My SECRET Crush [LuYoon OneShot]

4.9K 153 43
                                    

My SECRET Crush

A Happily Ever After, After All

Short Story #3

Written by:

TinyFish

Have you ever felt the spark. Spark? Tagalog na nga lang! Nakakaramdam ka ba minsan pag andiyan na si crush ng panginginig, kinakabahan, nasusuka na parang ewan? LALO NA PAG NASA TABI MO PA ANG MGA TUSO MONG MGA KAIBIGANG LAGING NANGBUBUKO SAYO?! Well this story is for you!

***

"Ara! Si Kevin ohhh"

PAKINSHET?! Nakakainis first day na first day ng klase, nangaasar naman tong mga dakila kong BESTFRIENDS na laging pinapangalandakan ang pangalan ko tuwing makikita nilang dadaan na ang.. pinakagwapo at CRUSH kong si Kevin.

Haaaay isa nga pala siyang soccer player sa school namin at talaga namang napakacute niya...

Anyway balik tayo sa present world ko na-... oo nga pala padaan na sina Kevin kasama ng mga barkada niya. Minsan nga pag nagiisa akong naglalakad at napapadaan ako sa tapat nina Kevin, nakatingin lang sila sa'kin at lahat sila nakangiti, paglampas ko naman naririnig ko silang tumatawa. Feeling ko tuloy alam nila eh.

Eto na dadaan na sila, ako naman nanginginig na parang ewan.

Sana talaga wag silang ma-

"AH ARA! DIBA GUSTO MONG PASAHAN KITA NG LOAD? ANO NA PALA YUNG NUMBER MO? 09488- ANO NA ULIT?"

Sh*t! Lakasan ba naman boses niya? Grabe nung medyo malayo-layo na sila, sinimangotan ko sila ng todo! As in pwede nang sabitan ng kaldero ang nguso ko.

"Nyahahahahahaha"

"Mga timang! Kainis naman kayo eh"

"Ayaw mo yun? Atleast unti unti, let me scratch that. I MEAN ATLEAST KILALA KA NIYA NA"

"hay! Ewan!"

Naku naman eh. Walang araw na hindi ni pinapamukha sa'kin ang pagkagusto ko kay Kevin! Gusto niyo ng flash back?

*flashback*

Last day ng pasukan bago ang sem break at

naglalakad kami ngayon sa may hallway papunta sa 2nd subject namin nang sa di kalayuan nakita ko sina Kevin kasama ng mga kaibigan niya at papunta sila sa direksyon namin. Syempre pag nakita ko mas nakikita ng mga bestfriend ko.

"Araaaa. Do you see what we see?"

"Naman mga fren, pwede ba kayong magdayoff ngayon?"

"OK"

*grin*

Lagot na ako!

At nang maramdaman kong malapit na sila, yumuko ako at binilisan nalang ang paglalakad para hindi na nila ako asarin uli.

My SECRET Crush [LuYoon OneShot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon