“Damien dinig ko kay martin” Damien pala pangalan nung mokung na yon …..
Ayon pala si aya kasama nya si kate hay….. akala ko may nangyari na sakanya baka nagka salisi lang silang dalawa ni martin kaya di nya nakita si aya nasa labas din pala sila ang lakas nang hangin kaya niyaya kuna silang pumasok sa loob…. Di na muna kami uuwi ngayon dahil masama yung panahon dito na kami magpapalipas nang gabi…
Taka kulang bat dipa umuiwi yung lalaking yon di kaya nya napapansin na sya nalang yung bisita na natitira syempre exept kami.
Aya’POV
Mag tatanghali napala napa sarap yung tulog ko paggising ko nasa kwarto kuna si annie hmmp.. “sis jan ako natulog sa tabi mo ^___^” napasarap nga tulog ko di koman lang alam na meron pala akong katabi na natulog kagabi ;)) si kuya bigla biglang pumasok napatingin kami ni annie sakanya sya pa yung nagulat haha alam kuna hinahanap nya si kate for sure. sinara nya agad yung pinto di naman sya pumasok ……. Si kuya talaga ^__^ magkatabi lang kasi yung mga room naming tatlong girls kaya suguro nagulat si kuya dahil imbes na si kate yung makikita nya kaming dalawa ni annie ang nakatingin sakanya
Si kate shawn at si kuya nasa baba nag swiswimming na ^_^ agad kami nagbihis nang panligo namin este agad akong nagbihis si annie kanina pa naka bihis pero dipa bumababa nasa harap lang sya nang salamin……..
Tinatabunan namin ni annie si shawn nang buhangin si kuya at si kate naman naisipang mag barbeque
“Aya may license kana” tanung ni shawn ang sarap ibaon sa lupa
Kuya nang aasar kaba? Sagot ko sakanya di panga ako marunong mag drive alanganaman kumuha ako nang license kahit di ako marunong mag drive…. “tuturuan kita “ sagot naman nya magagalit lang si kuya sagot ko sakanya “uuwi ba kayo ngayon shawn “singit ni annie “ hmmp…ewan ku kay kate “sagot naman nya … tumayo ako para hanapin yung sandals ko “sis” sigaw ni annie “san ka pupunta? “
Hinahanap ko ngayon yung pares nag sandals ko di na ako nagpatulong kay annie pero sumunod din silang dalawa…^__^
Di parin namin Makita mag gagabi na..haysshh nakakalungkot naman uuwi na sila kate maya maya lang
Pupunta na sila sa manila bukas mag e-enroll na sila
hinatid namin sila ni kuya hanggang makapunta sila sa sasakyan nila
Hating gabi na di parin ako maka tulog buti pa si annie nakatulog agad sya.. si kuya kaya tulog na? yayayain ku sana sya lumabas para mag pahangin sa labas naisipan kung dumungaw sa bintana para tingnan kung mahangin magalaw naman yung manga halaman kaya ooppsss sakto si kuya nandun sya . nakahiga sya sa ilalim nang puno malapit sa may mataas na bato dali dali akong lumabas at bumaba nang bigla kong marinig boses ni kuya na galing saking likuran o.O?
Saan ka pupunta tanong nya O.O pupuntahan kita hah sagot nya habang kamot kamot batok nya nagtaka lang sya sa sagot ko ahh ahhh kuya hmmp… pupunta sana ako dun turo turo ko yung puno ….. sino kaya yon ? tanung ko sa isip ko
Di kona sinabi kay kuya na may nakita ako baka na malik mata lang suguro ako pero nakaramdam ako nang takot nang biglang lumakas ang hangin dito sa labas naka puti pamandin yung lalaking yon
Di kuna natanong kung bakit si kuya pupunta sa labas hinawakan ku sya nang mahigpit habang pabalik kami sa taas
Nasa room na ako pero si annie sakop na nya ang bed naka lock na rin ang room ni annie dun sana ako matutulog.. naisipan kong lumipat sa room ni kuya pag bukas ko nang pinto agad akong naglakad papunta sa room ni kuya laking gulat ko nang makita ko ulit yung lalaking naka pamuti nakatalikod sya pabilis na nang pabilis ang tibok nang puso ko dahil sa takot nakatayo sya sa harapan nang pinto nang bakanteng malaking room bigla syang lumingon sakin at sisigaw nasana ako nang bigla nyang takpan ang bibig ko “don’t shout”.... nawala agad ang takot ko pero tuloy parin ang mabilis na pagtibok nang puso ko nawala sa isip ko na isa syang multo dahil ang gwapo nya naalala ko bigla habang nakatitig sya sa mga mata ko sya yung lalaking inaway ko sa isang mall dahil sa isang relo pag tanggal nya nang kamay sa bibig ko sumigaw ako nang malakas dahil naisipan ko na di nga sya multo pero anung ginagawa nya dito? Naisipan kong sya ay mag nanakaw sumisigaw lang ako habang nakatingin sya sakin binitawan nya agad ako … biglang lumabas si kuya kaya bahagyang kumalma ako “Damien” O.O???????????????????
Damien?
K.. ki… kilala mu sya kuya?? Tanong ko sakanya malalaking OO ang sagot ni kuya biglang uminit yung mukha ko sa kahihiyang ginawa ko dahil pati mga katiwala nang resort umakyat pa dito dahil sa lakas nang pagsigaw ko……. Di kuna magawang tingnan yung lalaki dahil sa kahihiyang ginawa ko ..
Nabulabog ata ang resort sa sigaw ko …..
ESTÁS LEYENDO
You are my FATE
Novela JuvenilI believe in fate .. but I never imagined or I never believed in a fairy tale and a love story which in the end “happy endings”?
