CHAPTER 7
"Mga ilang araw tayo do'n, Ate Kyle?" Liz asked me.
"Two weeks lang." I said, not looking at her. Ed and I are talking through WeChat right now.
"Bakit two weeks lang? Seems like a short vacay." she said.
"We're going there to look for my family, dear Lizbeth. Para na rin ma-clear na ang issue niyo ng kapatid ko." I said.
We're here at the airport, waiting for our flight. We're going to Cebu.
Kamusta na kaya sila? I miss them so much, especially my brother.
Actually, dapat ako lang ang pupunta sa Cebu, isasama ko na lang pabalik si Timothy Allen papunta dito sa Manila. But Lizbeth and Reljane insisted na sumama kaya tatlo kaming pupunta ng Cebu ngayon.
Yes, Reljane is with us. She's just sleeping kaya kaming dalawa lang ni Liz ang mag-kausap ngayon.
-{I gotta go, babe. I'll call you later. Bye, I love you.}-
-{Take care, I love you.}-
I heard Liz sighed kaya napatingin ako sa kanya. "What seems to be the problem, dear?" I asked.
She weakly looked at me then shrugged. "Nothing. I just wonder, k-kamusta na kaya siya? I actually don't know what I'm feeling right now. Para bang.. excited akong makita siya? Ugh, This is so embarassing." sabi niya at nag-cross arms siya.
I smirked. "Yiee, mahal mo pa, 'no? Amin-amin din 'pag may time." sabi ko at mahina siyang siniko.
She laughed. "Ate naman." sabi niya. "You know what, Ate Kyle, I feel so awkward everytime we're talking about Allen. Parang... ewan!" dugtong pa niya.
"Hahaha! Iinom mo lang ng tubig 'yan." sabi ko at ginulo 'yong buhok niya.
Nang tawagin ang flight namin, ginising na namin si Reljane.
No'ng nasa plane na kami, si Lizbeth naman ang nakatulog. Nando'n siya sa tabi ng bintana, napagigitnaan namin si Reljane.
"Rj, 'di ba may past 'yang si Liz at si Allen?" sabi ko sa kanya. Bumubulong lang ako dahil hindi lang naman kami ang nandito sa eroplano.
"Oo, sabi sa kwento niya. Bakit?" tanong niya.
"Pustahan, 'pag nakapag-usap na sila at na-clear na 'yong issue nilang dalawa, magkakabalikan 'yang dalawa." sabi ko.
Her forehead creased pero ngumiti rin siya mayamaya. "Sige, sige. 'Pag sila, hindi nagka-balikan, hihiwalayan mo si Edward." sabi niya.
"What the eff?" 'di makapaniwalang sabi ko. "No way," dugtong ko pa.
"Joke lang, 'to naman. Ano na lang, 'pag hindi sila nagkabalikan--" Pinutol ko 'yong sasabihin niya.
"Bibigyan kita ng damit galing sa boutique ko, tapos ako magde-design ng wedding gown mo sa kasal niyo ni Eros, kung ikakasal lang naman kayo." sabi ko.
"Ay, bet. Sige. Pero 'pag sila nagka-balikan, ibibigay ko sa 'yo 'yong MAC collection na gustong-gusto mo." sabi niya.
"'Di, 'wag na. Basta, pustahan, wala ng kapalit. Hahaha! Jokjok lang 'yong kanina." sabi ko at tumawa.
Tumawa rin siya. "Baliw kang bruha ka. Iba ugali mo ngayon, kulang ka sa tulog, 'no? Itulog mo lang 'yan." sabi niya at nag-goodnight na sa 'kin kahit tanghali pa lang dahil matutulog na naman siya. Natulog na lang din ako.
***
"Oh God, after five long years, nakatapak na ulit ako sa Cebu." I whispered to myself at huminga ng malalim. The plane just landed fifteen minutes ago and we're now waiting for our luggages.
I sniffed the fresh air here in Cebu. Totoo nga 'yong sinasabi nila na Home is where the heart is. Kahit wala pa 'ko sa bahay na kung saan ako lumaki, home na 'tong Cebu para sa 'kin.
"Aaaah! I missed this place!" Reljane said.
Originally, dito talaga kami nakatira sa Cebu ni Reljane. Lumipat lang kami sa Manila para mag-aral sa dream school namin, 'yong Alvarez University. Tapos pagkatapos kong grumaduate ng college, bumalik agad ako dito sa Cebu. Then two years later, bumalik din ako ng Manila because I met James.
"This is the first time na makapunta 'ko dito. My dad never brought me here 'pag kaming dalawa ang magde-date. Haha, malamang. Ang layo kaya nito sa Manila." sabi niya.
"Oh, atleast nakapunta ka na ngayon dito, kami nga lang ang kasama mo kaya pagtiyagaan mo na kami. Hahaha! Ikaw rin naman ang dahilan kung bakit tayo nandito ngayon." sabi ni Reljane. Tumawa lang si Liz.
Nang makuha namin ang mga luggage namin, sumakay na kami ng taxi. Pinagkasya namin ang mga sarili namin do'n sa passenger seat dahil ni isa sa 'min, ayaw katabi 'yong driver.
"Sa'ng hotel tayo tutuloy?" Reljane asked. I was about to suggest na sa Alcantara Towers Cebu pero hindi ko na lang tinuloy. Baka malaman agad ng mga Alcantara na buhay ang baby girl nila.
"Uhm, sa Waterfront na lang?" sabi ko.
"Ah, okay. Bet ko naman do'n sa hotel na 'yon." sabi ni Reljane.
***
"I'm dead tired, I'll just take a nap." sabi ni Lizbeth pagkapasok na pagkapasok namin sa kwarto.
Kinuha namin 'yong biggest suite dahil gusto namin, sama-sama kami. Ang lungkot kasi 'pag mag-isa ka lang sa iisang kwarto.
"Go ahead." sabi ko. Sumunod si Reljane sa kanya kaya naiwan ako dito sa salas.
Umupo ako sa sofa and massaged my forehead. Pa'no ko ba sisimulan ang paghahanap sa kanila?
Then napasapo ako sa noo ko. Bakit hindi ko na lang sila ipahanap sa ibang tao?
But it's too late, nandito na 'ko sa Cebu kaya, itutuloy ko na 'tong Operation: Paghahanap sa mga Dones-Gilberton. Syempre, gusto ko ring mag-excert ng effort dito sa paghahanap ko sa kanila.
==============================
Uhh, I don't know if this is a short update or nah. Can't determine the number of words bc I'm only using my iPod and it's not that updated.
Double update bc I'm not sure when will be my next update. follow me on these accounts, please. Love y'all!
Instagram • clayrdee
Twitter [fan acc] • kathstrophile
Twitter [personal acc] • itsclairedee
VOTE AND COMMENT, PLEASE. HAHAHA
-Claii
