#DiaryNiMrL
ENTRY # 24
Tigyawat sa ilong... pati na sa pisngi... Sa kakaisip sa'yo tigyawat dumarami!!!
Waaahhh!!! Huhuhuhu! May tigyawat ako D! Oh no! Bakit?!
Dahil ba ito sa kakaisip ko sa kanya kagabi to the point na hindi na rin ako nakatulog ng maayos dahilan para magkaroon rin ako ng malalim na eyebags? Waaahhh!!! Kailangan kong bumili ng anti-acne soap at pimple cream pantanggal ng pimples at gamot sa eyebags para mawala rin ang malalim kong mga eyebags!
Kasi naman eh! Bakit patuloy siyang tumatakbo sa isipan ko? Imbes na siya ang mapagod, ako ang parang napagod at lutang!!! Bwisit naman! Dagdagan pa na may tigyawat na ako sa mukha, mga dalawa.
Pero D, napanuod ko sa isang commercial ng sabon, hindi naman daw pag-ibig ang dahilan kung bakit nagkakatigyawat ang isang tao kundi dahil sa germs. Wait! Teka nga, sinabi ko bang pag-ibig? Ibig bang sabihin...
No! No! No! Not again! Ayokong sabihin sa sarili ko na umiibig na naman ako kaya ako nagkakaganito! No! No! No! Hindi! Ayoko! Ayoko na!
Hindi ako nahuhulog kay Zeus! Hindi ako umiibig sa kanya! Hindi siya kumikinang na parang twinkling-twinkling little star kapag nakikita ko siya! Hindi! Hindi! Hindi! Tama na ang minsang nahulog ako at nasaktan ng dahil kay Red kaya huwag naman sana kasi baka magaya na naman 'yung nangyari sa akin dati. Marahil, infatuation lang itong nararamdaman ko kay Zeus. Gwapo naman kasi siya kaya hindi ko rin maiwasan na hangaan at pagpantasyahan siya. Oo, hanggang dun lang 'yun at hindi ko hahayaan na mahulog akong muli. As in never na hahayaan ko na ang sarili ko na mahulog ako kasi... I'm scared.
Pero... paano kung... paano kung... waaahhh!!! No! No! No! Hindi! Ayoko! Tama na! Tama na ang minsan!
Bwisit ka Zeus! Ginugulo mo ko!!! Ginugulo mo ang tahimik kong life!!! Huhuhu!!!
Haaay, D! Ano ba itong nagaganap sa buhay ko? Hindi ko na keribels!
Lubos na itinatangging may something na ko kay Zeus, Liam
PS: It's a big no-no-no! I'm not falling in love again and it will never be!!! Tama na!!! Waahhh!!!
YOU ARE READING
[EDITED] Diary ni Mr. L - FIN
HumorDiary ni Mr. L All rights reserve, 2024 Copyright, 2024
![[EDITED] Diary ni Mr. L - FIN](https://img.wattpad.com/cover/50575734-64-k116963.jpg)