normal na anyo.

Pero bakit ganun? noon aminado ako na napaka swerte ko at binigyan ako ng magandang buhay ng Diyos pero bakit ngayon ko lang nalaman na hindi pala ako ganun kaswerte tulad ng ibang nasa paligid ko.

Minsan nga natanong ko ang Diyos kung bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko? kung bakit yung taong mahal ko hindi nakikita ang kagandahan ko?

Isang beses hiniling ko sa Diyos....

"Sana po Papa Jesus kunin nyo nalang po lahat basta lang maging maganda ako sa paningin ng lahat ng taong nabubuhay dito sa mundo at lalung lalo na po sa mga mata ng lalakeng minamahal ko".

Alam kong mali ang ginawa ko.

Pero masisisi nyo ba ako?

kung ang tanging gusto ko lang ay mapansin at mahalin ng taong simula't sapul palang ay minahal ko na ng totoo.

Tanga na kung tanga.

Baliw na kung baliw.

Martir na kung martir.

Sabihan nyo ng lahat, hindi ko yun iindain basta't sya lang ay maging sakin.

[MAY-AKDA: MissVeronica/IAMG4N]

May 29, 2013

-CDA-

#Danielane

[MAY-AKDA: pronounced as 'Dan/yel/leyn']

"HAHAHAH oo nga eh ang ganda ganda nya tapos ang sweet sweet pa nya, grabeh talaga hindi pa rin ako makapaniwalang KAMI na, parang panaginip talaga yung pagsagot nya sakin"

Nakatitig lang ako sa kanya na animo'y nakikinig pero yung totoo hindi.

Sya si Sedie Lou Jung, half korean halata naman siguro sa last name nya.

Mom nya at mom ko magbff at the same time ninang ko ang mom nya.

Sabay kaming lumaki ni Sedie yun nga lang nauna syang ipinanganak sakin ng apat na buwan lang naman.

Nasa forth year high school na kami, same school, same section, same teachers, same classmates but we don't feel the same....the feeling is not mutual between us.

Gusto ko sya, noon pa...gustong kalaro, gustong kaaway, gustong kaklase, gustong kasama magsimba....basta GUSTO KO SYA.

Pero nung nasa second year high school na kami yung pagka-gusto ko sakanya napalitan ng.....

MAHAL KO NA SYA.

Mahal ko sya kahit di sya nasali sa mga sports dahil lampa sya.

Mahal ko sya kahit napaka-ingay nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 12, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

COMATOSE HEART (oneshot)Where stories live. Discover now