Maghapon akong di lumalabas sa kwarto, wala akong magawa kung hindi ang umiyak lang ng umiyak, di ko macontact si RD. Bakit ba nya ako iniwan??? Bakit di man lang siya nagpaalam? Pwede naman niyang sabihing "Kim, hindi na kita mahal , break na tayo" oh di ba kung ganun, at least may idea ako. Pero bakit ganun??
No Breakfast, No Lunch, No Dinner...
Ang sakit naman oh. Ganito pala ang magmahal eh. Kakambal na ba talaga ni Love si Pain??
Ang pakiramdam ko, sobrang di ko na ma explain. Kahit saan ako tumingin, nakikita ko si RD., laging nagpa flashback sa akin ang mga masasayang memories naming dalwa. Para na akong baliw, tatawa tapos biglang iiyak.
"Dear eyes, tama na!! please.. Mapagod naman kayo. Wala na akong tubig sa katawan. Tama na, wag na kayong umiyak."
Araw-araw akong binibisita nina April, Hiroshi, Popoy at Sophia. Pero kahit anong gawin nila, si RD pa rin ang nasa isip ko. Si RD lang ang gusto kong makita at maka-usap.
"Basha?"
Di ko pinapansin si Popoy, para saan pa?? wala ding mangyayari, wala. Gusto ko lang umiyak at magkulong sa kwarto hanggang makita ko si RD. Si RD lang.
"Basha!! hanggang ngayon ba naman?? tatlong araw na ang lumipas, ganan ka pa din!! aba Basha, maawa ka naman sa sarili mo!"
Ang luha ko, oh. Lumalabas na naman,. Ang bigat ng pakiramdam ko, parang bulkang sasabog na ako.
"Ayan, umiiyak ka na naman, Basha, di ka na nakaka attend sa mga klase natin, lagi ka na lang umuuwi agad. Para saan?? para mag mukmok, magkulong at umiyak na lang?"
"Di mo kasi ako naiintindihan"
"Talagang di kita naiintindihan Basha, lagi mo na lang idinadaan sa iyak ang mga nangyari, para saan?, para pahirapan ang sarili mo, ang mama mo, at ang dad mo na nag-aalala sayo,"
"Masakit Poy!! masakit, alam mo ba yung pakiramdam na ang saya saya mo noon, halos araw araw nagiging makulay dahil alam mong may nagmamahal sayo, tapos ganito.?? Poy, bakit niya ako iniwan?? ano bang wala sa akin?? may pagkukulang ba ako?"
"Basha?"
"Ang sakit popoy, akala ko ba masayang mainlove poy?? Di ba sabi niya mahal niya ako?? mahal niya ako Poy!!! pero bakit ganito??"
"Basha,. Tama na"
"Ang sakit sakit poy,, Ang sakit sakit kasi wala akong magawa?? ang sakit kasi di ko alam ang mga nangyayari?? ang sakit kasi di ko masagot ang mga tanong ko.. ang sakit kasi mahal na mahal ko na siya.. pero iniwan niya ako... ang sakit..."
"Basha..."
Bigla akong niyakap ni Popoy,, sa yakap niyang yon, lalo akong naiyak, lalong gusto kong ilabas ang sakit at bigat na nararamdaman ko sa pamamagitan ng pag-iyak.
"Basha, tama na ito.. please.. maawa ka naman sa sarili mo.. tama na.."
"Popoy, kasi,, ang hirap.. mahirap tanggapin ang katotohanan na, kahit gustong gusto kong gumising ng nakangiti, gusto kong pumasok sa school na gaya ng dati, gusto kong mabuhay ulit ng normal.. di ko na magawa poy!!, ang hirap.. bakit ganito..?? Ang daya.. ang daya daya..."
"Tama na Basha!!"
Iyak na naman ako ng iyak. Ganito ba talaga kasakit magmahal. 1st time ko ito.. sana kung alam kong ganito, sana di na lang.. di na lang ako nagmahal..
"Basha!!! wag ka ng umiyak please... ?? tama na.. nahihirapan na din ako sa sitwasyon mo. nag-aalala kami para sayo! . Basha, kung pwede sana, kahit mahirap, subukan mo man lang, lumabas ng kwarto mo ng hindi umiiyak.. Kung pwede lang sana, gawin mo yun,, hindi para sa amin, kung di para sayo na din."
Nahiga na ako sa kama ko, si Popoy umuwi na muna. Nakakapagtaka, ang mga mata ko, napapagod din pala. Wala ng pumapatak na luha.. Pero ang bigat sa puso ko, di pa rin nawawala.
After a weeks..
Tuluyan na akong napagod sa pag-iyak, sa pag-iisip at sa pagkukulong sa kwarto. Ang dami kong nasayang na time, ang dami kong lessons na hindi na take sa school, ang daming foods na nasayang kasi di ko kinakain, ang daming masasayang oras ang napalipas ko dahil sa pagmu-mukmok.. Sinubukan kong lumabas ng kwarto ng walang luha sa mata ko, nagbreakfast kasama ang parents ko,. Masaya na ako kasi kahit papaano, nagka time sila sa akin, di na sila masyado busy sa trabaho, naglalaan na talaga sila ng oras sa akin, lalo na si Mama, na lagi akong binibisita sa kwarto para itanong kung ok lang ako. Mabilis akong naligo at nag ayos ng sarili, sayang kasi ang time kung di pa ako aattend sa klase, graduating na ako, kaya kelangan kong pagtyagaan..
Si Popoy kita ko sa mukha niya ang saya ng lumabas ako sa gate namin para sumabay sa kanya sa pagpasok sa school. Sina April, Hiroshi at Sophia naman, tuwang tuwa na halos magtatalon sa saya, nang makitang nakabihis ako ng uniform ko.
Mahirap pa rin para sa akin ito. Ang magkunwaring ok lang ako kahit alam kong di ako magiging ok hangga't wala si RD sa tabi ko. No choice eh, narealize kong tama si Poy, madaming naapektuhan sa mga ginagawa kong pag eemo... Kasi marami pang nagmamahal sa akin. Kahit papaano, madali naman akong nakakahabol sa lessons namin, kahit na minsan, nahuhuli ko ang sarili ko nakatulala na lang sa kung saan. Di pa rin maiiwasan ang pagpatak ng luha sa mata ko sa twing may bagay o lugar na makapagpapa-alala sa akin kay RD.
Hanggang ngayon, di pa rin, gumagaling ang sugat na iniwan ni RD sa akin., Mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Para akong natroma sa nangyari. Gusto kong magalit sa kanya, nananaig pa rin ang pakiramdam na mahal na mahal ko pa rin siya.
Nag graduate ako ng high school na may dalang lungkot,. Pero nung maka graduate ako, nag decide ako na ibalik ang normal at masayahing si Kim, kapag nagsimula na akong mag kolehiyo. Nag pa cut ako ng hair, bagay naman daw sa akin, eh. Sinubukan kong mag mature, mag-ayos, at makipagkaibigan sa iba, tulad ng dati. Araw-araw sinisimulan ko ang umaga ng may ngiti, kahit pa pekeng ngiti. Minsan nakakaramdam pa rin ako ng inggit at lungko sa tuwing makikita ko si Sophia at Popoy, pati na rin April at Hiroshi na masayang naglalambingan, nagkukulitan at nag-aasaran. Minsan di ko pa rin maiwasan ang umiyak.. Pero kahit papaano, sinusubukan kong mag move on. kasi wala naman akong balak mag major in history sa college. Kaya kahit mahirap kinakalimutan ko ang malungkot na nakaraan.
Tama!! si RD.. Part na siya ng past...
Nag-take ako ng Information Technology Course., after two years nag apply ako as a working student sa isang call center agency, kahit afford naman namin ang tuition, sinubukan ko pa rin na mag work for my remaining two years pa. Ngayon, ok naman ako, namamanage ko ng maayos ang time ko, nakakapag work ako ng maayos, at namementain ko ang high grades ko. Kahit papaano, unti unti ko ng nakakalimutan si RD, i admit nung una, gusto ko lang magpaka busy para makalimot, kaya ako nag working student. And effective naman yun, sa ngayon, kahit papaano nakakangiti na ako ng totoong ngiti, as in. Yung hindi peke. Ang sarap sa pakiramdam maging masaya ulit.
