Chapter 3

59 0 0
                                        

Hi guys! Sensya na po ngayon lang po ulit nakapag update. Sana po ay mag enjoy kayo. Sobrang naappreciate ko po yung pagdagdag ng mga nagbabasa nito. Sana po ay madagdagan pa po ito. God Bless you all po.^___^

Chelsie's POV




Buti na lang pala at tumakbo ako dahil saktong may napadaan na jeep. Anong oras na ba?

Tiningnan ko ang cellphone ko na di keypad. Oy wag kayo, mag lilimang taon na sa akin to next week. Eto kasi yung niregalo sa akin ni mama nung graduation ko. Back to the present. So ayun nga tiningnan ko yung cp ko kaso kabag sinuswerte ka nga naman (insert sarcasm here) lowbat pa.=____=.


Mag tatanong na sana ako sa katabi ko kaso busy pala. BUSY sa pakikipag landian sa kanyang katawagan. Yakkk. Kung titignan mo mga nasa 40's na to. At ang suot, nag susumigaw ang cleaveyvey.(cleavage).


"Bhe. Hindi kita marinig dito ng ayos it's noisy kasi e. Andito na kasi ako sa jeep..Yes...Oo sinabi mo pa..Naku wag kang mag papakapagod ha.." pabebeng sabi ng ale.


At hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya dahil tumingin na lang ako sa labas at baka maisuka ko lang lahat ng nakain ko kanina. At mabuti na lang malapit narin ako sa school.


"PUP?". sabi ni manong driver.


"Saglit lang po" at bumaba na nga ako.


Inhale Exhale..Hayyy!>____< kaya ko ito. Nag lakad na ako papunta sa may gate. Nang may bigla akong naalala....


"Registration po muna, bago pumasok" sabi manong guard dun sa naanuna sa aking babae.


Hala oo nga pala.0___0. Hinalungkat ko yung bag ko habang nag lalakad.


"Ouch.! Excuse me?!"


Aray ang sakit naman sa tenga ng boses na yun, parang nagilit na tuta e.
Pero pinag patuloy ko parin ang paghahanap ng aking Reg. Form.


"Hello, Miss?!" patuloy na pagsasalita nya.


"Ay sorry, ate di ko po sinasadya" sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya.
Ayun sa wakas nakita ko na rin ang Reg. Form ko.


Ibibigay ko na sana ito kay Manong guard, nang mapansin kong wala namang babae sa harapan ko.


"Ang labo naman nun, akala ko ba may nabangga ako? Tskk yaan mo na nga baka nakaalis na yun." Sabi ko sa sarili ko


"Hey, excuse me ako lang naman po yung nabangga mo?"





Silent VowsWhere stories live. Discover now