“I’m not going home unless you answer all my questions,” pag-mamatigas niya.

“Do you really want to know?”

Lumapit siya sa akin at saka tumango bilang sagot.

Dapat ko na bang sabihin sa kanya kung sino talaga ako sa buhay niya? What is her possible response if I ever did?

“Just… just promise me one thing.” Hindi siya umimik at sa halip ay hinintay na lang akong mag-patuloy. “Hindi mo ako lalayuan after knowing who I really am in your life.”

Hindi siya sumagot. Ni-hindi din siya gumalaw at tila napako na ang tingin niya sa akin at ang mga paa niya sa sahig.

I knew it. She couldn’t promise me that. She actually wouldn’t assure me of that thing beforehand.

“Fine,” I finally said not even thinking of what I should say next. “Ako ang dahilan ng pagka-wala ng mga alaala mo.”

Tears started welling on her cheeks but she didn’t say a word neither did she move her hands to wipe away her tears. She stood there, staring at me blankly. Pupunasan ko na sana ang mga luha niya ngunit bigla na lang siyang tumakbo paalis.

And that was it. That was the last thing I wanted to happen – Aaliyah running away from me. Again.

END OF FLASHBACK

Papunta na ako sa unang klase ko nang bigla kong makasalubong si Nica sa may hagdan. Tumango lang ako sa kanya bilang pagbati. Magpapatuloy na sana ako sa pag-akyat nang bigla niyang hawakan ang braso ko.

“Bakit?”

“Nakalimutan mo na ata si Nelle.”

My body went stiff when I heard Nelle’s name. Tiningnan ko lang si Nica at hinintay na muli siyang mag-salita.

Bigla siyang may kinuha mula sa dala niyang paper bag. Inilahad niya iyon sa harap ko. Tinitigan kong mabuti ang nalantang bouquet ng sunflower sa kamay niya.

“Can you still remember when was the last time you brought this bouquet to her?”

Hindi ko napigilan ang pag-kunot ng noo ko. That was the last bouquet of sunflower I brought to Nelle. Ni-hindi ko na rin matandaan kung kailan iyon. All I know was it had been months ago.

“Obviously, hindi mo matandaan.” Her left brow rose. Nagmamaldita na naman siya. Tss. “Hindi mo matandaan kasi you’re too busy with your business with that Ali.”

Parang biglang nag-panting ang magkabilang tainga ko nang marinig kong sabihin niya ang pangalan ni Aaliyah na animo’y kilalang-kilala niya ito.

“Nakalimutan mo nang dalawin si Nelle simula nang makilala mo ‘yong babae na ‘yon. Don’t tell me gusto mo na siya? Gano’n na lang ba kadali para sa’yo ang kalimutan at palitan si Nelle?”

Nawala na nga sa isip ko ang pag-dalawa ko kay Nelle. Pero hindi naman ibig sabihin noon ay nakalimutan ko na rin siya. I will never forget Nelle. I would never want to. Pero aminado akong hindi ko na siya naiisip sa loob ng ilang buwan.

“You don’t know what you’re saying.”

“Palagi mong dinadalaw at dinadalhan si Nelle ng bouquet noon. Noong hindi mo pa nakikilala si Ali. Kaya huwag mong sasabihin sa akin na hindi ko alam ang sinasabi ko.”

“Ano ba talagang gusto mong sabihin sa’kin?” iritang tanong ko. “May exams pa ako. Huwag mong sayangin ang oras ko.”

“So you’re telling me Nelle is now just a waste of your time!?”

Chasing Love (Sequel to Hopeless Love)Where stories live. Discover now