/One Click, Another Target/
-------×××
Eunice POV
"Teka lang mahal ko wag mo ko iwan" sabi nang babae dun sa lalake at hinahabol ito.
"Pwede ba Danica! Pakawalan mo na ako. Hindi na ako masaya. Ayoko na!" sabi naman ng lalake at mas binilisan pa ang paglalakad.
Sa kalagitnaan ng kanilang pag aaway ang kanilang anak ay nakatago sa ilalim ng mesa at pilit tinatakpan ang tenga, umiiyak na rin ito dahil sa pag sisigawan ng magulang niya.
"Pano ang anak natin? " tanong ng babae at umiyak na. Humarap naman yung lalake.
"Gagampanan ko pa rin ang pagiging ama ko sa kanya pero hanggang dun lang yun at hindi na lalagpas pa." sabi neto sa asawa.
"Sa anak lang talaga natin? So pano ako?" tanong na pasigaw ng asawa niya. Umiling ang lalake at tumalikod.
"Im sorry." sabi neto at nagsimulang lumakad. Hinabol na naman siya ng asawa niya at sinampal.
"Bakit ha? Kase mas masaya ka dun sa kabit mo? Dahil mag kakaanak na kayo? Ha? Ganon ba? Please Renato nagmamakaawa ako, wag mo kami iwan." sabi ng babae at lumuhod sa harapan ng asawa niya.
"Danica tumayo ka diyan." sabi ng lalake sa asawa niya.
"Renato wag mo kami iwan nagmamakaawa ako." sabi parin ng babae at patuloy umiiyak sa binti ng asawa.
"Masaya ako kay Elmie, Danica. Nabibigay niya lahat ng kailangan ko at isa pa mabibigyan niya ako ng madaming anak." sabi ng lalake at pilit parin tinatanggal ang pagkakahawak ng asawa niya sa binti niya. Bigla na naman nag iba ang aura ng babae.
"Baket? Kasalanan ko ba na hindi na ako pwede mag magbuntis? Renato, andyan na Danna hindi pa rin ba sapat sayo ang anak natin?" sigaw neto sa asawa. At dahil hindi na nga nakakapit sa kanya ang asawa tumakbo na ito palabas. Napuno naman ng galit ang babae.
"Renatoooooooo!!!!!" sigaw ng babae na may halo halong emosyon. Samantala ang anak naman nila ay patuloy padin naiyak sa ilalim ng mesa. Rinig na rinig neto lahat ng usapan ng kaniyang magulang. Takot na takot ito sa nangyayari.
"Mam Eunice!!!!! Mam!! Mam!!!!" nagising ako sa rinig kong sigaw mula sa ibaba. Pinunasan ko ang luha ko dahil sa napaginipan ko.
"Mam!!!! Gumising ho kayo!!!!!! Mam!!" rinig ko ulit na sigaw agad agad akong bumaba at nakita ko si Yaya Linda na puno ng dugo ang damit niya. Lumapit ako sa kanya.
"A-Anong Na-Nang-yare?" utal utal ko pagkakasabi. Nakaharap ngayon sakin si Yaya na balisang balisa at may dugong ang muka niya naiyak na rin ito. Ayokong siya yakapin o hawakan dahil natatakot ako. Unti unti niya itinaas ang kanang kamay niya at may itinuturo. Sinundan ko ng tingin ang kamay na yun at napabilog ang mata ko sa nakikita ko.
Unti unti akong lumapit sa kinaroroonan neto kahit pa na nanginginig ako. "Ya-ya Su-sa-an." maluha luha kong pag kaka sabi at inakap ito. Sa pagkakataong ito hindi na ako nag alangan pa na yakapin ang yaya ko. Habang naiiyak ako at yakap yakap ko si yaya tumingin ako kay yaya Linda.
"An-nong Na-ngyare?" sabi ko dito at humagulgul na sa katawan ni Yaya Susan.
------------×××
