5: Sa iisang bubong

3.7K 22 0
                                    

Chapter five: Sa iisang bubong.

(Fatima's POV)

One week na ang nakakalipas simula ng kunin namin si BEA.

Nandito kami ngayon sa sala ng bahay ko at busy sa panunuod ng Spongebob.

'uhmm.. mommy bakit 2 days ng wala si daddy dito?' tanong nito bigla.

Natahimik ako bigla. Hindi ko din kasi sigurado kung bakit nawalang bigla si Josh.

Nung huling naka-usap nya ito may importanteng show daw sya. Alam kong sikat na violinist

ang mokong, at free lance model. Nung tinawagan ko si Jerjens nalaman kong may pictorial

ito kasama si jerjens.

'Uhmm kasi baby nasa work sya.'

'Miss ko na po sya, ikaw ba miss mo na sya?'

natigilan ako, hmm.. medyo nakakamiss nga ang mokong.

'Oo naman namiss ko din sya, ikaw talaga.'

'ano pong work ni daddy?' tanong nito.

'Ahh.. musician sya tapos model pa.' kwento ko.

'Talaga? wow! sabagay pogi kasi ang daddy ko.' proud na sabi nito.

'Oo naman pogi yun, may topak lang.' biro ko.

'I heard that.' biglang sabi ng kung sino mula sa likod.

'Daddy?!!!' sabi ni Bea sabay talon dito. Ako naman ay biglang napatayo.

'Wow! na-miss ako ng anak ko ah..' masayang bati nito.

hayy.. mukang bagay nga talaga silang mag-ama.. ang sweet nilang tignan.

'Yup! si mommy nga din na-miss ka eh!.' biglang sabi ng bata.

Biglang tumingin sakin si Josh, tila nang-aasar ang ngiti nito.

'Weh? parang hindi naman.' biro ni josh na sakin nakatingin.

'OO nga diba mommy sabihin mo na?!' pangungulit ni Bea.

napakamot ako sa ulo. Sige, sakyan na lang ang bata.

'Yup, namiss din kita.' sabi ko sa mahinang tinig.

lumapad yung ngiti ni Josh.

'Pagod ang daddy mo anak, baba ka muna mabigat ka kaya.' sabi ko.

'Pagod ang daddy ko?' tanong dito ni Bea.

'Yeah, i'm from pictorials eh.' kwento nito.

'Ok, i'll kiss you na lang po para mawala pagod mo.' kiniss ni Bea si Josh.

'Wow ang sweet naman!' sabi pa ni josh. Napangiti ako sa dalawa.

'Mommy ikaw?' biglang baling sakin ni bea.

'Ha? anong ako?' nagtataka kami ni josh.

'Why don't you kiss him mommy? kiss mo si daddy para mawala pagod nya.'

NAPANGA-NGA TALAGA KAMI NI JOSH.

SUSMARYOSEP NA BATA ITO???

'Bakit? magkagalit ba kayo?' malungkot na sabi ni Bea.

'ahh! no!' sabay naming sigaw ni josh. Namumuo na ang luha ng bata.

'EHH bakit ayaw mo sya i-kiss mommy?' nakahikbing sabi ng bata.

nakagat ko ang labi ko, hayy.. pagbigyan mo na, ikaw may kasalanan nyan fatima

ikaw ang may pakanang bf mo at nag live-in na kayo ni josh. geez!

Nang nagbahay bahayan sina FATIMAWhere stories live. Discover now