chapter #26

6.9K 158 1
                                    


Hellisha Angel pov

Pagkatapos naming kumain umakyat na ako sa aming silid para maligo dahil ang sabi niya sa akin may pupuntahan daw kami hindi narin ako nag tanong kong saan dahil malalaman ko din naman iyon mamaya. Naligo na ako at nag bihis narin dito sa loob ng banyo dahil alam kong nasa loob siya ng kwarto narinig ko kasing bumukas at sumira ang pinto habang nandito ako sa loob. Pag katapos kong ayusin ang sarili ko lumabas na ako at nakita kong naka higa siya sa kama habang naka pikit ang kanyang mata mukhang naka tulog siya sa kakahintay sa akin.

Hindi ko muna siya ginising at nag lakad ako papunta sa harap ng salamin at sinuklay ang basa kong buhok. Nag lagay narin ako ng pulbo sa aking mukha hindi ako mahilig mag lagay ng colorite sa mukha,matapos kong ayusin ang sarili ko nag lakad na ako papalapit sa kanya umopo naman ako sa gilid ng kama. Nakatitig lang ako sa gwapo niyang mukha, may makapal siyang kilay na bumagay sa kanya mahahaba din ang kanyang pilik mata at napaka tangos ng kanyang ilong at ang kanyang labi na manipis at mapupula mukha siyang anghel kong matulog dahil da maamo niyang mukha hindi mo aakalain na isa pala siyang leader ng isang napaka laki at napaka pang yarihang organization dito sa manila.

Nalaman ko ito dahil sinabi sa akin ni ashley na may organization sila at pinamahalaan ito ng nakakatanda niyang kapatid na lalaki. At lahat ng tungkol sa kanyang kapatid sinabi niya sa akin, kahit ang gusto nito at ayaw.

Naka titig parin ako sa kanya mahimbing ang kanyang tulog kaya napag dicisonan kong hindi nalang siya gisingin at hayaan ko nalang munang matulog siya dahil nahahalata ko noong naka raang mga araw mukha siyang walang tulog.

Nalaman ko ring pinaiimbis tigahan niya ang nangyari sa pamilya ko dahil narinig kong may kausap siya sa cellphone niya noong pumasok siya sa silid ko. Nag tulog tulogan ako noon dahil hindi ako makatulog sa dami ng iniisip ko, at basi sa aking narinig mukhang wala pa diyang lead kong sinong hayop ang nag pa ambush sa akin at sa pamilya ko. Pero ako may hinala na ako kong sino siya pero wala pa akong sapat na ibidinsya sa kanya pero sisiguradohin kong ako mismo ang papatay sa kanya kong malaman kong siya ang master mind ng lahat ng nangyari sa akin at sa pamilya ko.

Hinahaplos haplos ko ang makinis na mukha ang taong natutulog ngayon dito sa aking harapan napa ngite nalang ako sa aking sarili, ngayon ko lang nalaman at na realize na napaka swerte ko pala at siya ang binigay sa akin kahit pinag ka sundo lang kami alam kong gagawin niya ang lahat maging mabuting asawa sa akin at protektahan sa abot ng kanyang makakaya. Pero ipapangako ko rin sa aking sarili ako nanaman ang po-protekta sa kanya kahit kamatayan ko pa ang kapalit.

Hinalikan ko siya sa labi, " I love you, " sabi ng isip ko. Sasabihin ko rin ang katagang iyan oras na may nararamdaman ka narin sa akin. Tumayo na ako at dahan dahang lumabas sa silid napag pasyahan kong lumabas muna dito sa rest house at mag libot - libot nalang habang tulog pa siya.

_________

Comment and vote guys...

REVENGE OF THE MAFIA WIFE ( complete )Where stories live. Discover now