Chapter 15 - Oh Yes I'm Back

3.6K 164 79
                                        

A/N: Natatawa ako dun sa mga nagsabing si Storm yung babalik. Haha! Hala sige, push niyo yan guys! Hoho!




Eunice's POV




Nakarating na kami sa mansyon at agad akong nanakbo pataas ng kwarto ko at nahiga sa kama pati umiyak. Grabeh lang kasi.. Hindi niya manlang ako pinaniwalan? And I also feel gulity kasi kasalanan ko pala kung ba't niya ako hiniwalayan.




"Please open the door" dinig kong may nagsabi niyan.




"Gusto ko na munang mapag-isa" ani ko.




Narinig ko yung pagbukas ng pinto at pagsirado din nito ulit.




"What? Are you just gonna stay here and cry all night?" Pagkarinig ko sa boses niya, agad akong napatunghay at napa-ayos ng upo.




"Trixie?" Gulat na sabi ko.




Ngumiti siya saka tumabi sakin dito sa may kama ko. "It's good to be home" saad niya.




O__O




"Para ka namang nakakita ng multo eh. Haha" dagdag pa ni Trixie.




Totoo ba toh? Si Trixie ba talaga toh? Nakalabas na siya? Kelan pa?




"I-ikaw ba talaga yan? S-seryoso toh?" Di makapaniwalang tanong ko.




Mas lalong lumapad yung ngiti niya sabay sabi "Oh yes I'm back"




Waaaah andito na nga siya ulit. I cant believe this! Pero shemay! Namiss ko tong babaeng toh!




"Waaaaah andito kana uliiit!" Sambit ko habang niyayakap siya.




"Aaack----Eunice----parang di lang tayo muntik magpatayan-----Aaack-----bitaw nga!" Saway ni Trixie sakin.




"Hehe" saka pinahid ko yung mga luhang natira galing kaiiyak ko kanina. "Masyado lang kitang namiss eh" ani ko.




"Halata nga. Di ko nga alam kung namiss mo ba talaga ako o gusto mo lang akong sakalin para makaganti sakin" pabirong sabi niya.




"Toh naman. Namiss lang talaga kita.. Welcome back Trixie" sabi ko.




"Thanks" saad ni Trixie at nagyakapan na ulit kaming dalawa.




Siya ang unang humiwalay saka nagsimulang magsalubong yung mga kilay niya. Haha. Tong babaeng toh talaga, mataray padin hanggang ngayon.




"Oy ikaw! Ano yung iniyak-iyak mo kanina!?" Singhal niya.




"Relax lang sis. Yung puso mo" pabirong sabi ko.




"Sis talaga noh?"




Nginitian ko siya. "Natural. Magkapatid tayo eh"




"I hate dramas" Bulalas ni Trixie saka inirapan niya lang ako. Haha!




"Kumusta na? Ba't ka ba umiiyak kanina?" Usisa niya.




Ewan pero bigla ko nalang siyang nayakap agad. Siguro dahil kailangan ko ng kapatid na dadamay sakin ngayon.. Di ko na kasi kinakaya yung sobrang sakit.




"Mukhang mahaba-habang usapan toh ah.." dinig kong sabi ni Trixie habang niyayakap din ako pabalik.




Humiwalay na ako sa yakap saka kwenento ko sakaniya yung lahat. As in LAHAT. Walang detalye akong pinalampas.. Gulat na gulat nga siya nung nakwento kong matagal na kaming hiwalay ni Rain.. At yun nga, ayaw niya akong paniwalaan na hindi ko siya niloko.




Second Time AroundWhere stories live. Discover now