Narinig kong muli ang pagpapakawala niya ng hangin na tila hirap na hirap siyang magkwento. "Four years ago namatay si Marianne. Pinatay siya. At hanggang ngayon ay hindi ko masigruo kung pinatay o napatay lang." nanlaki ang mata ko sa gulat.

Ano? Bakit? Hindi ba ito inimbestigahan ng mabuti? Anong kaso ang isinampa sa gumawa nito sa kanya kung ganoon? Walang lumabas na salita sa bibig ko kahit napakarami kong tanong.

"Bata pa lang si Marianne nasaksihan niya na kung paano palging mag-away ang mga magulang niya, hanggang sa mapagdesisyunan ng magulang niya ang maghiwalay. Pinilit siyang sumama sa mama niya, dahil sabi nito na mas maaalagaan siya nito ng husto. Pero ilang buwan o taon palang ang lumipas nang maghiwalay ang magulang niya ay nakahanap na ng lalaki ang kanyang mama at itinaboy siya nito." sunod sunod ang kwento ni Kuya Rex. Sumibol ang awa ko para sa babaeng iyon na Marianne pala ang pangalan.

"At ang papa niya?"

"Hinanap niya ang papa niya, natuwa siya nang makita itong muli, parang nabuong muli ang mundo niya, nagkaroon ng pag-asa sa kanyang puso. Sa pag-asang magsasama na sila ng papa niya, lalo na at sinabing pag-aaralin at susustentuhan siya ngunit sa isang kondisyon. Ang kondisyon na muling nagpaguho sa mundo niya." tumigil siya at tumingin sakin.

"Anong kondisyon?" nananabik ako sa susunod na sasabihin niya kahit na may kaunting kaba akong nararamdaman. Naiinis ako dahil bakit ba kailangan niya pang putulin ang pagkwento?

"Na huwag siyang lalapit at magpapakita sa pamilya nito. Masakit man pero tinanggap pa rin iyon ni Marianne, umasa siyang tatanggapin at titira siya kasama na ang kahit isa sa mga magulang niya. Pero ang mga magulang na kinagisnan niya ay siyang tumataboy sa kanya. Inilayo siya nito at pinatira sa boarding house na tinutuluyan mo ngayon. Pinag-aral siya at binibigyan ng allowance ngunit kahit na ganoon ay hindi maramdaman ni Marianne ang pagmamahal nito. Dahil sa tingin niya ay ginagawa lang iyon ng tatay niya dahil anak lang siya. Anak sa pagkakamali. Anak na kunsensya ng ama kung hindi niya pakakainin."

Ngayon ay parang puro awa nalang ang nararamdaman ko.Parang nalimutan ko na lahat ng ginawa niya nitong araw. Para bang kakaunting galit nalang ang nasa puso ko dahil tinabunan na ito ng awa para sa kanya.

"Hanggang sa dumating ang araw na sobrang laki ng pangangailangan ni Marianne, hindi niya ugaling manghingi sa tatay niya dahil nahihiya siya rito.  Kinailangan niyang magbayad para sa renta ng bahay at tuition niya rin sa school. Sorbrang gipit na niya ay pumunta siya sa bahay ng papa niya.Ilang buwan na kasing hindi nagpaparamdam sa kanya ang tatay niya at hindi nito natutustusan ang pangangailangan. Pagdating niya sa bahay ng pamilya ng papa niya ay nakita ito ng panganay nilang anak na babae. Galit na galit ang papa niya nang malaman 'yon. Sinugod siya ng tatay niya sa boarding house nang araw ding iyon, ang paalam ng papa niya sa may-ari ng bahay ay kakausapin lang, ngunit nang lumipas ang ilang araw at napansin ng mga nakatira sa bahay na para bang tahimik ang kwarto ni Marianne at di ito lumalabas, hindi na rin namin siya nacontact at di pumapasok, sinubukan nila itong katukin at doon lamang nila nalaman na wala na itong buhay sa loob ng kwarto niyang iyon. Nalaman nilang ang papa niya ang pumatay sa kanya."

Gusto kong magmura sa mga naririnig ko, ni hindi ko magawang magsalita dahil baka kung ano lang ang masabi ko. Gulat na gulat ako nang malamang sarili niyang ama ang pumatay sa kanya. Hindi ko masikmura ang ginawa sa kanya ng sarili niyang pamilya, lalong lalo na ng sariling niyang ama. Paano nila iyon nagagawa ay hindi ko alam. Masyado silang masama para gawin iyon sa kanya.

Ngayon ko lang naisip, kaya siguro ganoon nalang rin ang galit niya at kagustong maghiganti sa mga gumawa nito sa kanyan. Pero... anong kinalaman ng pamilya ng tatay niya at bakit sila ang binabalikan? At ano ang kinalaman ko bakit ako ang ginugulo? Imposibleng si papa iyon, at si kuya ang panganay. Imposible, pero natatakot akong baka may alam siya rito.

"T-teka, anong nangyari sa papa niya? At k-kilala mo ba ang pamilyang iyon ng papa niya?"

"Nakulong ang papa niya, pero nabalitaang namatay rin agad ito sa kulungan. Hindi ko na nalaman kung anong kinamatay." sagot niya.

"Yung p-pamilya ng papa niya? Kilala mo ba? Sino?" napakabilis na ng kabog sa dibdib ko. Natatakot akong marinig pero gusto kong malaman.

Tumingin siya sa gilid ko na tila malayo ang iniisip. Inaalala kung sino nga ba iyong pamilyang iyon.

"Ang pagkakatanda ko ang apelyido nila ay---" naputol ang pagsasalita niya nang tumunog ang cellphone sa bulsa ko.

Kinuha ko iyon at nakita ang pangalan ni Tita Tracy na nagflash sa screen. Tumingin na muna ako kay Kuya Rex, tumango siya saka ko sinagot ang tawag.

Bakit kaya siya napatawag bigla?

"Hello, tita---"

"Candace, si Ate Trance mo dinala sa ospital!" narinig ko ang pagiyak at pagkataranta sa boses ni Tita Tracy.

"P-po?!" gulat na gulat kong sabi. Napatingin ako kay Kuya Rex at nakita ko ang nagtataka niyang tingin. "S-saang ospital?"

Sinabi sa akin ni tita ang ospital na pinagdalhan kay ate Trance. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko ay emergency, sa boses pa lang ni tita ay kinakabahan na ako. Binaba ko ang cellphone at humarap kay Kuya Rex.

"Kuya Rex, maraming salamat. Thank you dahil sinabi mo sa akin ang lahat ng ito pero kailangan ko nang umalis." sinserong sabi ko. "Marami pa akong gustong malaman, but I really have to go. Please, tell me everything you know some other time." pakiusap ko pa.

Tumango naman siya at ngumiti. Nagpalaam akong muli bago nagmamadaling tumayo, nag iwan na rin ako ng pera para sa inorder at saka umalis sa lugar na iyon para pumunta sa ospital kung nasan si Ate Trance at Tita Tracy.

What happened to Ate Trance?



--

HAPPY HALLOWEEN PO! :) ♥

RoommateWhere stories live. Discover now