Chapter 10 *Announcement*

Start from the beginning
                                    

“Hmm, kaibigan ko lang sila. Sekretarya rin ako ni Jeremy kaya kasama ako sa company anniversary party mamaya.” tuloy tuloy na sabi ko dito dahil nakita ko ang pagtataka nito at nawari ko na nagtataka ito kung bakit kasama akong dadalo ng mga ito sa party.

“Ah” maikling sabi nito

Ilang oras pa ang nakalipas at parang pagod na pagod ako kahit pa nakaupo lang naman ako. Nang sabihin nito na tatanggalin na nito ang mga kung ano-anong inilagay nito sa buhok ko ay pinatalikod ako nito sa salamin. Nang matanggal na nito ang mga kolorete sa ulo ko ay inutusan naman ako nito na isuot na ang gown na binili ni Tita Lea para sa akin. Naalala kong namangha ako ng una ko iyong masilayan. Elegante kasi ang tabas ng gown na iyon na para bang prinsesa nga ang magsu-suot. Pilit ko iyong tinanggihan ng ibigay iyon sa akin ng ginang pero sa huli ay wala akong nagawa dahil magtatampo raw ito kung tatanggihan ko ang damit.

It was a glittery baby blue princess gown. I imagine Cinderella from the fairy tale when I look at it. And now, I imagine myself turning to be one of the Disney princesses when I wear it. From being a duckling, I’ll be transforming into a beautiful swan.

Nang maisuot ko na ang gown ay ilang beses akong inikutan ni Annie. Nasa hitsura nito ang pagiging professional sa trabaho nito at mukang sinisigurado nito na maayos ang lahat dahil gaya ng mga pintor,  obra ang turing nga mga kagaya nito sa mga taong inaayusan ng mga ito.

Ilang sandali pa ang lumipas at nakita kong nangislap ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.

“Wow, you look really amazing. Para kang prinsesa na lumabas mula sa libro. Grabe! Parang sadyang ginawa ang gown na ‘yan para sayo at talaga nga namang akmang akma sa maamo mong muka ang malamlam na kulay niyan. Hay! Sana kasing ganda mo rin ako. Kapag siguro nagyari ‘yon, tiyak na may panama na ako sa mga babaeng naghahabol sa kambal na Kifler.” ngiting ngiting sabi nito

“Hindi mo naman ako kailangang bolahin pa. Sasabihin ko pa rin naman na ikaw ang the best stylist kahit ano pa ang hitsura ko.” natatawang biro ko dito. Ito naman ay pabiro ring pinaikot lang ang mga mata saka ako iniikot paharap sa malaking salamin.

I gasp when I look at the woman in the mirror. She looks just like me but far from being simple as I used to look. Hindi ako makapaniwala sa nakikita kong repleksyon ko sa salamin. Para kasing imposible na ganoon ang hitsura ko, ni hindi ko nga naisip na babagay sa akin ang magandang gown na iyon pero tama nga si Annie. Dahil parang sinadyang gawin ang damit na iyon para sa akin.

“Oh, kitams, sabi ko sayo eh muka kang prinsesa sa suot mo. Ikaw lang eh, ayaw mong maniwala. Plus, siyempre, mas pinaganda kita” nagmamalaking sabi pa nito

Napahugot ako ng malalim na hininga saka bahagyang ipinikit ang mga mata. Hindi ko alam kung bakit pero parang nakaramdam ako ng kaba dahil kung ako man ay naging si Cinderella ibig bang sabihin niyon ay hanggang alas dose y medya lang ng gabi ako tatagal bilang isang prinsesa? Pero ano naman ang puwedeng magyari diba? Maybe I was just being pathetic.

A night... A child! (COMPLETED)Where stories live. Discover now