Unang Pasilip

613 60 30
                                    

"Mommy!!!" tawag ng isang batang lalaki na nasa edad anim na taong gulang sa isang babae na masasabing nasa edad 24.

"Saglit lang baby, baka madapa ka nyan. Hintayin mo ako." sabi ng babae sa bata na abala sa

pagtakbo habang nasa mall sila.

"Mommy come on, let's buy this for daddy..." sabi ng batang lalaki sa babae habang nakaturo ito sa isang t-shirt na nakasabit sa isang branded store sa mall.

"Why baby, bagay ba yan kay daddy?" tanong ng babae sa bata.

"Yes mommy, daddy will look pogi on that shirt. And we can buy the small one for me. Para

pareho kami ni daddy." sagot sa kanya ng matatas na bata. Bata palang kasi ito ay nahasa na

ito sa pagsasalita ng tagalog at ingles para hindi ito mahirapan pag laki niya.

"Okay baby, we will buy this and the small shirt, so you and daddy would have the same shirt.

Tatawag lang ako ng sales lady to assist us. Okay?" sabi ng babae sa batang lalaki. At binigyan naman siya nito ng isang tango bilang sagot at ngumiti ito.

"Ahm, excuse me miss, can we have medium size of this shirt and a small size for this

handsome little boy." she said to the sales lady and pinch the boy's cheeks. Nakakagigil kasi ang matambok na pisngi nito.

"Ah, wait lang po mam ha, I'll just check if there are new stocks." Sagot naman sa kanya ng sales lady at umalis na ito para kunin ang inorder na size ng babae.

"Baby, where do you want to go after this?" tanong ng babae sa batang lalaki.

Sandaling nag-isip ang batang lalaki at nang makaisip ito ay bigla itong ngumiti sa babae.

"Let's go eat, mommy and buy something for daddy too." Maligalig na sagot ng bata sa babae.

"Okay baby, if that's what you want. We will buy food for daddy too." Nakangiting sagot ng babae sa bata.

Ilang sandali pa ay dumating na ang mga t-shirts na inorder nila. Binayaran na niya ito at sila'y nagtungo na sa isang fast food chain.

Masayang kumakain ang batang lalaki habang pinagmamasdan naman ito ng babae. Masaya siyang kasama nito ang bata dahil sa paglipas ng panahon, nasanay nadin siya sa pagdating ng batang ito sa buhay niya. Hindi siya naman siya nahirapan dahil mabait naman ang bata at hindi mahirap alagaan. Sa halip ay natutuwa pa ito dito dahil napakatalinong bata. Hindi siya kagaya ng ibang bata...alam niya na espesyal si Mark Angelo.

"Hey Mommy! Why are you crying?" tanong sa kanya ng batang lalaki. Nagulat naman siya kaya bigla siyang napapunas sa kanyang mata at pisngi. At tama nga ang bata. Umiiyak nga siya.

"Wala baby, masaya lang si mommy kasi kasama kita." Sagot ng babae sa bata.

"Are you sure you're okay mommy?" tanong ng bata na may bahid ng pag-aalala sa tono ng boses nito at makikita sa kanyang mukha.

"Yes baby, Mommy's fine. I'm just happy. I'm sorry if you saw me crying." Sagot niya habang pilit inaayos ang sarili para hindi na mag-alala ang bata.

"If you're happy then why are you crying?" tanong muli ng bata.

"This is what you called tears of joy baby." paliwanag niya sa bata. Wala naman sinabi pa ang bata at tumango tango nalang ito at ngumiti sa babae.

"Are you done eating?" tanong niya sa bata.

"Yes mommy, I'm done na po. Let's go and see daddy na po!" maligalig na sabi ng batang lalaki. At bigla nalang itong nagtatakbo nanaman.

"Wait up baby! Wag kang tumakbo kakain mo lang!" sigaw ng babae sa batang hindi naman kalayuan sa kanya.

"Come on Mommy! Hurry up! Daddy's waiting!" sigaw sa kanya pabalik ng bata nang bigla itong mabunggo sa isang lalaki at mapaupo sa sahig.

Nag-aalalang binilisan ng babae ang kanyang paglalakad para mapuntahan ang bata. "Baby, are you okay? Sabi ko naman kasi sayo wag kang tumakbo eh, tignan mo tuloy ang nangyari sayo. May masakit ba sayo?" tanong niya sa batang lalaki ng malapit siya dito.

"I'm okay mommy." Sabi ng batang lalaki at tinulungan naman siyang tumayo ng lalaking nabunggo niya.

"I'm so sorry, hindi ko siya napansin. Dalin natin siya sa clinic dito para macheck kung may masakit ba sa kanya." Alok ng lalaki sa babae.

"Mommy I'm okay lang po. Let's go and see daddy na." Sabi ng bata sa babae. Tumingin naman siya sa lalaki at sinabing "I'm okay mister, you don't have to worry. Sorry po kung nabunggo po kita."

"Miss, I'm sorry talaga. Hindi ko siya napansin at kung gusto mo dal-" naputol ang pagsasalita ng lalaki ng makita niya kung sino ang babaeng nasa harap niya.

"Hindi na okay lang daw naman siya. Ako na ang bahala sa kanya. Let's go baby, puntahan na natin si dad-" natigil din ang babae sa pagsasalita ng makita na niya ang lalaking nabunggo ng batang lalaki.

"Michy?"

"Macky?"

Sabay na sabi ng dalawa. Hindi makapaniwala sa kanilang pagtatagpo.


Ito na nga ba ang tamang oras na magkita sila?


***10 votes para sa susunod na yugto :)

Pero ung inaantay ko kasi ung tamang oras para magawa ko ang next chap e.

In Time [Part 2 ng Pag-ibig sa Papel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon